Torpephobia

55 1 0
                                    

Sa bawat tasa ng kape na aking kaabay
Gatas at asukal ang laging kaantabay
Bawat pagbangon sa umaga may kahalong paglalakbay
Puso ko hanggang ngayon hinahanap kanyang karamay

Pasintabi sa aking dinadaanan baka may matamaan
Mga sinambit na katotohanan
Ako nga lang ba ay nalulumbay sa karimlan?
Ang pagiisa aking naging karamay sa hirap at kamalian

Pagiging torpe saakin ay di na bago
Kahihiyan sakin naka akbay ang pagkabigo
Mahirap aminin pero nakakagago
Sa lahat ng mahiyain ako lang ang di nakatago

Sana may babaeng makapagpabago
Sa aking mga kahinaang naka pako
Sa krus na nakapagpabago
Sa buhay ng mga taong nangako

- Angelo Dampil

Lavandula'sWhere stories live. Discover now