(2)

96 1 0
                                    

(Pag-uwi ni Paolo sa bahay nila)

Kapatid 1: Kuya! kuya! May dala ka po bang pagkain……? Gutom na po kasi kami eh...

Kapatid 2: Oo nga, Kuya. Kanina pa po kaming tanghalian hindi kumakain...

Paolo: Ganun ba? (Kukuhang pera sa wallet) Bente nalang pala ang laman ng wallet ko. Sige ito, pagkasyahin nyo muna. Hindi pa kasi ako sumu-sweldo eh. Pasensya na ha

Kapatid 1: Sige po Kuya...

Paolo: Eh si Nanay, nasan?

Kapatid 2: Nasa kwarto pa po nya, hindi pa nga rin po kumakain 'yun eh...

Paolo: Oh sige, pupuntahan ko muna...

(sfx: footsteps + door entering the room)

Nanay: Oh, Paolo, anak... Nandito ka na pala…

Paolo: Kamusta na po ang pakiramdam nyo, 'nay? Hindi na po ba kayo nilalagnat?

Nanay: Naku… Anak… Ayos na ako… 'wag mo na akong intindihi (Pag-ubo). Ang importante, makapagtapos ka ng pag-aaral mo... Malapit na 'yun diba? (Pag-ubo).

Paolo: Iyon nga po ang pinoproblema ko, 'nay, eh. Hanggang next week na lang daw po 'yung balance ko sa school. Eh, hindi daw po nila ako pagmamartsahin kapag may balance pa po ako next week.

Nanay: Anak… Baka naman pwede mo ng pagbigyan yung inaalok ng kaibigan mo, yung si Cris, utangin mo muna… Kahit hindi bigay. (Pag-ubo)

Paolo: 'Nay naman, pati ba naman po kayo? Kaya ko naman pong solusyunan 'tong problema na 'to nang hindi umaasa sa iba eh. Ayoko naman pong sabihin nang iba na ginagamit ko si Cris...

Nanay: Anak, hindi maganda ang mataas ang pride... (Pag-ubo) Malay mo, si Cris na talaga ang pag-asa mo para maka-graduate ka... Lahat ng tao, kailangan ng tulong ng kapwa. (Pag-ubo)

Paolo: Hay naku, ‘nay…. Pag-iisipan ko po muna 'yang sinabi nyo...

Girl 1: Ay kaloka 'yang fez mo bakla! Emotera ang peg?

Cris: Bruha! May iniisip lang ako...

Girl 2: Anetch?

Girl 1: Anong anetch? Baka sinetch? Si Paolo yan noh!!!?

Cris: Parang ganun na nga...

Girl 2: Hulaan ko, inlababo ka na sa kanya no?

Cris: Medyo... Siguro...Baka…. Ay ewan!!!! Basta feeling ko nafo-fall na ako sa kanya...

Girl 1: Eh bakit kasi hindi mo pa aminin?

Cris: Ano ka ba! Ang tagal na naming magkaibigan, baka mailang yun!

Girl 1: Hay nako girl, the truth will set you free.

Cris: Bahala na nga si batman…. Basta kapag nagkaroon ng pagkakataon, aamin na ako...

(Phone rings)

Cris: Oh Paolo b..ba..bakit ano…? Bakit ka napatawag?

Paolo: Pwede ba tayong magkita?

Cris: Ngayon na as in? Saan?

Paolo: Oo, kung pwede lang naman. Kita tayo sa dati nating tambayan.

Cris: Sige, papunta na ako.

Paolo: Sige bye!

Cris: Girls, una na ako ha, gusting makipagkita ni Paolo eh.

Girl 2: OMG! We’re just talking about him!

Girl 1: Destiny nay an, girl! Umamin ka na! Ito na yung pagkakataon mo!

Cris: Hayy nako bahala na. Alis na ako ha!

Girl 1&2: Ingattt.

(Sa tambayan)

Cris: Oh, Pao, Why? What’s the problem?

Paolo: Kasi... Next week na 'yung Graduation... Eh kasi...

Cris: Tatanggapin mo na ang alok kong tulong sa'yo?

Paolo: Ah eh... Utang lang! Babayaran ko rin yan... Promise….

Cris: Ano ka ba? Wala namang kaso sakin 'yun noh... Ito talaga, para san pa yung pagkakaibigan natin kung hindi rin tayo magtutulungan?

Cris' Point Of View

Cris: (Simula nga noon, tinutulungan ko na sya sa mga gastusin nya sa school. Kung minsan pa, kahit hindi nya hingin, tumutulong na rin ako sa gastusin sa pamilya nya. Ayos lang naman sa akin 'yun. Magkaibigan kami eh. Nagbabago na rin kahit papaano ang turing sa akin ni Paolo. Lagi nya akong hinahatid at sinusundo sa bahay. Lagi nya rin akong kinukumusta, tinetext at tinatawagan. Hindi ako sigurado kung nahuhulog na rin ba sya sa akin. Ayokong mag-assume pero iyon talaga ang nararamdaman ko sa mga kinikilos nya. Basta ang sigurado, 'yung nararamdaman ko sa kanya, lalo pang lumalalim sa paglipas ng ilang araw. Hanggang sa dumating na nga ang Graduation Day nya.)

Dahil Mahal Kita. (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon