Mahilig ako umasa inaamin ko
Ang sarap kasing may tinitingala
Hinahanap ng puso ang nawawala
Alam kong lupa ang bagsak ko
Langit naman kapag ika'y nakamit ko
Ngunit, subalit, ano, bakit, paano, at sino?
Ano ako sayo mahal?
Mahal, ako lang pala nakakaalam na may tayo
Anino ko nga hindi dama presensya mo
Halik sa pisngi inaasahang dumating
Asa sa pag-asa na nasa sagasaan ng daan
Lalim ng pag-ibig natin sa ilalim naka tanim
Kung sana may tama ang pana ni kupido sa atin
Ito sana tayo ngayon nakatayo sa baybayin
Tasa, pag-asa, at tayo ang ka agraryo
Awit-awit ang bitbit na pagsabit ng labi't yapos
Pero at pulseras na pinulbo ang sumugat ng husto
Eksena na mala drama't pelikulang iyakan
Rosaryo hawak hawak habang sumasamba
Oras mong pinapanalangin sa mahabagin
Ballpen ang kasama ng tala-arawang nasasaktan na
Asang-asa na ako, asar na asar na
Kulang na kulang ka, ayos na ayos ba?
Inis na inis ako, gigil na gigil na
Tindi mo rin magpaasa "minahal" ko
Mismo, hindi na kita mahal
Ora mismo, tatalikuran kita
Ayoko ng yumuko ng parang tuko
Kung ako mismo ang talo sa larong to
Oo, nagpakatanga ako, pero hindi ako nagtapon
Pakawalan mo ko sa panloloko mo
Iniinda ko mga sakit na pinadama mo
Noon, alam kong nagpapakabaliw na ako
Asan na ba mga pinangako mong napako?
Kasalanan ko ba na hindi mo ko gusto?
At sadyang manhid ka lang mahal ko?
Wika kong nagmamahal ng banal
Asintadong nagpakatarantado't nagpakabobo
Lupa ka, langit ako, aking napagtanto
Ang mahalin ka ay purlin lang
Napaka walang kwenta't parang makatang gago-Angelo Dampil