Chapter 13

1.8K 64 34
                                    

Sana's PoV

Nanonood lang kami ng TV nila Seulgi unnie at Joy unnie. Si Yeri kasi nakisali na sa pagluluto nung tatlo sa kusina.

"Kailan pa 'tong mga pictures na 'to?" pansin ni Joy dun sa picture frames na nakadisplay.

"Yang nasa center table ewan ko lang." sagot ko dahil solo picture lang yung ni Dahyun. "Then lahat ng yan kahapon palang." dagdag ko.

"Ang bilis nakapagprint agad? Sinong nagcapture niyan?" tanong ni Joy unnie.

"Ewan. Basta sinend lang ni Taeyeon unnie sa akin. May printer naman sa taas kaya prinint ko na." mahabang sabi ko.

"Dapat malagyan na nga lahat ng picture yung mga frames dito." sabi ni Seulgi unnie.

"Hindi ko nga naipaalam kay Dahyun yan eh. Basta basta ko nalang nilagay." napakamot ako ng batok ko ng sabihin ko yun.

"Wala na naman yung magagawa eh. Andyan na." sabi ni Seulgi unnie.

"Kayo ba ni Irene unnie kamusta kayo?" tanong ko sa kanya.

"Nanliligaw parin." sagot ni Seulgi unnie.

"Yung abnormal na yun? Napagtatyagaan mo pa? How come?" tanong ni Joy unnie.

"Tinamaan eh." kumento ko.

"Kayo ba ni Yeri, Joy?" tanong ni Seulgi unnie na nagbaling kay Joy.

"Ewan. Hindi ko pa alam." mukhang confuse ang loko.

"Alamin mo na. Baka maunahan ka." sabi ko.

"Palibhasa sayo nakatali na eh." sabi ni Joy sa akin.

"Nakatali na nga. Mahal ba ko? Di naman eh." sagot ko.

"Ikaw ba mahal mo na?" tanong ni Seulgi unnie.

"Hindi ko pa alam ang sagot dyan." I answered honestly.

"Invited ba ang barkada niyo sa kasal?" tanong ni Seulgi unnie.

"Kung papayag si Dahyun, bakit hindi?" sagot ko.

"Under ka ni Misis?" natatawang sabi ni Joy.

"Nope. Gusto ko talagang siya ang masunod sa lahat. Kahit yung magiging kalalabasan lang nung kasal maging choice niya." sabi ko.

"Wow ang bait!" sabi ni Joy at nakipag appear kay Seulgi unnie.

"Ewan ko sa inyo. Kuha lang ako ng tubig." paalam ko tsaka ko sila nilayasan tsaka ako dumiretso sa kusina.

Pagdating ko sa kusina naabutan ko sila Wendy unnie at Yeri na nakaupo sa may counter then yung dalawa naman busy na nagluluto.

Binuksan ko yung ref tsaka ako kumuha ng bottled water tsaka ako umupo dun sa tabi ni Wendy unnie.

"Kamusta naman yung pagluluto niyan?" tanong ko kina Wendy unnie.

"Napaso na nga kanina nung nagluto ng fried fish." sabi ni Yeri.

"Fighting parin daw siya kahit napaso na." sabi naman ni Wendy unnie.

"Ang seryoso niya nga sa pagluluto. Di niya pa napapansing andito ako." nakangiting sabi ko.

"Pursegidong matuto. Baka nahihiya na sayo kase sabi niya ikaw daw ang nagluluto lagi." sabi ni Wendy unnie. Kaya napangiti naman ako.

"Anong ginagawa nila Joy dun?" tanong ni Yeri.

"Nanonood ng TV." plain na sabi ko tsaka ko ininom yung tubig na hawak ko.

"Puntahan ko lang." paalam ni Yeri.

Strings Attached|SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon