Chapter 10

1.8K 63 34
                                    

Sana's PoV

Nakikinig lang ako sa prof namin last subject na namin 'to eh. Then 6pm narin at sabi nila sa cafe nalang kami sa harap ng school mag uusap ni Mina.

Classmate ko ang magaling na si Joy unnie ngayong subject na 'to? Alam niyo bat ko nasabihang magaling? Tulog eh hayuf.

"Anyone care to explain what's the purpose of being alone?" tanong ng prof namin. Values kase 'tong subject na 'to. Di naman boring pero bakit tulog 'tong pinsan ko.

Walang nagtaas ng kamay mga KJ at wala atang maisasagot. Kaya lumingon sa akin yung prof ko.

"Ms. Minatozaki can you answer my question?" tanong niya. Tumayo naman ako, madali lang yun.

"Sir, the purpose of being alone is all you have to do is to follow what inside you and to follow your own choice without those nonsense opinion of other people. Gaya nalang kapag pumasok ang pasyente sa Operating Room, bawal ang kahit sino dun tanging doctor lang at nurse. Ngayon nasa sariling kamay ng pasyente kung lalaban pa siya para mabuhay o kung susuko na siya. In short, being alone is one of the best thing in life. Choice mo nalang ang susundin dahil mag isa ka nalang choice mo nalang kaya kapag nagkamali ka sarili mo nalang ang sisisihin mo di na ang ibang tao." mahabang sagot ko.

"Excellent, Ms. Minatozaki." nakangiting sabi ng prof namin. "How about choices, what are the purpose of choices?" tanong ulit nito.

"Choices? Something that leads to confusion. You don't know what to do with many choices around you. Pero ginawa 'to hindi para pahirapan tayo, ginawa 'to para magkaroon ng sariling paninindigan ang isang tao. The types of choices are options kung saan wala ka nang magandang pagpipilian, yun nga lang masakit yun kung sa tao mangyayare ang pagiging option, pangalawa ang first choice bagay na gusto, bagay na alam mong pipiliin mo pero hindi mo naisip kung talaga bang kailangan mo. Minsan mas maganda ang option kesa first choice dahil ang option yun na wala ng panlito habang ang first choice yun amg expectation mo pagkatapos pwedeng madisappoint ka lang. Purpose of choices is to be safe living in this world full of pretenders." deretsong paliwanag ko.

"See? On the spot question, with the answer full of lessons. Class, alone and choices are the most connected means in life. Alone is to stand with no one so that you have your own choices and sometimes choosing the option is so much better. Ms. Minatozaki, how did you know this meanings?" sabi ni Prof.

"Naisipan lang." naiiling na sabi ko.

"Walang duda, kahit baguhan ka dito sa school, you deserve of being the Rank 1." puri sa akin ng prof namin.

"Thank you, sir." sagot ko.

"Okay, class dismiss." pagkasabi ng prof namin nun inalog ko na 'tong si Joy unnie. Tss, buti hindi nasita eh.

"Hoy, gising. Dismissal na!" kinalog ko siya bwisit 'to. Agad namang nagising.

"Anong oras na?" tanong niya.

"6:30pm. Una na ko sayo. Alam kong may pupuntahan ka." natatawang sabi ko kahit wala naman akong alam na pupuntahan niya.

"Baliw." natatawang sabi naman niya hinayaan ko siya tsaka ako naglakad paalis.

Gaya ng pinag usapan nagpunta ako sa cafe sa harap ng school. Agad ko rin namang nakita sila Momo at Mina.

"Oh anong kailangan niyo?" bungad ko ng makarating sa pwesto nila at tuluyang umupo sa tabi ni Mina.

"Dedemonyuhin ka." parang sirang sabi ni Momo. Gago talaga 'tong pinsan ko.

"Momo, stop." saway ni Mina kaya shut up nalang si Momo.

"Oh ano nga?" tanong ko.

"Hindi ba in 2 weeks you'll get married?" tanong ni Mina. I took a deep sigh then nod.

Hays, hindi ko alam kung alam na ni Dahyun that we need to get married in 2 weeks.

"Yes. Why?" tanong ko.

"May offer si Lolo para sayo. Magiging option mo para hindi mo masyadong mafeel na nakatali ka." sabi ni Momo.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Pagkatapos ng kasal ninyo, pwede mong wag ng makasama sa iisang bahay si Dahyun." sabi ni Mina. Okay rin yun ah? Why not.

"Wow." yun nalang ang nasabi ko.

"But may consiquences yun." sabi ni Momo at tumango naman si Mina.

"Kailangan mong mag aral na sa ibang bansa kung gugustuhin mong wag masyadong mafeel na nakatali kana sa iisang tao." sabi ni Mina.

"Lolo gave this option pero malalayo ka sa amin." sabi ni Momo. Napailing nalang ako.

"I won't take that deal. Kaya kong pagtiisan ang matali kay Dahyun. At ayoko na malayo na sa inyo." seryosong sagot ko.

"Sinabi lang namin sayo 'to kase open ang opportunity na 'to para hindi ka na mahirapan makisama sa taong di mo naman gusto." sabi naman ni Mina.

"Ayokong pabayaan si Dahyun. Dahil kahit na anong gawin ko. Sa akin parin ang bagsak niya. Hindi ba sabi ko sa inyo na susunod na babaeng darating sa buhay ko ay pahahalagahan ko na?" tanong ko sa kanila.

"At sa tingin mo si Dahyun na yun?" sabi ni Momo.

"Maari, dahil siya lang naman sa ngayon ang tingin kong pinahahalagahan ko na." seryosong sagot ko.

"Pero Sana, baka magkasakitan lang kayo dahil alam natin na walang pag asang mahalin ka ni Dahyun." sabi ni Mina.

"Hindi naman ako aasa. Kahit ako naman hindi ko pa siya mahal. I'm starting to care for her." yun nalang ang nasabi ko.

"Maswerte siya. Kase ikaw yung mapapang asawa niya. Kase hindi mo siya pinagpalit sa kahit anong option na ibinigay sayo." sabi naman ni Momo.

"I know, Sophia would be happy for where she is right now. Kase mukhang matutupad mo na yung pangako mo sa kanya na ang babaeng darating sa buhay mo ay bibigyan mo ng halaga gaya niya." sabi naman ni Mina.

"7 years naring wala si Sophia, matagal na pero ngayon niya lang ata naisipang pagtagpuin kami nung babaeng tinutukoy niya na pahahalagahan ko pero sa hindi ko naman inaasahang pagkakataon." napapaisip na sabi ko.

"Alam mo, hindi ko inaasahan na darating ka sa puntong hindi ka magkakaroon ng chance na piliin kung sinong mamahalin mo." sabi ni Momo.

"Pero sigurado ako. Mamahalin ko rin naman siya." sagot ko.

"Hindi naman ata natuturuan ang puso na magmahal?" sabi ni Mina.

"Hindi nga. Pero anong malay ko na baka kami na mismo ang para sa isa't isa." nakangiting sabi ko.

"Nako ewan. Ang corny niyo. Umuwi na tayo. Ikaw rin Sana, uwian mo na yung misis mo." sabi ni Momo.

Gaya ng sinabi ko minsan lang mas better ang option. At para sa akin I'll stay with my first choice ang manatili sa tabi ni Dahyun kahit parang araw araw nalang siyang masungit pagdating sa akin.

----------

Strings Attached|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon