Chapter 15

704 21 7
                                    

Kath's POV

One fact: Ang dami niyang alam. And with "niyang", I mean JC Padilla.

"Siguro magandang gamitin yung color yellow" suggestion ko bilang color nung font sa poster na project namin

"Mas maganda kung dark na color. Black siguro para kapag nasa malayo nababasa pa rin." -JC

"Ok. Fine. Blue na background?"

"Light color naman this time. Yellow or light green? Para stand-out." -JC

"Ok. Ok. Animated na casts?"

"Huwag yun. Mas maganda siguro kung kukuha tayo ng mga students dito. Or maganda rin siguro kung kukuha tayo ng artista. I can use our family's connection kung gusto mo." -JC. Artista? Over naman nun! Simpleng project lang 'to eh

"Ang dami mong alam. Ni minsan ba may nai-suggest akong tama?"

"Uhmm, actually pati yung size ng poster na sinuggest mo, mali rin. Masyadong siyang maliit at baka hindi makita. Sayang naman yung chance na masali 'tong poster natin sa University Exhibit." -JC  

"Tapos? Meron pa ba?" hindi na lang ako magsu-suggest kasi wala naman 'atang chance na may tama akong mai-suggest lalo na't maraming alam na kung anu-ano 'tong si JC

"Wala na. Yun lang." -JC

"Paano yung mga casts?"

"Ako nang bahala dun." -JC

"May choice pa ba ako?"

Oh yeah! Regular student na rin pala siya. Classmate ko nga siya sa tatlo o apat 'atang subjects? Basta. Marunong na siyang maki-sama sa iba lalo na sa mga babae. Ngumingiti na siya kapag may kumakausap sa kanya na babae. And hindi na siya matipid sumagot. Ang daldal nga niya minsan eh.

One thing na nalaman ko...

*kkrriinngg*

"Bukas na lang natin ituloy 'to, ha? Halika! Samahan mo 'ko!" -JC

...marami siyang sikretong lugar na nalalaman. Minsan nga yung kasulok-sulukan na ng university ang napupuntahan namin. May mga lugar rin na hindi ko alam na nage-exist pala sa university namin.

"OMG! Hi JC!" medyo hyper na bati sa kanya ng isang girl

"Hi rin!" medyo hyper na bati ni JC kay girl

"You've changed na nga. Naalala mo ba nung  tinawag mo 'kong 'stupid' nung nakita ko kayo one time tapos nadapa ako at nabuhos yung juice ko?" -girl

"Talaga? Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sor--" -JC

"Oy teka! Sobra ka naman mag-sorry. Ok lang yun. Pero tanong ko ang ha? Ayos pa rin naman kayo ng DWH diba?" -girl. Yung totoo, ate, 'Buzz ng Bayan' ang peg? Maka-tanong naman kasi, interview lang?

Napansin ko naman na tumahimik si JC. Ay? Affected? Aissh! Joke lang po yun! Commercial nga muna!

"JC, diba, bibili pa tayo ng materials? Yung gagamitin natin para sa project natin? Dali na. Habang may isang oras pa tayo na break. Excuse me lang ha?" at ako na mismo ang humila kay JC paalis

Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa mini garden ng university.

This is the university's second out of three mini gardens. Walang pumupunta dito kasi mas maliit pa 'to kesa dun sa pangatlo. Mas maliit rin 'to kesa dun sa una. Siguro yung gardener lang ang pumupunta dito kasi halatang naaalagaan naman yung mga halaman.

Opening Five Closed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon