Ito ang wakas ng lahat ng mga bakas
Masalimuot na pagtakas ng lakas
Iniwang sugat sa balat naka sulat
Salat ko pa mga talatang iyong binigkas
Sa lahat lahat ng ala-alang maalat
Handa na ko para sa panibagong kabanata
Oo, panimula sa simula hanggang mamutla
Wakas ay di alintana sa pahinang ito
Wakas at patas ang ibibigay sa katas
Ehemplo ng pagkalimot sayo
Unos man ang kalimutan ka
Sakit man ang kahihinatnan
Eksibisyon man ang pagtapon sa ala-ala
Di ko kaya ang nangyayari sa atin!
Tagos pa sa balang tumagos sa puso
Oo na, mahina ako pagdating sa ngalan mo!
Talikuran ka ay di kaya
Alanganin pa sa umagang kayganda
Lapnos na damdamin hanap hanap ka parin
Kinang ng boses mo sa nangangalawang na tenga
Mala langis na dumudulas sa bawat ugat ng katawan
Yan ang dulot mo sa nasasaktan kong utak
Sawi ako, sanhi ng mapanghi mong pag-iwan
Paumanhin kung hindi kita kayang kalimutan
Luntian na daungan, ang puso di tinablan
Elesing paikot ikot habol habol ang nangunguna
Nasa likod lang ako kumakayod
Dinggin mo sana pagod kong namayapa
Isip-isip kaparin mahal kong namayapa
Dahil sa isip ko'y pinapatay kana
Dahil sa puso ko'y buhay na buhay ka
Asam ko lamang makausap ka ng isa pa
Rumurupok na ang pukpok ng tadhana
Labis na mapurol na ang burol na dati'y tanaw pa
Ilog nating dalawa matagal ng natuluyan
Narito ang tulang nagpapatunay na tayo'y wala na
Ginto ka na binaon ko sa limot at gamot na linumot na-Angelo Dampil