(1)

179 2 3
                                    

Cris: (Phone rings) Nako! Nako! Talaga ‘to si Paolo! Asan na ba yun?! Kanina pa ako naghihintay dito, ohh!! Pao! Answer the phone!

(Biglang sagot)

Paolo: Oh bakit? Sorry ‘di ko nasagot, may class pa kasi ako eh. Bakit ka ba tumatawag?

Cris: Samahan mo ko sa mall, kailangan ko ng damit na bago! May party kasi akong pupuntahan!

Paolo: ‘Di ako pwede Cris, duty ko kasi ngayon after class, alam mo naman na kailangan ko ng pera diba? Bawal na ako umabsent kasi last week umabsent na ako dahil nagkasakit si nanay.

Cris: Eh ba’t kasi …… Bakit kasi ayaw mo pang tanggapin yung offer ko na tulong? Si tita naman yun no! Di na siya iba sakin, nanay ko na rin yun no!

Paolo: ‘Wag na! Ayoko! Ayoko naman isipin ng ibang tao na pineperahan kita. Lalo na kila tita ….. Sa mga magulang mo. Tsaka ka na bumili ng damit, mag fa-finals na graduating tayo, kailangan ko rin kasi mag-ipon ng pera para sa tuition fee, alam mo naman na malaki-laki rin ang balance ko dun diba?

Cris: Sabi ko nga sayo tanggapin mo na yung offer ko, yung tulong ko, para di ka na mahirapan...

Paolo: ‘Wag na Cris …. ‘wag ka na makulit. Sige na at magkita nalang tayo bukas o mamaya.

---

Manager: Dalian niyo na! Marami ng tao! Double time! Double time! Bawal ang tatamad-tamad!

Co-workers: Opo, sir!

Paolo: Sir, kulang na po ng upuan sa tables 3 and 4.

Manager: Anong gagawin ko? Gawan mo ng paraan yan! ‘Di porket hindi ikaw yung naka-assign dun ‘di mo na gagawin yung Gawain na yun!

Paolo: Sorry po sir …. Sige po.

Manager: Sige na! Oh, double time, double time! Miryenda na marami ng papasok, bilisan niyo!!

---

Cris: Girls! Ano mas perfect na damit sa akin? What do you think?

Girl 1: Ayy, teh! Bongga ‘tong isa, mas sexy tignan! Pero mas maganda kung color back!

Girl 2: Oo nga no?! Mas maganda yan! Pak na pak yan! Powerful yan teh pagnasukat mo na!!

Cris: Oh, sige! After this punta tayo sa kabilang store ha. I need a new pouch and shoes din kasi eh.

Girl 1&2: Okay girl… (Matamlay)

Cris: Oh? Eh, bat parang ang tamlay-tamlay niyo na? Oh, sige after this, kain tayo! Saan niyo gusto? My treat.

Girl 1: Kasi girl kanina pa tayo paikot-ikot dito!

Girl 2: Ay, nako, basta ako, diet ako. Mag coffee na lang tayo!

Girl 1: Yeah! Starbucks!!!!!!

Cris: Okay then, let’s go! Para matapos na tayo at makauwi.

(Kinabukasan)

Paolo: Hindi po ba pwedeng kahit makuha ko lang 'yung diploma ko? Kahit hindi na po ako makapag-martsa. Wala pa po kasi akong pera na pambayad sa balance ko. Sige na po please…..

Dean: I’m very sorry, hijo, pero ganun kasi ang policy in our school. You can’t just get your diploma at makapagmartsa unless may balance ka pa.

Paolo: Hindi po ba pwedeng magawan ng paraan? Next month po, makakapagbayad rin po ako. Pwede po ba na mag-promissory note muna ko?

Dean: Pero, hijo, two weeks nalang and its Graduation Day na. We should follow our school policy regarding sa fees para okay ang lahat. I’m very sorry, hijo.

Paolo: Sige po, dean, gagawan ko nalang po ng paraan...

(Lalabas si Paolo ng Dean’s office)

Cris: (Makikita si Paolo) Oh Paolo! Ano nang nangyari sa'yo? Bakit para kang binagsakan ng langit at lupa dyan, bakit ganyan mukha mo? (Natatawa)

Paolo: Wala….. Nagkaproblema lang sa regarding sa graduation….

Cris: Sabi ko na nga ba eh! Bakit ba kasi hindi mo nalang----

Paolo: Tanggapin yung tulong sa'yo? Cris naman, napag-usapan na natin ang tungkol dyan 'diba?

Cris: Oo nga. Pero bilang kaibigan mo, alam mo namang pwede kitang tulungan sa mga problema mo... Kahit pampinansyal pa 'yan...

Paolo: Hay naku! Basta…. kaya ko 'to! Makakahanap din ako ng paraan... Oh sige, alis na muna ako ha.

Cris: Oh, san ka pupunta? Paolo: May sakit si nanay….. Titignan ko lang yung lagay niya saka 'yung mga kapatid ko…

Cris: Sige, bye! Basta kapag kailangan mo ang tulong ko, tawagan mo lang ako ha! Nandito lang ako...... (Pabulong) bilang kaibigan mo... (Buntong-hininga).

Paolo: Sige na ako ha.

Cris: (Buntong hininga) At sana maging higit pa sa kaibigan lang...

Dahil Mahal Kita. (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon