Isang ordinaryong araw sa isang ordinaryong estudyanteng si Raven--- Simpleng babaeng probinsyana. Nagkaroon lang siya ng pagkakataong makalipat sa isang pribadong kolehiyo nang dahil sa kanyang amang mayaman. Palibhasa'y matanda na ang huli kaya kahit hindi maipapasa ng dalaga ang kaniyang apelyido ay hinayaan niyang ito ang magmana ng kanyang yaman. Sa isip-isip niya'y karma iyon, 'pagkat noong kabataan nito'y kilalang matinik sa mga kababaihan.
Abala ang lahat sa paghahabol ng mga aralin. Bagamat tinatamad ang dalaga masikap niyang tinipon ang mga araling ipinamahagi ng kanyang mga propesor. "Uy!" Kalabit sa kanya ng kamag-aral niyang si Chastity; una niyang naging kaibigan sa kolehiyo. Nilingon niya ang kaibigan saka tinanong kung anong kailangan nito.
"Ayoko! Hindi din naman ako matatanggap, e..." Sansala niya sa mga sinasabi ni Chastity. Napabuntong hininga naman ang kanyang kaibigan. "Why don't you give it a try? Kung hindi ka man makapasok at least sumubok ka. Hindi ka talaga makakapasok kung hindi mo susubukan." Mahabang litanya nito. Matiim niyang tinitigan ang kaibigan, kitang kita sa mga mata nito ang sinseridad. Pabiro niya itong inirapan saka pumayag.
Maagang nagpunta sa gym ang dalaga. Mahigit isang oras na siyang naghihintau ngunit wala ni isang tao ang dumating.
"Ay! Nakakaloka! Ang daming tao!" Nagulat ang dalaga sa nagsalita. "Ay! Palakang bakla!" Napakapit sa kanyang dibdib ang dalaga saka sinapo ang bibig niyang nakanganaga at nanlalaki ang matang tiningnan ang may-ari ng may kalakasang boses na iyon.
Nakataas kilay na tiningnan ng binata ang dalaga mula ulo hanggang paa. "Bakla ka ng taon! Oo, bakla ako, pero utang na lamang loob naman! Hindi ako palaka!" Itinuro nito ang sariling mukha at pinandilatan siya ng mata. "Palagay mo sa mukhang 'to? Kulugo?"
Inirapan siya nito saka siya nilagpasan at tumingin sa kabuuan ng gym. Napabuga na lamang ng hangin ang dalaga saka sinundan ng tingin si Harry na nagkakabit na ng net. "Baka gusto mo akong tulungang merlat ka?" Sarkastikong pahayag nito. Napaikot na lamang ang mga mata niya. "Baklang siga." Bulong niya sa kanyang sarili saka nilapitan ito at tinulungang magkabit ng net.
Isang hapon nang makasalubong niya si Harry, natataranta siyang pumasok sa isang silid aralan. Ayaw na niyang makita pa siya nito. Batid kasi niya ang pagkadisgusto nito sa kaniya.
Habol ang hininga niyang napasandal sa likod ng pinto at ipinikit ang mga mata. "Anong ginagawa mo dito?" Napadilat siya ng may nagsalita sa gilid niya. Nang makita niya kung sino ito agad siyang napatili. "A-anong? P-paanong? B-bakit nandito ka?" Itinuro niya pa si Harry saka sumilip sa bintana para masigurong hindi talaga totoo ang nakikita niya.
Nilingon niya ang binatang nagtataka ang kislap ng mga mata. Sinapo ng dalawang kamay niyang bahagyang nakaawang na bibig at napatulala sa binata.
"Makyawti na ba talaga kes?" Tanong nito at inamoy amoy pa ang sariling kili-kili. "Shocks! O.A ka ah, pareho kayo ni Alvin, hmp! If I know gusto niya lang masolo si Chas! My ghaaaad! Imyerna!" Ginulo gulo nito ang sariling buhok at naupo sa isang armchair at nanghahaba ang ngusong tumingin ito ng masama sa kanya. "Shit! Why is he always like this?" Ani ng dalaga sa sarili. Lalo kasing nakadagdag sa kagwapuhan nito ang gulo gulong buhok. Talaga namang lalaking lalaki ang dating.
"Ikaw!" Turo niya sa dalaga. Sinenyasan niya itong maupo sa kaharap nitong upuan. Sinunod naman niya ito. Nakataas ang kilay nitong tumingin sa kanya. "Maputi ka lang! Hindi ka maganda! Payatot! Walang pwet! Ang putla mong tingnan, bampira ka ba?" Sunod-sunod ang eksaheradang mga punang natanggap ng dalaga sa kanya