Chapter 32

227 14 3
                                    

Chapter 32: Cassius Against Atticus


~Third Person's POV~


Pabilis ng pabilis ang pagtakbo nina Amara at Winter. Mabilis ngunit maingat dahil sa mga nagkalat na mga katawan sa paligid.


Lumingon sa likod si Amara. Nakita niya ang ilang mga Cassians na kinukuha na ang kanilang mga wand.


When they were about to attack, Amara unconsciously summoned a shield, a red one.


Nagulat si Winter sa malakas na impact ng pagtama ng magic ng mga Cassians sa shield na ginawa ni Amara.


Napatigil sa pagtakbo ang mga Cassians na humahabol sa kanila, iniisip ang parehong ideya.


A red shield. It is the highest quality of shield no one has ever done before. Nothing can break it, even the mystic of the king or the highest council.


Natatandaan niyo ba kung saan unang lumabas ang pulang shield na ito?


Naalala niyo noong nanghimasok ang tatlong Cassians sa Atticus?


Noong may lumabas na pulang shield sa harap ni Lady Emerald instead of a green one?


Amara unconsciously did that.


"Amara," Napatingin si Amara kay Winter nang magsalita ito. "P-Paano mo nagawa yun?"


Nagkibit-balikat lamang si Amara. "Hindi ko rin alam." Tumingin siya sa kabuoan ng shield. "Bigla na lamang 'to lumabas. Noong nakita ko yung pagtutok nila ng wand sa atin, isang shield ang naisip ko." Binalik niya ang tingin kay Winter. "At ito ang kinalabasan."


Tumingin si Winter sa likod ni Amara. Nang makitang tumigil sa pagtakbo ang mga Cassians, agad niyang hinatak muli si Amara at nilabas siya sa shield upang makatakbo silang muli.


"Tara na, Amara habang hindi pa sila gumagalaw."


Tumango si Amara saka tumakbo na din. Naka-ilang liko sila, at kung sinusuwerte nga naman sila, wala nang nagtangkang sila'y habulin pa.


Matagumpay na nakalabas ng palasiyo ang dalawa. The sun has died already and the full moon replaced it. Even outside the palace, dead bodies was seen laying everywhere.


Luminga-linga si Winter sa paligid, hinahanap ang kaniyang mga kasamahan. Ang iba ay kasalukuyang pinapatay ang mga sundalo ng Cassius habang ang iba naman ay nasa silid ng hari.


***


"Emerald." Nakangiting sabi ni Arthur. "It's so good to see you again."


Ngumiti siya pero agad na nanlaki ang mga mata niya saka tinakpan ang bunganga niya nang may maalala. "Oh! Nakalimutan ko palang sabihin sayo. Alam kong alam mo na. But I want it to come from my mouth."

The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon