(3)

78 1 0
                                    

Paolo: (Excited na sigaw) Cris! Cris! Cris!

Cris: Oy Paolo! Congraaaaaats! Sa wakas nakagraduate ka na rin! I'm so happy for you...

Paolo: Salamat sa'yo. Ikaw naman ang tumulong sa akin para makatapos ako eh! Salamat talaga ha?

Cris: Walang anuman! Para saan pa't naging magkaibigan tayo no...

Paolo: Syempre, isa kang mabuting kaibigan.....

Cris: (Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Magkaibigan nga lang pala kami. Ito na ba ang hinihingi kong pagkakataon para umamin sa kanya?)

Cris: P..Pa..Paolo... May.. sasabihin sana ako sa'yo...

Paolo: Ano 'yun?

Cris: Ah … Eh …. Mahal kita...

Paolo: Sus! Alam ko na 'yan.

Cris: Hindi, Mahal kita... Hindi bilang kaibigan lang... Mahal kita, Paolo. Mahal na mahal!

Paolo: (Na-shock) P-pero.... Paanong.... P-paano nangyari 'yun?

Cris: Hindi ko rin alam... Basta, nagising na lang ako isang araw, inlove na ako sa'yo...

Paolo: P-pero....

Cris: Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako. Pero sana, hindi mo ako layuan dahil dito. Yung maiilang ka na sa akin.

Paolo: Hinding-hindi ko gagawin 'yun, Cris, ikaw pa ba?

Cris: Salamat, Pao. Salamat at naiintindihan mo yung nararamdaman ko. Sige ah, alis na ako...

Paolo: T-teka, Cris! May gusto rin akong sabihin sa'yo...

Cris: Ano 'yun?

Paolo: M-may gusto rin ako sa'yo... (Napipilitan)

Cris: T-t-talaga?!!! Sigurado ka?!!!!

Paolo: Oo naman.... (Napipilitan)

Cris: Paolo, hindi naman kita pinipilit eh. Kung hindi mo ako gusto, okay lang.

Paolo: Hindi, totoo itong nararamdaman ko.

Cris: Huwag mong pilitin ang sarili mo, Paolo. Kasi ayokong magsisi ka sa desisyon mo.

Paolo: Seryoso ako sa sinabi ko. Gusto mo patunayan ko pa sa'yo...

Cris: Paano?

Paolo: Bigyan mo ako ng chance para patunayan sa'yo ang nararamdaman ko.

Cris: Mahal na mahal kita, Pao! I love you.

Paolo: Mahal din kita...

Cris: (Akala ko talaga wala akong pag asa sa kanya. Kasi naman sino ba namang lalaki ang maiinlove sa beki na katulad ko. Pero matapos ang araw na ‘yon, naging mas malapit kami sa isa't isa. Mas lalo kong naipapadama sa kanya ang pagmamahal ko, na he’s very special to me. Lumipas ang ilang mga buwan, napagpasyahan naming magsama na sa iisang bahay. Tinulungan ko rin siya na makapasok sa isang malaking kumpanya na pinamamahalaan ng kaibigan ng mga magulang ko.)

Cris: Pao, nakapag-apply ka na ba?

Paolo: Oo, kaso hindi ako nakuha eh, puro "We'll just call you" lang yung sinasabi nila sakin. Pero ‘wag ka mag-alala gagawa ako ng paraan bukas, magpapasa na lang ako sa ibang mga kumpanya.

Cris: Paolo, may sasabihin sana ako sayo...

Paolo: Ano yun, Cris?

Cris: Pinasa ko kasi yung resume mo sa company ng kaibigan nila mommy.

Paolo: Ha? Bakit naman? Pano kung hindi ako makuha? Baka madi-disappoint lang kita, Cris, at worst pati na ang mga magulang mo. (Pagalit)

Cris: Ayun nga gusto ko sabihin sayo eh, tanggap ka na agad at pwede ka na magsimula next week..

Paolo: P-paano nangyari 'yun?

Cris: 'Yung may-ari kasi ng kompanya na 'yun, family friend ng parents ko. Kaya wala ka nang dapat ipag-alala. Ayaw mo nun? Hindi ka na mahihirapan...

Paolo: Maraming salamat talaga, Cris. Kaya mahal na mahal kita eh! (Relieved voice)

 Cris: (Noong mga panahong yun, wala akong inisip kundi ang mapasaya si Paolo. Yung simpleng ‘I love you’ niya lang sakin, parang mababaliw na ako. Gustong gusto kong naririnig yun palagi, kaya lahat ng mga dapat gawin para mahalin niya ako, ginagawa ko…)

Paolo: Steph, eto na 'yung kopya ng documents na hinihingi mo sa akin.

Ka-trabaho: Ay sige Paolo, pakibigay na lang 'yan kay Tricia, marami kasing paper works na dapat pang gawin eh.

Paolo: Huh? Sinong Tricia?

Ka-trabaho: Ay, sorry, thought you already know, bagong ka-office mate natin. Chix nga eh! Maganda na, sexy pa! Nakakainggit!

Paolo: Ah, talaga, hindi ko pa kasi siya nakikita dito sa office ee. Teka nga, ibibigay ko na 'to.

Dahil Mahal Kita. (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon