Lynn's POV
Kararating ko lang sa classroom at dumiretsong umupo sa upuan ko. Iniwan kasi ako ng tikbalang. Wala talaga syang hiya kahit kelan!
Eto sya ngayon at nakikipag-harutan na naman sa mga pandesal ni Moonbin. Swerte mo lang ugok ka at wala dito si Riri dahil kung hindi, lamok lang ni Mj ang walang ganti! hah! umirap ako sa kanya kahit hindi naman nya ito nakita.
Hindi ko rin alam kung nasaan ang mga kaibigan ko ngayon.
Automatic akong napatingala sa naglapag ng isang box ng cupcake sa arm chair ko. "Kainin mo yan" nakangiting wika nito sa akin.
Magsasalita pa sana ako pero agad na itong tumalikod at bumalik na sa kanyang upuan saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng kanyang libro na para bang walang nangyari.
Problema nun? isa pa, kahit gaano ako katakam sa mga cupcakes na 'to, at kahit paborito ko pa to, hindi ko pa rin to kakainin! HALEER! EXCUSE ME! NAG-MOVE ON NA KAYA AKO SA KANYA!
Pero.. kukunin ko lang yung strawberry. Ito kasi ang pinabest flavor hehe. Binuksan ko ang box saka nilantakan na nga yung isang cupcake. Nung maubos ko na ito ay muli kong isinara ang box. Yun bang parang hindi halatang nabuksan.
Tatayo na sana ako para ibalik ang box ng cupcake na ibinigay sakin ni Sanha ng bigla akong hinarangan ni Pres.
Kailangan nito?
"Lynn, 1,398. 65"
Pagkunot ng noo ko ang tanging nasagot ko sa kanya.
Ha?
"I mean, yung utang mo sa class fund natin. Saka sa ayaw mo't sa gusto, pipilitin parin kitang magbayad. Mauubusan na kasi tayo ng mga benebentang basahan ni Moonbin. Mahirap pa naman mag-order sa kanya, pa-presyo din kasi yung bugok na yun. Kaya pasensya na talaga"
Speechless ako mga dre..
Nagsnap sya ng daliri sa harap ko kaya nabalik ako sa reyalidad.
PUNYETANG ROCKY 'TO! I-PAPA-IMPEACH KO TO EH!
Isinampal ko sa kanya ang credit card ko. "AYAN GREEN CARD KO! SAYO NA! WALA AKONG BALAK MAGLINIS HABANG BUHAY!"
Okay naman ang mood ko eh! ewan ba't bigla akong nainis sa mukha nya. Uy jusko! wag sana akong maglihi kay Minhyuk. Utang na loob. Jusko.
AYOKO SA MGA MUSCLES NYA!
"Ang baboy mo kumain." komento naman nya bago pumunta sa kinaroroonan ni Jinjin. Oh hala! magsapakan kayo jan! ginising ba naman ang isa at hinamon ng away.
Ang kupal ng President namin no?
Muli akong tumingin kay Eunwoo, sya naman ay nakikipag-landian pa rin kay Moonbin.
BINWOO NA DIS!
Tsk! magsama silang dalawa!
Pumunta ako kay Sanha at inilapag sa harapan nya ang box ng cupcake. Napatigil naman ito sa pagbabasa at tumingin sa box pagtapos ay tumingala sa akin.
"Isasauli ko lang." tugon ko saka inilihis ang tingin sa labas ng bintana.
"Hindi mo ba nagustuhan? these are your favorites.."
"Hindi na ako kumakain ng cupcake." pagsisinungaling ko kahit na takam na takam parin ako. Bitin yung isa eh.. huhu
Tumayo sya at yumuko sa akin kaya napatinginala naman ako sa kanya. Masyado kasi syang higante para sa katulad ko. Hindi ako nakagalaw nung hawakan nya ang gilid ng labi ko na para bang pinahiran ito.
BINABASA MO ANG
Daddy Eunwoo (ASTRO)
FanfictionKumaway ako sa lalaking kaharap ko. "Hi Hello!" PATAY! kung minamalas ka nga naman! sa napakaraming tao na pwedeng dumaan dito. Bakit pa si Eunwoo? "Hi Eunwoo ehehe. Musta?" ulit ko pa pero diretso lang syang nakatingin sa akin. Tsk. Cold naman ng...