Chapter 29

244 14 0
                                    

Chapter 29: Manifestation


~Winter's POV~


*Four hours earlier*


"Attention, everyone!"


Napatigil ako sa paglalakad sa gitna ng campus nang tumunog ang speakers sa paligid. Maging ang iba ay tinigil din ang kanilang mga ginagawa.


"Ready yourselves and prepare your weapons, for the next two hours, we'll all go to Cassius and fight as one..."


Napangisi ako sa narinig habang ang mga tao naman sa paligid ay nagsimula ng magbulungan.


It will start now.


<><><><><><><><><><>


~Spring's POV~


"Spring! Spring!"


Umupo ako sa kama kasabay ng pagbukas ng pinto. Nagmamadaling lumapit sa akin si Autumn saka lumuhod.


"Oh, bakit ka tumatakbo?"


I gently pinned my badge on the upper-left part of my shirt. I pressed the button and later did I knew, my clothes turned into my personal training uniform.


Biglaan kasi akong niyaya ni Summer na pumunta sa arena para makapag-practice. Take note, tamad siyang mag-practice kaya nakapagtataka kung bakit gusto niya bigla.


I don't know if it's just me, but I think Summer became secretive and serious these past few days. This is very unlike her.


"Kambal, gumawa ng public speech si Lady kanina. At hindi ka maniniwala sa sasabihin ko."


Bigla siyang tumayo saka ako hinawakan sa balikat at inalog-alog.


"Spring, hindi ka talaga maniniwala!"


Hinawakan ko ang isa niyang kamay. "Autumn! Nahihilo na ako!"


"You won't ever believe this, Spring!"


I unconsciously summoned some vines and tie it on Autumn's legs and hands.


Buti na lang at gumana.


Hinabol ko ang hininga ko saka hindi makapaniwalang tumingin kay Autumn na ngayo'y tinatanggal ang pagkakatali ng mga sanga sa paa't kamay niya.


"Pwede namang sabihin ng hindi nakakasakit diba?" sarcastic kong tanong sa kanya saka umirap.

The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon