i.

19 2 0
                                    

°°°

Siguro kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito.
Lagi naman.

Paano ba naman kung makakita ka ng estudyante ng isang pribadong paaralan sa lugar ng mga squatters sa tabi ng mabahong ilog?

Una sa lahat, hindi ako maarte at nag iinarte. Sanay na ako dito sa dinadaanan ko tuwing magkikita kami ni Frank. Siya ang boyfriend kong nag aaral sa karibal na paaralan ng eskwelahan ko.

At siguro nga isa na iyon sa dahilan kung bakit sa ganitong lugar kami laging nagkikita, dahil walang maarteng students na mapapadpad dito from our separate schools. Walang makakakita na may magkasintahan from the two rival schools.

Kumanan ako sa pangalawang kanto na papunta sa lugar kung saan kami laging nagkikita. I'm Tricia and I'm a 1st year high school student. Siguro nga bata pa ako para magkaroon ng isang kasintahan but I don't think age should matter here.

Last day na ng school year na ito. Considering magbabakasyon na, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Dapat masaya ako, tapos na ang pagpapahirap ng school year na ito. But I can feel that something is wrong and I hate this feeling. Oo masyado akong naaapektuhan ng wattpad stories, books or any such at kadalasan nag aassume ako. Siguro napakababaw ko kung sasabihin kong kahit one shot lang napapaiyak ako. Masyadong masama ang pakiramdam ko na parang ayoko ng tumuloy. Pero malapit na pala ako, kanina pa ako nakatitig sa sahig at hindi sa dinaraanan ko.

I looked up at nakita ko siya kung saan lagi kami nagkikita at unang nagkita. Sa ilalim ng malaking puno na never niyang sinabi sakin kung anong puno ito. Minsan na akong nacurious kung ano talaga tawag dito pero kalaunan nawalan na ako ng pakialam. Nakita ko siyang tumingin sa direction ko but he avoided ang tingin ko. Not even one smile. It made my feeling even worse. I don't feel like smiling.

"Hey." Pagbati ko ng umupo ako sa napakalumang bench sa tabi nya, sa ilalim ng puno.
"Nakarating ka." Yan ang bati nya. No 'hello' or 'hey love'. Wala. Ayoko ng negative thoughts ngayon, pero di ko maiwasan.
"Last chance to meet before magbakasyon." I tried to not make the mood even more gloomy. Saka siya tumingin sakin.
"Oo nga. May sasabihin ako." Sabi niya ng walang tingin, o ngiti.
Tumungo na lang ako at tinitigan ang lupa. Parang ayokong itanong kung ano ang sasabihin nya. No, ayoko talaga. But he continued anyway without me asking.
"Lilipat na ako ng school." And because of what he said, napatingin ako bigla. Hindi ko alam kung mabubuhayan ako ng loob o ano.
"Saan?" Agad kong tanong sakanya.
"Sa school mo." Gusto kong itanong kung bakit. Gusto kong malaman ang dahilan. Gusto ko din matuwa pero natawa na lang ako para ipakita na masaya ako sa balita nya. "Talaga?"

Nginitian nya ako at tumango sa tanong ko. Pero napansin ko ang bigla nyang pag tingin sa malayo bago binalik ang pagngiti sakin. Parang gusto kong maniwala na ngiti nga yan. Ngumiti na lang din ako then he placed his arms on my shoulders. We just stayed there just like how we used to hang out before. I tried to make myself believe na masaya kaming magkasama just like before. Like before. But i know it isn't the same as anymore.

°°°

She Played With LoveWhere stories live. Discover now