Chapter 16

796 28 15
                                    

Kath's POV

"Anak, sa'n ka pupunta?" pahabol na tanong ni mama kasi nagmamadali akong lumabas ng bahay

"Ma, diba sabi niyo once a week pwede akong mag-stay sa condo ko? Well, nasa mood akong magstay dun today. Pwede naman diba?"

"Haay. Akala ko na kung ano. Pwede naman. Sana lang sabihin mo. Hindi yung lalabas ka nang sobrang excited tapos ako nag-aalala dahil baka may ano nang nangyaring masama sa'yo."

"Sorry, ma..."

"Oh sya sya. Ako na ang magsasabi sa papa mo. Basta bukas uuwi ka dito ha?"

"Yes, ma. Bye!"

"Sige, anak."

Yes. May condo unit ako. Hindi naman siya gaanong malayo. Aabutin lang naman ako ng 15 minutes from our house kapag pupunta ako dun. 20 minutes naman from school.

At sa mga nagtatanong, ang condo unit ko ay Christmas gift sa akin ng parents ko. Sabi kasi nila kailangan ko na raw matutong maging independent. So, they gave me a condo unit.

Pero, wag kayo ha! Hindi ako ang magd-drive. Hindi pa raw ako pwede at darating din daw ako dyan. Sa ngayon, magpapahatid na lang ako sa driver namin. Sa ngayon lang naman eh. Hanggang sa pwede na akong mag-drive and may sarili na akong kotse.

And yes... ulit. May driver kami. Meron na kasi kaming maliit na business, hopefully lumago ito, kaya na-afford namin ang mag-driver. Aside from that, para raw hindi na ako mag-commute. At, para na rin raw sure sila na safe ako kung saan man raw ako pupunta.

"Ma'am, andito na po tayo." sabi ni kuya Alex

"Kuya naman eh. Huwag niyo na nga po ako tinatawag na 'Ma'am'. Wag na rin po kayo magp-'po'." hindi rin naman kasi ako sanay

"Sorry po, Ma'am. Nasanay na po kasi ako eh. Halos pitong taon na rin po kasi akong family driver."

"Ikaw bahala, kuya. Sige po. Tatawagan ko na lang po kayo bukas para magpa-sundo."

"Sige po, Ma'am."

Pumasok na ako sa loob at masayang kumaway sa mga nagt-trabaho dito. Masaya rin naman nila akong w-in-elcome. Masaya as in masaya. At napansin ko rin, puro 'ata mga lalake ang nagt-trabaho dito? Teka. Paki ko ba? Basta maayos ang pagpapa-suweldo sa kanila at marangal ang trabaho nila, okay na ako. Sumakay na ako dun sa elevator at pinindot ang number 7 dahil yun ang floor ng condo unit ko.

Pagbukas ng elevator... "Wow.." yan lang ang nasabi ko. Yung totoo, paano 'to na-afford ng parents ko? Ah! Hardworking kasi sila! I love them so much!

Naglakad na ako at hinanap ang number ng unit ko.1421 raw. "Ah! Ayun!" binuksan ko na ito at napa-nga-nga na lang dahil sa ganda.

"Grabe, alam talaga ng parents ko ang favorite color ko. Tinadtad ng color yellow ang unit ko ah!" Haay. Kausap ko na naman ang sarili ko. Masisisi niyo ba ako?

Higaan, unan, wall décor, table, chairs, curtains, cabinet. Halos lahat color yellow! A for A-ffort para sa aking mga magulang!

*knock* *knock*

Ay? May bisita agad? Sino naman 'to?

"Welc-- what are you doing here?" from happy to shocked na annoyed. Yan ang naging expression niya. Niya as in si Daniel.

"Ikaw ang 'what are you doing here?' Condo unit ko 'to, bakit?"

"Tss."

Opening Five Closed HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon