Lynn's POV
Kasalukuyang nasa tabing dagat kaming lahat, pwera nalang kay Eunwoo at Moonbin na nasa loob parin ng mansion. Di kaya nagrarambulan na yung dalawang yun? kinakabahan na tuloy ako. Si Eunwoo kasi..
Napatingin ako kay Rocky ng mapabuntong hininga ito. "Nakakainis naman oh.."
"Pagtiisan mo nalang yan. Mabuti ng may kinakain ka kesa sa wala. Hindi ka na naawa kay Jinwoo na bumalik pa ulit sa dagat." pangangaral ni Mj sa kanya
"Ang eew naman kasi nito" reklamo din ni Chloe
"Alam nyo, bagay talaga kayong dalawa. Ang aarte eh! hindi marunong makuntento. Alam nyo yun?" suporta naman ni Jia sa sinabi ng kanyang sinta.
"Bakit nga ba may mga taong hindi marunong makuntento sa mga ibinigay sa kanila no? worse is, parang wala lang sa kanila ang mga ito.. hay" hugot naman ni Riri sa tabi saka kumagat sa kinakain nyang lollipop kaya nalipat ang lahat ng tingin sa kanya.
"Alam mo baby, hindi naman kasi lahat ng mga bumabalewala sayo ay wala ng pakialam. Kadalasan ginagawa nila ito para sa ikakabuti mo, kahit ang labas ay parang sinasaktan ka nila. Trust me.. I assure you this is the truth." ngiti ko sa kanya. Sinabi ko na ang mensaheng ipinapahiwatig ni Moonbin para sa kanya, kaya sana naman maging okay na sila.
Kaso lang ako mismo naguguluhan sa mga sinabi ko. Bakit parang ang hirap intindihin nun?
"Ate Lynn kasi--"
Hindi na natapos ni Riri ang kanyang sinasabi ng binato sya ni Jinjin ng diver's tank nito. "Puro ka jan pag-ibig pag-ibig! ni hindi mo pa nga alam kung pano labhan ang panty mo! nagmana ka nga talaga sa nanay mo! eh kung pag-aaral kaya ang atupagin mo! edi natuwa pa si Moonbin sayo!"
Syempre hindi rin ito nagpatalo at gumanti din. Hinagisan nya ng isang baldeng kumukulong sabaw ang kanyang kuya. "Kung maka-warak ka jan! akala mo naman! ikaw nga hindi naglalaba ng brief eh! kadiri ka alam mo yun!"
"Oy tama na yan! pag-untugin ko kaya kayong dalawa?" saway ni Jia sa magkapatid. Agad naman silang nag-irapan.
"Okay ka lang ba?" mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko sa kunwaring pagmamalasakit na tanong ni Buen sakin. Actually, sarap nyang bigwasan sa uterus.
Inirapan ko nalang ang gaga. Isa pa to eh! sinabi sakin ni Eunwoo na sya ang nagsabi sa kanilang magkasama kami ni Moonbin. Ang itim talaga ng budhi ng bruhildang ito. Naku nakakagigil buong pagkatao nya.
Sa 'di inaasahan ay nakita ko ang tyanak na nakatitig sakin.
"Oo.. okay lang ako thanks" mapaklang ngiti ko kay Buen. Plastikan pala ang theme eh! ba't walang nagsabi sakin? edi sana nakapaghanda manlang ako.
Pero nabigla ako nung hinila ako ni Sanha palayo sa kanila. Marami ata'ng humihila sakin ngayong araw? ba't di nalang kasi nila ako diretsuhing ako pala ang gusto nilang maging lubid sa kanilang tug-of-war game. Sus nahiya pa sila.
Nung makarating na kami sa tapat ng pintuan ng mansion ay binitawan na nya ang kamay ko. Humarap sya sakin saka diretso lang akong tinitigan.
"Hoy hindi ko inaway ang girlfriend mo ha. Wala akong ginagawang masa---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla nya akong niyakap.
Niyakap ng sobrang higpit.
"Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo dahil sa sugat mo. Tapos hindi ko pa alam ang totoong nangyari sa inyo. May tiwala ako kay Bin hyung pero masyado akong natakot, Lynn. Pati na rin sa baby.. alam mo yun" pakiramdam ko unti unti akong nanlalambot dahil sa pagiging sincere nito sa kanyang mga sinasabi.

BINABASA MO ANG
Daddy Eunwoo (ASTRO)
FanficKumaway ako sa lalaking kaharap ko. "Hi Hello!" PATAY! kung minamalas ka nga naman! sa napakaraming tao na pwedeng dumaan dito. Bakit pa si Eunwoo? "Hi Eunwoo ehehe. Musta?" ulit ko pa pero diretso lang syang nakatingin sa akin. Tsk. Cold naman ng...