Ipahiwatig

67 0 0
                                    

Hindi sa lahat ng aking pinapahiwatig
Ay may pinupuntong pantig
Na kung saan ang kapatnubay ay kilig
Sa aking mga kamay nakatugon aking hilig.

Nais ko lamang iparating
Aking mga yumaong hiling
Na nabaliwala sa aking piling
Ngayo'y kasama na si Mariang Makiling.

Mga nais kong hindi natugon
Sinunog na ng aroganteng dragon
Subalit sa isang karagatang mahirap matunton
Aking mga nais nandoon nakabaon.

Sa madaling salita aking mga kababayan
Sa lipunang ito wala tayong kakayahan
Iparating sa bawat isa ating nais makamtan
Dahil lahat tayo ay may pinapasan.

-Angelo Dampil

Lavandula'sWhere stories live. Discover now