Author's note:
Salamat sa pag-add nitong book ko sa reading list niyo sana magustuhan niyo ang update na ito.
ChinaMariano
Hana_Lee_Seike***
Hindi mapigilang matawa ni Dylan dahil sa mga papel na kanyang iwinawasto. Naatasan siya ng kanyang propesor na magcheck ng mga papel na naglalaman ng sanaysay na gawa ng kanyang mga kaklase. Nakakaaliw talaga siya. Ani niya sa sarili.
Isang modelong estudyante si Dylan. Matataas ang mga markang kanyang nakukuha. Miyembro ng organisasyong naglalathala ng dyaryo sa buong eskwelahan. May kaya ang pamilya, at biniyayaan ng kagandahang pisikal kung kaya't tinitilian at hinahangaan ng mga kababaihan. Sikat din ang binata sa social media. Bukod sa pagsusulat, libangan din niya ang pagbabasketball.
"Dude, baka hipan ka ng hangin d'yan." Ani ng kaibigan niya ng maabutan siya nitong tawa ng tawa. Hindi niya na lamang into pinansin at nagpatuloy sa pagwawasto ng mga papel. Ngunit talagang makulit ang kaibigan niya.
"Nabasa ko yung mga gawa ni Mhel Jane. Grabe pare! Puro patungkol sa'yo!" Awtomatikong nakuha nito ang kanyang atensyon at tila umawit ang mga anghel sa kalangitan ng marinig niya ang pangalan ng babaeng kanyang sinisinta. Oo, tama. Mayroon ng napupusuan si Dylan. Tao pa rin naman siya, nagmamahal at marunong makaramdam.
"Anong gawa ang sinasabi mo?" Tanong niya sa kanyang kaibigan na may halong pagkasabik. Ngumisi naman ito sa kanya at itinaas baba pa ang mga kilay. "May blog siya..."
"Talaga? Anong pangalan ng website?" Tanong niya ulit. Ilang segundo ang lumipas at naiinip na siya, halata naman kasing inaasar siya ng kaibigan niya. Kaya naman inayos na niya ang mga gamit niya at nilayasan ito.
Nagtungo siya sa direksyon patungo sa silid aklatan. I'd rather be in the library than to be with that lunatic friend of mine. Ani ni Dylan sa kanyang sarili.
"My ghaaad you're not lookining to your way! You bumping me tuloy!" Ani ng dalagang nabangga niya. Nagising naman si Dylan at tiningnan kung anong nangyari.
"Uh... Hello? Help me here naman! Cause you know my behind is kinda aching!" Reklamo ng dalaga sa kanya. Agad niya naman itong dinaluhan at tinulungang makatayo. Pinulot na rin niya ang mga gamit nito.
"You're not watching where you're going ha!" Sabi nito habang hinihimas ang nasaktang pang-upo. "What are you thinking ba?" Tanong pa nito. Hindi naman siya makasagot at natulala na lang siya sa dalaga. "Any way, you come with me. I have so many chika to tell you!" Saka ito umabresiete sa kanya at iginiya papunta sa Hardin ng eskwelahan. Nagpatianod na lang siya at sumama sa dalaga.
Naupo sila sa isa sa mga bench doon. Hinarap siya nito ng may maluwag na ngiti. "Libre mo kong ice cream?" Nanlumo siya, akala naman niya kung ano na ang sasabihin nito sa kanya. Tsss.. Papalibre lang pala.
"Bumili ka sa canteen." Matabang na tugon niya. Inalog alog naman siya nito. "Eehhh... Sige na please..." Pinagsiklop pa nito ang kamay nila. Napatingin siya roon at ibinalik niya ang tingin sa mukha nito. Uh? Why do I have this feeling that I might gonna say yes to her? He asked his self. Because you cannot resist her charms! His other self replied. He sighed and found himself at their school canteen buying three cups of ice cream for her.
"Nasight ko sa IG yung picture niyo ni Varga... My gosh! Kinikilig ako sa inyo!" Agad nitong sabi ng dumating siya dala ang biniling ice cream. It's Vera! My God! She's also bad at remembering names! Kinuha nito ang isang cup ng ice cream at naglabas ng wafer sa bag niya. Mismong wafer ang ginamit nitong pangkuha sa ice cream saka iniumang ito sa kanya. Awtomatikong ngumanga siya at isinubo ang wafer na may ice cream. Ang sarap! Lalo na pag siya yung nagsusubo. Namangha siya ng isubo ng dalaga ang nakagatan na niyang wafer na may ice cream.
"Hmm... Yummy!" Nakapikit na saad ng dalaga. Kitang kitang nasasarapan ito sa kaniyang kinakain. Napapanganga na lang si Dylan sa reaksyon ng mukha ng dalaga.
Okay.... looks like I'm whipped.
***Grammar Please!***
Author's note:
I know it's a short update. Pero kasi gusto ko siya isulat sa POV nilang dalawa next update HAHAHAHA! Expect niyo na na short lang talaga update ko dito beshies! Cutesy cutesy lang naman ito wag kayong ano. Anyway, baka next time gawan ko ng oneshot sina Amadeo and Hideo pero kasi ayoko masayang yung character nila I feel like I could give them a much bigger role, charot HAHAHAHA!