Chapter 28 : Revealed

1.7K 56 28
                                    

Dahyun's PoV

Mula nang mabugbog siya halos ayoko ng humiwalay pa sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko knowing that ako lagi ang nahuhuli sa balita kapag may nangyayareng masama sa kanya.

I feel worthless wife kapag ganun yung nangyayare sa kanya at ako naman ay walang alam.

Kasabay ko na siyang maglunch pero minsan pinasasabay ko sa amin yung mga kaibigan namin. Sinikap kong mamemorize yung schedule niya para alam ko kung nasaan siya.

Nakakahiya man, pero binabantayan ko din siya sa mga umaaligid sa kanya. Hindi ko alam naiirita ako kapag may lumalandi sa kanya.

Madalas naming kasama sila Mina unnie at Chaeyoung kaya madalas kaming makakita ng naglalandian ang clingy kase ni Chaeng parang si Sana kaso sa public di siya ganun kadikit sa akin.

Kumbaga sa sobrang clingy niya sa bahay ganun naman siya kailag sa akin sa school. Sobrang layo niya sa Sana na nakikita ko sa bahay at dito sa school.

"Kamusta naman kayo sa bahay niyo?" tanong ni Chaeng na nakaakbay sa nagbabasang si Mina.

"Ayos lang." sabi ko. Hindi naman sumagot si Sana na tahimik lang na kumakain.

Lunch break kasi namin. Gaya nga ng sabi ko kanina we use to eat lunch together.

"Hindi ba nagkakagera sa bahay niyo?" tanong pa ulit ni Chaeng.

"Hindi. Mas matino na ko sayo ngayon." plain na sabi ni Sana.

"Sus. Nasasabi mo lang yan kase andyan asawa mo." Mina smirked. Tss nagsalita pa mambabasag lang pala ng trip.

"Tss. Daming alam." pairap na sabi ko sa kanya.

"Nga pala Sana, tuloy tayo mamaya ah?" Mina said. San nanaman pupunta yung mga 'to.

"Oh yeah. Di ko naipaalam kay Commander." Sana said as she glance a look to me.

"Sabihin mo na. Andito kana rin." sabi naman ni Chaeyoung.

"Ano ba yun?" tanong ko naman.

"Tonight barkada night out namin." panimula ni Sana. "And... malelate kami ng uwi. I mean mamadaling arawin na kami for sure. So Mrs. Park pwede bang kong sumama sa kanila?" aba't nagpacute, hay nako.

"Hindi ba ko pwedeng sumama?" I asked.

"Nope. Barkada nights out yun. Ako, si Mina,Momo,Yerin,Jungyeon,Sowon,Lisa,Rose at si Sana lang ang pwede dun." sabi naman ni Chaeyoung.

"Baka naman kung anong kalokohan gawin niyo dun?" tamang hinalang sabi ko.

"Wag kang mag aalala, Dahyun. Andun naman ako. I'll make sure that they're goin' to behave." Mina assured. Sabagay, her fiancee was also there so sure akong walang problema.

"But you'll be alone at home. Is it okay o sa inyo ka muna matulog?" Sana asked worriedly.

"Don't think about me. Basta siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na ikagagalit ko. I'll call Jihyo unnie para masamahan niya ko sa bahay." I answered.

Hindi ko na siya pagbabawalan. Ngayon lang siya nagpaalam na aalis kaya pagbibigyan ko na.

"You sure?" she asked as she held my hand under the table.

I gave her a sweet smile as a respond.

-----

Kinagabihan pag uwi kasabay ko si Jihyo unnie.

Si Chorong unnie ang sumundo sa akin. Makikijoin daw sa amin ang loka.

Not bad atleast makakaclose ko yung iba pang pinsan ni Sana.

Strings Attached|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon