(5)

73 0 0
                                    

Cris: S-saan ka pupunta, Paolo?

Paolo: Ahh... Basta... Dyan lang...

Cris: San ka pupunta Paolo?

Paolo: Cris, sorry, aalis na ako. Maiwan na kita.

Cris: (Lalo akong nagdaramdam dahil sa ginagawang pag-iwas ni Paolo. Tuwing wala sya sa bahay, hindi ko mapigilang mapaiyak na lang. Ang hirap hirap ng laging mag-isa at malungkot. Ang pakiramdam ng iniiwan ka ng paonti-onti ng taong minahal mo ng sobra.)

Cris: (Isang araw, habang naliligo si Paolo, tumunog ang celphone nya. Nakita kong "Tricia" ang nakalagay sa screen. Nag-aalangan akong sagutin pero gusto ko ring makausap ang babae nya. Ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita, isang galit na boses ng babae ang bumungad sa akin.)

Tricia: HOY PAOLO! ILALABAS NA KAMI NI BABY DITO SA OSPITAL! NASAN KA NA BA? ANG TAGAL MO NAMAN! BILISAN MO AT NANG HINDI NA MADAGDAGAN ANG BILL NATIN DITO! HELLO? HELLO! NANDYAN KA PA BA?

Cris: (Iniwan ko phone ni Paolo sa kama. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko, pero namalayan ko nalang na tinatahak ko na ang daan papuntang ospital kung nasaan ang babae nyang iyon.)

Paolo: (Naliligo ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Siguro si Tricia na 'yun. Ngayon na kasi ang labas nila ng baby namin sa ospital. Excited na rin akong mailabas sila at makasama ang baby ko nang matagal-tagal. Mabilis akong nag-ayos at paglabas ko, napansin ko na naiba ng pwesto ang cellphone ko. Sino naman kaya ang gagalaw nito? Tinignan ko ito at nakita kong walang nakalagay na "Missed Call". Doon na ako kinabahan. Posible kayang....? 'Wag naman sana. Agad kong hinanap si Cris ngunit hindi ko sya nakita sa buong bahay. Wala na rin sa parking ang kotse nya.)

Paolo: (Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakasakay sa taxi papuntang ospital. Sana hindi nangyari ang kinatatakutan ko...)

Cris: (Pagpasok ko sa loob ng silid kung saan nandoon sina Tricia, agad-agad kong siyang nakita, nakasuot ng hospital dress at nakahiga sa kama katabi ang baby nito. Mangiyak-ngiyak ko silang nilapitan.)

Tricia: S-sino ka?

Cris: Ikaw ba 'yung Tricia?

Tricia: Oo. Teka, sino ka ba? Mali yata ang napasukan mong kwarto.

Cris: Ako 'yung kasintahan ni Paolo... Ako si Cris.

Tricia: B-bakla?!!!

Cris: Hindi na 'yun mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay makausap kita.

Tricia: Bakit? Babawiin mo sa akin si Paolo, ganun? (Mataray)

Cris: Hindi sa ganun... Pero nagmamakaawa ako sa'yo. Mahal na mahal ko si Paolo. Hindi ko kaya kapag nawala sya sa akin. Ayos lang sa akin kahit maging pangalawa lang ako sa buhay nya. Basta sana, hindi mo sya agawin sa akin.

Tricia: Teka, teka. 'Wag kang lumuhod, tumayo ka. Hindi ko naman inagaw sa'yo si Paolo. Sya ang dapat nating tanungin kung anong desisyon nya.

Cris: Hindi na kailangang malaman nya. Please, Tricia. Bigyan mo kami ng pagkakataong magkasama.

Mahal na mahal ko si Paolo.

Tricia: Pero... May anak na kami. Hindi pwedeng mawalan ng kikilalaning ama ang anak ko.

Cris: Nagmamakaawa ako sa'yo. Ako na ang susustento sa anak nyo. Kahit ano, gagawin ko, 'wag mo lang syang kunin sa akin.

SFX: music play

Paolo: (Pagkarating ko ng kwarto ni Tricia, nagulat ako sa naabutan kong eksena. Nakaluhod si Cris habang si Tricia naman ay nakaupo sa kama nya. Tinawag ko ang pansin nila. Nagulat pa yata si Cris nang makita ako kaya't napabangon sya sa pagkakaluhod.)

Paolo: Cris, anong ginagawa mo? Hindi mo kailangang magmakaawa sa kanya.

Cris: Paolo, anak mo ba talaga ang baby nya?

Paolo: (nag-aalangan) Ah eh... K-kasi...

Tricia: Oo. Anak namin ito, Cris.

Cris: Kelan pa?! Paano nangyari ito?! Pwede ba, magpaliwanag ka, Paolo!

Paolo: Nangyari ito noong out-of-town seminar, Cris. Matagal na kaming magkakilala ni Tricia. Office mates kami. Hindi namin plinanong saktan ka. Sorry, Cris. Sorry dahil inilihim ko sa'yo.

Cris: Pero Paolo, bakit? Anong kasalanan ko sa'yo? Kulang pa ba ang pagmamahal na binibigay ko sa'yo? Sabihin mo! Saan ako nagkulang?

Paolo: Hindi mo kasalanan ito, Cris. Kasalanan ko. Mahal ko si Tricia, iyon ang totoo. Sorry.

Cris: Paolo... mahal na mahal kita. 'Wag mo naman akong iiwan oh, please? Promise, magiging mabuting nobya ako para sa'yo. Tatanggapin ko ang anak mo. Lahat gagawin ko, sabihin mo lang... Pero, please 'wag mo akong iiwan...

Paolo: Cris, please ayokong nakikitang umiiyak ka. Kaya 'wag mo na pahirapan ang sarili mo.

Cris: Mahal kita Paolo. Akon a magsusustento sa anak nyo, lahat gagawin ko! Paolo: Cris….

Cris: Mahal na mahal kita Paolo, Eh ikaw ba, ni minsan, minahal mo ako?

Paolo: (Matatahimik) I'm sorry...

Cris: (Noong mga oras na iyon, parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ako at maglaho. Sobrang sakit. Ang sakit sakit para sa akin na pinili nya parin si Tricia kesa sa akin. Ang sakit na pinaasa nya lang ako. Ang sakit kasi hindi naman pala nya ako mahal. All this time, nag-iilusyon lang pala ako.)

Paolo: I'm sorry Cris. Hindi ko gustong saktan ka. Alam ko, kasalanan ko ang lahat nang ito. Sana mapatawad mo pa ako. Ayoko na Cris, tigilan na natin tong laru-laruan na relasyon natin na to pero sana maibalik natin ang dati nating pagsasama. Mahal kita, Cris, minahal kita bilang tropa, bilang kapatid, bilang isang matalik na kaibigan... Inaamin ko rin na kaya ako nakipagrelasyon sayo dahil gusto kong suklian lahat ng tulong at pagmamahal mo sa akin. Sorry kasi pinaniwala kitang totoo lahat ng iyon. Sorry Cris, sana maintindihan mo.

Cris: (Nagdilim ang aking paningin. Sabi nya, ayaw na nyang ipagpatuloy ang relasyon namin. Hindi ko kaya, hindi ko matanggap. Mukhang imposible rin na ibalik namin ang pagkakaibigan namin, na ang inisip kong pagmamahalan, pakikipagkaibigan lang pala sa kanya. Akala ko mahal niya ako, mali ako …

maling mali, pagtanaw ng utang na loob lang pala ito para sa kanya. Dahil sa sobrang sakit at hapdi ng aking nararamdaman, umiiyak akong lumabas ng ospital at iniwan sila...)

Dahil Mahal Kita. (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon