Chapter 16

300 19 2
                                    

Chapter 16: In Denial


~Amara's POV~


"Oohh!" sabay na sabi nung kambal saka pumasok na sa Training Room. Humabol na din sa kanila si Summer, leaving me and Winter here.


Nahagip ng mata ko ang mga mata ni Winter sa akin kaya tumingin ako sa kanya. Ngunit, iniwas niya ang paningin niya.


Hmm. Ang weird niya.


Nagmamadali siyang pumasok sa loob kaya sumunod na din ako. Habang pumapasok ako, nililibot ko ang paningin ko sa buong silid.


Naabutan ko yung tatlo na tumitingin sa iba't-ibang uri ng sandata na nakalatag sa mesa.


Nakalagay sa isang mesa sa kanan ang iba't-ibang uri ng mga long-range weapons. Katulad ng mga pana at metal slingshots.


Sa kaliwang mesa naman ay mga short-ranged weapons. Yung ginagamit kapag malapit ang kaaway, like daggers.


Habang tumitingin kami sa mga iba't-ibang sandata na nandito, hindi namin napansin na may pumasok na pala.


"Ehem."


Napatingin kami sa may pinto at nakita si Ms. Chi na nakatayo. Pero nagulat ako nang makita ang suot niya.


Bakit siya naka-armor?


"Good morning, Ms. Chi!" masiglang bati nilang lahat. I don't know but I'm starstruck by her amazing aura and armor.


Ngumiti si Ms. Chi. "Good morning to all of you. As you all know, I'm Chi Salvador. I'll be your training coach today. In my class, I would like to have only three rules."


I nodded unconsciously.


She raised her index finger. "Number 1. I'm comfortable with Coach Chi instead of Ms. Chi." Nag-chuckle siya. "After all, I'm your training coach."


"Okay, M-- Coach Chi." natatawang sabi ni Spring.


Nginitian siya ni Coach Chi saka tinaas ang dalawa niyang daliri. "Number 2. Choose the weapon and technique you're comfortable with. Never force yourself because it might just hurt you. Okay?"


Tumango kaming lahat.


Tinaas naman niya ang tatlong daliri niya. "And last but not the least. Number 3. While I'm talking in front or instructing our today's technique, I want you to listen properly and never cut me out. Understood?"


"Yes, Coach!"


Ngumiti sa amin si Coach at isa-isang ginulo ang mga buhok namin. Pero pagdating niya kay Winter, pinigilan siya nito.

The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon