Chapter 9

1.8K 65 61
                                    

Sana's POV

Kinabukasan maaga akong nagising para maghandang pumasok sa school.

It's already 6am at natapos na kong magbihis. Bumaba na ko pero wala akong naabutan na Kim Dahyun sa sala.

Mukhang hindi pa siya bumaba. Kaya naisip kong magluto ng breakfast. Mabilis lang naman 'to eh.

Pagkatapos kong magprepare ng breakfast biglang may nagcall sa akin.

Park Chanyeol Oppa calling...

"Good morning, Sana."

"Morning, oppa. Bakit?"

"Nasa labas ako kasama si Irene unnie mo. Dala namin yung kotse na pinabili mo."

"Oh?"

"Labas ka dito. Yung susi mo kunin mo. May pasok kami ng mas maaga!" rinig kong bulyaw ni Irene unnie. Ang ingay talaga ng bipolar na yun.

"Oo na ito na oh!"

End call.

Naglakad ako palabas ng bahay at naabutan ko yung dalawang kotse sa harap ng gate ng bahay namin ni Dahyun.

Nakita kong nakasandal yung dalawa sa labas ng kulay itim na kotse.

"Antagal mo, babe." sabi ni Irene unnie. Ganyan talaga kapag nakasumpong yan biglang mananawag ng babe.

"Sana, ito na ah! Black yung binili namin di namin alam kung anong gustong kulay ng misis mo." sabi ni Chanyeol oppa at hinagis sa akin yung susi ng sasakyan.

Grabe yung susi kase may personalize keychain pa na may nakasulat na. Park Kim.

"Sige. Salamat. Tulog pa ata yun eh. Una na kayo baka malate kayo." sabi ko sa kanila at niyakap ko silang dalawa.

Agad naman silang nagpaalam na aalis na. Kotse ni Chanyeol oppa yung dala nila yung red, sinama niya lang si Irene unnie dahil wala siyang sasakyan pabalik kung sakali.

Hinayaan ko nalang yung sasakyan sa harap ng gate at pumasok na ulit sa loob ng bahay.

Nauna na kong kumain dahil alam kong susungitan pa ko ni Dahyun kapag sumabay pa kong kumain sa kanya. May lahi pa namang assuming yun baka akala niya hinintay ko pa siya.

Habang kumakain ako narinig ko namang pababa siya pero patay malisya lang ako na parang di ko siya napansin.

"Morning." sabi ko sa kanya nung nakalapit na siya sa lamesa para di naman obvious na kanina ko pa siya napansin.

Nakauniform narin siya. Pinagkaiba lang namin hindi ko pa suot ang blazer ko eh siya suot na niya.

"Morning." sagot naman niya at kumuha ng tubig sa ref. Aalis na sana siya pagkatapos pero tinawag ko siya.

"Dahyun, magbreakfast ka muna." seryosong sabi ko sa kanya.

"Sa school nalang." sagot naman niya. Aish, grabe ang arte.

"No, kumain kana. Hindi rin ako sanay breakfast pero kailangan nating masanay na wag pumasok ng gutom." pangaral ko sa kanya. Kaya wala siyang nagawa kundi umupo at kumain.

Habang kumakain siya hinayaan ko lang naman siya. Kaya niya ng walang kasama dahil tumayo na ko para sumandal sa tabi ng sink hanggang sa matapos siyang kumain.

Siya ang naglipit ng pinagkainan namin at ako na ang naghugas dahil kung siya pa ang naghugas baka malate pa kami.

Pagkatapos kong maghugas ng plato naabutan ko siyang naghihintay sa sala. Oo nga pala yung susi ng kotse.

Kinuha ko yung susi sa pocket ko at inabot sa kanya.

"Here's your key. Nasa labas na yung kotse mo yung black." deretsong sabi ko sa kanya.

"Sinong nagdala dito?" tanong niya at kinuha yung susi niya sa akin.

"Chanyeol oppa and Irene unnie." plain na sagot ko.

"Thank you." tipid niyang sagot.

"Alis na tayo. Ayokong malate tayong pareho. Absent na nga tayo kahapon." paalala ko sa kanya.

"'Kay tara na, hon." sagot naman niya at naunang lumabas sa akin dala narin niya yung bagpack niya.

Nauna siyang umalis para hindi halatang pareho kami ng pinanggalingan. Ayos na sa akin yun, secret relationship nga diba?

Nagda-drive ako papuntang school ng magring yung phone ko. Sinagot ko naman via earpiece na suot ko para iwas aksidente.

"Hello?"

"Sana, si Momo 'to."

"Oh bakit?"

"Nasan kana?"

"Nagdadrive ako papuntang school bakit?"

"Wala. Kita tayo sa kubo later kailangan ka naming kausapin ni Mina."

"Alright."

End convo...

Ano naman kayang pakay nung dalawang yun sa akin? Patuloy nalang ako sa pagdrive ng kotse ko hanggang makarating ako sa school namin.

Nang makapagpark ako hinatak ko ang blazer ko na nakasabit sa upuan atsaka agad na bumaba at nilock ang sasakyan ko.

Naglakad ako papuntang first subject ko I still have 5 minutes pa naman pero kailangan kong magmadali terror pa naman yung prof namin dun.

May hawak akong isang notebook lang iniwan ko kase sa kotse yung iba kong gamit. Susi, phone at wallet lang ang nasa bulsa ko then may nakaipit na ballpen sa inner white sleeve ko.

Nagmamadali akong maglakad di na nga ko nakatingin sa dinadaanan ko dahil sinusuot ko ang blazer ko. Kaya hindi ko inasahang may makakabangga ako sa hallway kaya tumilapon yung notebook ko at yung books nung nakabunggo ko.

"I'm sorry." sabay naming sabi. Siya pinulot niya yung gamit niya ako nakatayo lang pero ilang segundo rin ang lumipas tinulungan ko siyang pulutin yung gamit niya dahil kasalanan ko rin naman.

Maya maya namukhaan ko pa yung nakabunggo ko. Si Tzuyu 'to ah? Yung pinakabata sa grupo ni Dahyun.

"Tzuyu?" sambit ko sa kanya. Nagtama yung mga mata namin at biglang lumalim ang tingin niya sa akin.

"Sana." she whispered. Nginitian ko lang siya at pinulot ang huling libro niya kasunod ang notebook ko. Iniabot ko sa kanya yung libro niya.

"Pasensya ka na. Nagmamadali kase ako." depensa ko.

"It's okay. Di ko rin napansin na mabubunggo kita." mahinhin niyang sabi.

"Mag iingat ka sa susunod." nakangiting sabi ko. "Mauna na ko ah? Malelate na ko." paalam ko at ngumiti ulit sa kanya.

"Salamat." sabi niya nalang at naglakad palayo sa akin.

Nagtungo ako sa klase ko, at sa kamalasang tuluyan akong nalate buti nalang at nakapagpalusot ako.

Si Dahyun kaya? Nasa klase na kaya siya? Rookie year niya palang pala sa college. Sigurado ako, medyo mahihirapan siya for this year.

Kaso napaisip ako, Rank 1 pala yung fiancee ko. Sana hindi na niya ko sungitan. Sana di na niya ko inaaway, para naman di na kami magkokontrahan.

-------

Strings Attached|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon