Lynn's POV
Kompleto kaming lahat na nag-aalmusal ngayon. Yun nga lang naghintay pa kami ng kalahating oras bago makakain. Si Jinjin kasi ang hirap gisingin.
"Masarap ka palang magluto Pres!"
"Oo nga.." dugtong ko naman sa pagcompliment ni Jia
Ngumisi si Minhyuk sa aming dalawa. "Hindi ba halata?"
"Hindi eh. Mahahalataan ka pang tig-punas ng mesa kesa sa tig-luto" walang paking sabat ni Mj, pero nag-eenjoy naman sa paglantakan ng nilutong adobo sa may gata ni Rocky
"Tsk. Hayaan mo sa susunod lalasunin nalang kita hyung"
"Wag na. Masasayang lang effort mo. Hindi mo ako kayang patayin. Kasi nga sinusumpa pa mukha ko sa langit at hindi din pwede mga lamok ko sa empyerno"
Napasapo nalang ako sa noo.
"Plan after eating, guys?" tanong ni Buen sa amin
Naalala ko na naman yung mga sinabi nya kahapon.
Isang mabait na babae. Yung tipong hindi makabasag ng pinggan ang nasa harap namin ngayon at ibang iba dun sa babaeng kausap ko kahapon.
"Ano pa ba? edi maghugas ka ng pinggan!" baling ni Jinjin sa kanya. "Para may pakinabang ka naman dito. Hindi yung puro ka-plastikan lang yung ginagawa mo"
"Hyung!" agad na saway naman ni Sanha
"Meron bang pine tree dito?" out of the blue na tanong ni Rocky
"Ano na namang klaseng tanong yan?" blunt na tanong ni Chloe
"Gusto ko kasi sana ang theme ng project natin ay yung pang-Twilight. Romantic kasi yun" suhestyon nito
"Aba! manhid ka diba? nakaka-feel ka rin pala ng kilig?" muling hagis ng tanong ni Chloe sa kanya
"Suggestion ko lang naman hehe" wala na ata tayong magagawa. Isang dakilang manhid si Minhyuk guys!
"Ji, ilagay mo nga tong si Rocky sa kaserola. Tapos pakuluan mo.. baka sakaling mag-evaporate yung pagkamanhid nya" baling ni Mj sa kanyang katabi
Tinarayan naman sya ng bestie ko. "Oh bakit ako ang gagawa nun? ba't di nalang ikaw?"
"Ehh ikaw ang gusto ko eh!" mabilis na tugon ni Myungjun..
At dun natigilan ang dalawa. Na-realize siguro nila ang sinabi ni Mj. Ayan kasi! ba't di na lang magka-aminan. Tsk. Ang aga aga nagmomoment na agad. Ang sarap nilang kaltokan sa bumbunan.
"Ano bang theme natin? mas mabuti na rin tong pinag-uusapan 'to ngayon kahit kumakain tayo ng breakfast. Baka mamaya wala na naman tayong magawa kagaya kahapon" komento ni Sanha bago sumubo ng ham
"Di ba about friendship and love yung topic natin?" tanong ni Moonbin na sya namang tinanguan ng lahat
"Ano ba naman yan. Ba't iyan pa talaga ang nabunot mong topic, hyung? sana yung mga scientific and discovery topics nalang! hindi pa sana tayo mahihirapan. Kahit kami nalang ni Sanha gumawa nun. Compared dito sa nabunot mo, siguradong wala tayong panama dito"
"Siguradong wala tayong pag-asa.." pagsang ayon ko sa sinabi ni Eunwoo bago uminom ng gatas
"Okay lang yan, at least sakin may pag-asa ka naman." saka nya ako kinindatan. Aba abnoy to ah!
"Che! hindi kita kailangan!"
"Ako kailangan kita.. hihi" pag-aasar pa sakin nito
![](https://img.wattpad.com/cover/106873232-288-k417878.jpg)
BINABASA MO ANG
Daddy Eunwoo (ASTRO)
FanficKumaway ako sa lalaking kaharap ko. "Hi Hello!" PATAY! kung minamalas ka nga naman! sa napakaraming tao na pwedeng dumaan dito. Bakit pa si Eunwoo? "Hi Eunwoo ehehe. Musta?" ulit ko pa pero diretso lang syang nakatingin sa akin. Tsk. Cold naman ng...