chapter 5: bored

4 1 0
                                    

°°°

Gusto kong mainis sa sarili ko ngayon. Ngayon ko lang napagtanto na hindi magandang idea itong pagpasok ko sa school ngayong araw. Parang kahapon lang sinabi ko sa sarili ko na ayokong mag aksaya ng oras dito dahil wala namang ginagawa pero narito ako ngayon sa school.

Hindi ko alam kung bakit naisipan kong pumunta sa school ngayon. Siguro dahil masyado ng boring sa bahay lalo na at mag isa lang ako. Or dahil I'm just a stupid girl na hindi marunong mag decide, to let a coin make a choice for me.

Kahapon ko pa pinag iisipan ng maigi if i should go or stay at home. I tossed a coin to decide for me and well, it told me to go to school today. Actually, dapat kanina ko pa tinapon iyong coin na iyon dahil napakamalas ng araw na ito.

Pagkarating na pagkarating ko sa school, muntik na akong madapa dahil nakasalubong ko ang mga estudyanteng walang magawa at pinapatid ang mga dumadaan. Wow lang, nabiktima ako. Dahil doon, badtrip akong dumiretso sa room namin para matulog. Hindi rin naman kasi ako makakalabas ng gate once na nakapasok na ako. Pagkarating ko sa floor ng room namin, nakasalubong ko naman ang isang teacher na nakakunot ang noo. Pag lapit ko saka ko lang nalaman, napakagulo ng room namin. Hindi lang magulo, napakakalat din. Nakakadiri.

Naramdaman kong nakatingin sakin yung teacher kaya napatingin din ako. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagtitigan bago siya nagsalita.

"Class 18? Ditong room ka ba?" Sa tono ng pananalita niya, parang alam ko ng pagbibintangan niya ako. Kaya tumango na lang ako. Nagpabalik balik ang tingin niya sa room at sa akin.

Nabigla ako ng hinila niya ako papasok sa room at sinabihang linisin ang room. Sobrang nabadtrip ako lalo. Anong akala niya sakin yaya? Katulong? Taga ligpit ng kalat ng iba?! 'Bilang parte ng section 18, dapat responsable ka sa actions ng classmates mo' your effin' face!

After ko maglinis ng kalat ng IBA, dumiretso ako sa comfort room. Haggard na haggard na ako noon. Inayos ko ang mukha ko at nag alcohol. Kulang na lang maligo na ako ng pabango at sanitizer. Wala naman kasing bumalik na taga section 18 kaya ako na rin nagtapon ng garbage bag. Nilock ko na din iyong pinto, bahala sila.

Pagkalabas ko ng comfort room, may saktong bumunggo sakin. At naramdaman ko ring may tumapon sa damit ko. Saka ko naamoy ang amoy ng orange juice. Nice.

Gustong gusto ko na magfreak out. Gusto ko na magwala. I smelled like alcohol and orange. Napabalik ako sa comfort room. Sinubukan kong punasan ng wet wipes ang natapunan na part kaso it didn't worked. Paglabas ko ng cr inirapan ko na lang iyong babaing nakatapon ng juice niya kahit pa nag sorry siya. Wala din namang magagawa.

Mayroon akong kakilala sa school na laging may extra shirt dahil kasali siya sa art club at doon ako nagpunta. Hindi na ako kumatok dahil malagkit na talaga iyong orange juice sa damit ko. Diretso akong pumunta sa desk niya.

Sa loob ng art club, mga kurtina ang naghaharang sa pagitan ng mga artist na may role sa club. Iyong katulad ng president of the club, representatives and such.

Paghawi ko sa kurtina, nakita ko ang schoolpaper comic writer na si Ryler. At hindi siya nag iisa. Kasama niya si, the one and only, Angelo ng buhay mo. Hay. Bakit araw araw na lang? Mayroon silang tinitignan sa cellphone at mukhang engage na engage sila dito. Ni hindi mafeel ang existence ko. At ang amoy ng orange juice.

"Aye, Ryler. Ano yan?" Sabi ko. Pareho silang nabigla at napatingin sa akin. Tinago ni Ryler ang phone niya at binati din ako at tinanong ang kailangan ko. Bago pa ako makasagot, nakiepal na agad si epal.

"Hindi ko alam na literal na juice ang pabango mo." Pabirong sabi ni Angelo. Gusto ko man siyang irapan, alam kong hindi ako pwedeng mag portray ng kung kaninong characteristics. Ngumiti ako at sumagot.

"Iyon na nga, eh. Ryler, hihiram sana ako ng extra shirt. Now na. Medyo natutuyo na iyong juice eh." Pinagmadali ko siyang maghanap ng shirt. Alam kong meron diyan sa tabi tabi. Ang mga artists makakalat. Messy in a good way.

Bago pa siya makatayo, pinigilan siya ni Angelo. "Ako na Ryler. Tara Trish, pahiramin kita ng shirt." Lumapit siya sa akin at hinila ako palabas. Lumingon na lang ako kay Ryler para magpaalam kaso nagmamadali itong isa.

"Teka, kay Ryler talaga ako humihiram ng shirt eh." Sinabi ko sakanya habang hinihigit ang kamay ko mula sa pagkahawak niya. Pero lalo niyang binilisan ang lakad at hinila ako.

"Akala ko ba natutuyo na iyong juice dyan sa damit mo. Nasa clinic iyong bag ko." Pag inform niya sa akin.

Nakarating kami sa clinic at binigay ang shirt na ipahihiram niya. Naki cr ako sa nurse at saka doon na nagpalit. Inilagay ko sa plastic ang shirt ko after.

Paglabas ko ng clinic, nakita ko si Angelo na naghihintay. Nginitian niya naman ako. Minsan pala may side siya na mabait. But hindi ko alam if sincere act iyon.

"Hindi pa bukas ang school gate. Mukhang magtitiis tayo sa scent ng orange juice. Okay lang. Bagay naman sa iyo. Mas mukha kang sweet." Napatigil ako sa sinabi niya. Iyong part na 'magtitiis tayo' lang ang narinig kong hindi malinaw eh.

"Ha? Hindi okay lang. Lumakad ka na. Baka iniintay ka na ni Ryler doon sa club." Sinabi ko sa kaniya. Parang may balak pang samahan ako hanggang mag open ang school gate.

"Hayaan mo na si Ryler. Nag lunch ka na ba, Trish?" Tanong niya sa akin. Sinabi ko namang hindi. Hindi muna ako mag sisinungaling. Gutom na talaga ako. Inaya niya naman akong maglunch doon sa canteen.

Pumila na kami pareho dahil hindi namin alam kung ano ang trip namin kainin. Nang makapili na ako ng kakainin ko, nilingon ko siya para tanungin kung nakapili na siya. Mukha naman siyang hindi pa nakakapili dahil hindi siya sa menu nakatingin kung hindi sa isang table na may limang tao.

Tatlo sa kanila ang narecognize ko. Si Aliza, ang crush ng karamihan sa kalalakihan sa batch namin. At ang swerteng boyfriend niya ngayon, si Caleb. Kinainggitan siya ng mga lalaki dahil siya ang nakapagpasagot kay Aliza. Kasama din sa kanila si Mon. Bestfriend ni Caleb. Minsan ng nagkaroon ng issue iyang mga taong iyan. Kaya lalo silang nakilala. Isa sa mga drama dito sa school. Actually, nasangkot sa drama na iyon si Angelo. Alam ko dahil nga isa si Angelo sa potential character ng story ko. Kaya siguro ganyan siya makatingin. Ang pagkakaalam ko, isa si Angelo sa umasa kay Aliza. Hay, andrama.

Humarap ako sa kasama ko para itanong ang oorderin niya kaya lang nakatalikod na siya at hatak na ang kamay ko. Siguro apektado pa din siya sa drama. Or dahil walang masarap sa menu today.

"Teka, hindi pa ko naglulunch." Reklamo ko sa kaniya. Binagalan niya ang lakad niya saka ngumiti sa akin.

"Sa pastry shop tayo mag lunch." Pag aya niya. Pero nasa labas iyon ng school.

"Hindi pa bukas ang gate, Angelo." Tinignan ko ang orasan ko. Hindi pa nga.

"Akong bahala." Sinimulan niyang hatakin ako to somewhere pero hinatak ko ang kamay ako para maalis ang pagkakahawak niya. Pansin ko lang na kanina pa ako kimakaladkad nito.

"Kung makakalabas na ako ng school, uuwi na ako." Natigilan siya sa sinabi ko. Nilingon niya ako at for the first time ata, hindi siya nakangiti. Ang nakikita ko ay ngiting pilit sa mukha niya.

"Trish. Pwede ba? At least just this one, um-oo ka?" Hindi na ako nakasagot kundi ang tumungo. Parang desperado siya. Ano namang problema niya? Sina Aliza at Caleb. O may iba pa? Siguro nakakahiya akong kasama lalo na amoy orange ako?

Hindi ko nalaman ang dahilan niya. Dahil nga um-oo ako. Napag alaman kong tropa tropa niya ang guard sa back gate ng school. Pinalabas naman kami at kahit na malayo layo ang kailangan lakarin bago makarating sa shop, okay lang. Doon kami sa pastry shop nag lunch. Puro biro at patawa lang ang pinag usapan namin. It was so strange. To act like I'm his friend. Like we're friends. Sumakay na lang ako sa trip niya. Dahil mukhang may drama din siyang tinatago. At hindi ko alam kung pwede ito for my new story dahil nakapagdecide na ako. Siya na ang next protagonist.

°°°

She Played With LoveWhere stories live. Discover now