Kath's POV
*bahay*
"Hi, Ma!" bati ko kay mama pag-pasok ko sa bahay
Simple lang naman ang bahay namin. Simple lang din ang pamilya namin. Basta! Normal at simple lang ang buhay namin.
"Oh! Kath. Kamusta ang klase?" sagot sa akin ni mama
"Hay, ma! Ayun, ini-snob na naman ako ng Parking 5 a.k.a. D' Women-Haters" Yup! Alam ni mama ang tungkol dun. Hindi kasi ako sanay na mag-lihim sa kanya
"Anak, pursigido ka talaga na malaman ang buhay nila, noh?" -mama
"Of course, ma! Kayo na rin ang nag-sabi na maikli lang ang buhay. Dapat mabuhay lang tayo ng masaya. Sayang naman kasi ang buhay ng limang lalaki na yun kung habang-buhay sila magiging ganun."
"Oh sige. Sinusuportahan kita dyan.. as always. Ano na bang progress mo?" -mama
"Naka-usap ko na si JC, si Seth, at si Katsumi"
"Diba lima sila? Sino pa ang hindi mo nakaka-usap?" -mama
"Yung Lester at haaaaayy... Yung Daniel na yun."
"Anak, makaka-move on ka rin sa pag-bangga sayo ni Daniel. Oh, sige na, mag-bihis ka na at gawin mo na ang assignments mo. Tatawagin na lang kita for dinner." -mama. Ang caring talaga forever ng mama ko
"Ok, ma. I love you"
"I love you, too" -mama. At mapagmahal pa!
Umakyat na ako sa kwarto ko at saka nag-bihis. Ginawa ko na rin yung mga assignments.
Gusto ko matulog pero hindi naman ako makatulog. Gets niyo?
Anyways, kinuha ko yung isang notebook sa bag ko. Hindi 'to diary, ah! Dito ko sinusulat ang mga nagagawa ko with D' Women-Haters. 'Yan muna tawag ko sa kanila hangga't hindi ko sila nababago.
Haay! Kulang na lang maka-usap ko si "boy drumsticks" at yung Daniel para makumpleto na ang planned small convos ko. Tapos na kasi yung dun sa tatlo...
"Anak! Kakain na!" tawag ni mama sa baba
Bumaba na ako ng kwarto ko at naki-salo na sa aking pamilya. Nag-kwentuhan kami... as always. Pagkatapos kumain, tumulong ako kay mama sa pag-hugas ng pinggan at kung ano-ano pa.
Bumalik na ako sa kwarto pag-katapos nun at nag-pahinga ng konti. Sino ba naman kasi ang matutulog ng kakakain lang?
"Haay.. Women-haters? Pssh! Tingnan lang natin kung matatawag pa nila kayo ng ganyan pag nabago ko na ang mga buhay niyo.." sabi ko sa sarili ko. "Aissh! Kath! 'Wag masyadong excited, ok? Alam ko na kayo ko pero, hindi ko pa nga nakaka-usap yung Lester at Daniel na yun, eh! Chill lang" Para akong ewan. Kinaka-usap ko ang sarili ko >.< Ganyan talaga ako. Asahan niyo na 'yan... "Matulog ka na nga!" see what I mean? Anyways, Goodnight!
*next day*
"Good morning, girl! Alam kong umagang-umaga at ang ingay-ingay ko na. You don't need to tell me that. Napag-sabihin na ako nina Julia at Ella. Ay, girl! Sorry ah! Kailangan ko ng pumunta sa room ko. Male-late na kasi ako. Hinintay lang naman kita para ma-greet ng good morning, eh!" -Kiray.
BINABASA MO ANG
Opening Five Closed Hearts
FanfictionOne simple girl? Can she possibly change them? Can she possibly open their hearts? Posible bang mabago ng ISANG simpleng babae ang buhay ng LIMANG Women-Haters? - - - - - Original story of: ShamBrielCa_26 > > > maskedarkreality