Chapter 17

802 41 39
                                    

Kathryn's POV

Grabe pala yung nangyari kay Seth, noh? Nilapitan lang pala siya nung Lei dahil sa sikat siya at ang banda niya. Sobra naman yung Lei na yun.

Pero mas sobra 'tong grades ko. Hindi naman sa mababa pero first time kong magkaroon ng ganitong mga grado. Pasado siya pero hindi ito ang mga ine-expect kong mga numero. Haay, mag-aaral na lang ako ng mas maigi.

Dismissal na at eto ako, naglalakad palabas ng campus. Hindi ako nakatingin sa nilalakaran ko kasi dito lang ako nakatingin sa report card ko. Makabangga na kung makabangga pero pasensya na, hindi ko talaga tanggap eh.

"Ay sh-!" sabi ni Lester dahil aksidente ko siyang nabangga. "Hoy, KK! Tingin-tingin rin sa nilalakaran ah? Nagmumukha kang tanga eh tanga ka na nga!" 

"Hindi masyadong mataas ang grades ko, oo, pero hindi naman ako tanga! Masakit yun ah?"

"Eh, ano kung masakit? Makaalis na nga." 

"Edi, umalis ka. Pinagbabawalan ba kita?" At umalis nga siya. Mukha nga siyang nagmamadali eh at parang may hinahanap pa. Well, next time na lang ulit dahil hindi pa rin talaga nags-sink in sa utak ko itong grades ko.

"Kath!" narinig kong tawag ni JC. Naku, wag lang niyang ipamukha sa akin ang grades niya.

"Ano?" tanong ko."Teka, ba't hingal na hingal ka?"

"Nakita mo ba si Seth?" 

"Hm? Hindi, bakit? Nawawala ba siya?" at nagsimula kaming maglakad palabas ng campus. 

"Kaya nga hinahanap eh kasi nawawala." sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niyang yun. "Oh, sorry."

"Good. Uhm, sa condo niya, na-check mo na ba?"

"Oo, at wala siya dun. Huh? Teka... paano mo nalamang may condo si Seth? Stalker ka na rin ba ngayon?" 

"Wow, Ang kapal naman ni Seth kung ganun. Ako? Stalker? Hindi ba pwedeng may sarili rin akong unit dun?"

"Ikaw? Magkaka-unit dun? Di nga?" 

"Teka, anong gusto mong ipahiwatig sa tanong na yan, JC Padilla? Hindi naman imposibleng magkaroon ako ng sariling unit dun ah."

"Imposible kaya." 

"At bakit naman? Pagmamay-ari niyo ba yun tapos mga lalaki lang ang pwedeng magkaroon ng sarili nilang condo unit dahil nga sa women-haters kayo?"

"Eh... yun na nga eh. Pagmamay-ari nga namin yun. Teka, ba't ba dito napunta ang usapan natin? Ano? May alam ka bang lugar na pwedeng puntahan ni Seth?" 

"Wala. Malay ko ba. Kayo 'tong magkakaibigan diba? At saka, okay na ba kayo? Kasi kanina parang hinahanap rin ni Lester si Seth eh"

"Hindi. Hindi pa rin kami okay. Pero hindi dahil sa hindi kami okay ay hindi ko na hahanapin si Seth. Kaibigan ko pa rin naman siya." 

"Kelan pa ba kasi nawawala si Seth?"

"Nung Sunday pa. Sabi nung mga employees namin dun umalis raw siya at sinabing wag raw magpapapasok ng kahit na sino sa condo niya. Tapos hindi pa raw siya bumabalik mula nun."

"Hala. Miyerkules na ah."

"Alam ko. Kaya nag-aalala na talaga kaming lahat at baka napano na yung si Seth."

Opening Five Closed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon