(4)

90 1 0
                                    

Paolo: Excuse me, miss, ikaw ba si Tricia?

Tricia: Ah, yes. Why?

Paolo: H-hello. Ako nga pala si Paolo.

Tricia: Nice meeting you, Paolo.

Paolo: Pinapabigay nga pala ni Steph.

Tricia: Thank you.

Paolo: Kamusta ka naman dito? Sa office?

Tricia: Okay lang naman…. Wala pa kasi akong kakilala dito eh. Ikaw pa lang.

Paolo: Ah ganun ba? Gusto mo sabay na tayo kumain mamaya?

Tricia: Ah, sure!

Cris: (Sa mga unang buwan naming magkasintahan ni Paolo, pinaparamdam nya sa akin kung gaano nya ako kamahal. Naging masaya kami sa piling ng isa't isa kahit sa maikling panahon na iyon. Lagi syang naglalaan ng oras para maging magkasama pa rin kami sa kabila ng pagtatrabaho nya. Sobrang saya ko, parang wala nang katapusan ang pag-iibigan namin at wala nang makakaputol sa relasyon namin. Okay na sana eh, okay na ang lahat... Pero hindi ko akalaing darating ang araw na mawawalan sya ng oras sa akin.)

Cris: Babe, samahan mo naman ako sa party mamayang gabi oh. Kailangan ko kasi ng date para dun eh.

Paolo: Hindi ako pwede eh. Marami pa akong ginagawa.

Cris: Eh sa Sabado? Magshashopping ako, gusto mo ba akong samahan?

Paolo: Hindi rin ako pwede. Sobrang busy talaga ako eh. Sorry...

Cris: Eh sa linggo? Siguro naman hindi ka na busy nun diba?

Paolo: Marami pa rin akong kailangan tapusin eh. Pasensya na babe. Kung gusto mo, yayain mo 'yung friends mo, para may kasama ka.

Cris: (magtatampo) Nawawalan ka na ng oras sa akin...

Paolo: Sorry na babe. Busy lang talaga ako sa trabaho. Babawi ako sa'yo next time.

Cris: (Binalewala ko lang lahat iyon dahil alam kong busy talaga sya. Masaya pa nga ako kasi nakikita kong masipag siyang magtrabaho, na nagpupursigi talaga siya. Saka may tiwala ako sa kanya na wala syang gagawin na pwedeng ikasama ng loob o ikadismaya ko.)

Paolo: Babe, ilang araw akong mawawala. May out-of-town seminar kami eh.

Cris: Ha? Eh paano 'yan? Sa makalawa na 'yung anniversary natin.

Paolo: Next time na natin i-celebrate 'yan. Kailangan talaga ako sa seminar na 'yun eh.

Cris: Ilang araw ba yan? At saan? Paolo: Mga 4-5 days daw, tapos yung place, hindi pa sinasabi sa amin e. Sorry talaga babe ha. Cris: Hay nako…. Sige na nga. Kung hindi lang kita love eh!

Paolo: Thank you babe! Babawi ako talaga ako sa'yo kapag lumuwag na ang schedule ko..

Cris: Promise 'yan ah?

Paolo: Promise...

(Sa seminar)

Office mate 1: Paolo and... Uhh? Teka, wala na pa lang ibang lalaki. Hindi naman fair kapag mag-isa ka lang sa kwarto tapos kami hati-hati.

Officemates: (Sasang-ayon)

Tricia: Okay lang! Ako nalang ang makikihati sa kwarto nya.

Office mate 1: (Aapela) Naku hindi pwede Tricia... Matinik 'tong si Paolo. Baka pikutin ka pa nito. Hahahaha

Paolo: Hoy! Paninirang-puri na 'yan ha. Bakit hindi nyo na lang kasi hayaang magsolo ako?

Office mate 3: Hindi nga pwede. Ang unfair para sa amin, dapat masikipan ka rin!

Dahil Mahal Kita. (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon