Papel

7 0 0
                                    

May isang papel sa daan
Ngunit walang pangalan
Nasaan ba ang lugaran?
Mayroon bang lalagayan?

Bakit ba tayo nilikha?
Para gabayan ang mga dukha?
Maralitang pagsasalitang paha
Masakit sa tenga ang luha

Ang buhay na nagsilbing gabay
Ginagamit kalang na alay?
Ano ba tayong tunay?
Materyal na lantay?

Hindi yan nagpapatunay
Dahil linikha tayong pantay
Wala dapat tumutubong sungay
May karapatan tayo lahat mag-ingay

Walang pakielamanan
Lahat may sariling isipan
Wala kang karapatan
Apakan aking kasarinlan

Ang buhay ay parang butas
Malalim ang taglay na katas
Masakit ang pagbagsak ng prutas
May nasasayang at nalulutas

Mahulog ka man
Matuto kang lumaban
Dahil di ikaw ang pulutan
Ng nag-iinumang naghahayupan

-Angelo Dampil

Lavandula'sWhere stories live. Discover now