chapter 1: breakup

10 1 0
                                    

°°°

Nakakunot ang noo ng lalaking kaharap ko ngayon. Si Clay. He's the protagonist in this story. No, was. The story already ended a few minutes ago.

"But.. I tried my best to give you all my time. I dont understand." Sa tono ng salita niya, para na siyang iiyak. Gusto ko man maawa, kailangan ko ng tapusin ang istorya dito.

"It's not your fault, Clay." Iyon na lang ang nasabi ko. Ano pa ba ang maaari kong sabihin? Wala na, baka mabawi ko pa ang salita ko ng dahil sa awa.

"We'd just leave everything we had?" Ano bang klaseng tanong iyan, gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng galit. Mali, alam ko pala. Alam na alam ko, narinig ko na iyan eh. It really sounds so pathetic, right?

"Sorry. I had to give up. Why would I choose to keep this relationship if we both know one day it wouldn't work anymore." After saying that, I left him. Lumabas na ko ng restaurant kung saan namin napag usapan ni  Clay na magkita. Sana hindi siya umiiyak dun ngayon.

Sumakay na ako ng jeep para pumunta sa lugar kung saan ko nailalabas ang galit ko. All my emotions simula ng iwan ako ni Frank. Oo, siya ang dahilan ng lahat ng ito. Iniwan niya ako para sa iba, o iyon nga ba ang dahilan? Hindi ko kasi alam eh. Isang magulong story ang meron kami ng bwisit na iyon. Hindi ko sigurado kung magulo nga ba o sadyang ang story na iyon ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang istoryang hinding hindi ko babasahin muli.

Pumasok na ako sa entrance ng library na pinakamalapit sa bagong school na pinapasukan ko ngayon. Para na akong bagong tao pero ganoon pa din ang pangalan ko. Tricia Constantin.

Inilabas ko ang journal ko from my shoulder bag. Lahat ng bagay nandito. Lahat ng pagbabagong ginawa ko nandito. Kulang na lang, ito na ang maging buhay ko. Sinimulan ko ng isulat ang ending ng huling istorya na sinusulat ko.

***

"Some people believe that love could bond anything. They say it could make impossible things possible. That is what both of them thought. They thought love could create something between them, something real. But things didn't worked out. Their relationship lacked of love, of emotions that could have saved their relationship, that could have made their relationship stronger. Sometimes, love isn't all magical. Sometimes we have to be realistic because love isn't something that will always surely save us."

***

After writing the last sentence, huminga ako ng malalim. This is the third story I have written at oo, lahat ng iyon ay hindi maganda ang ending. Siguro sa story ko hindi dahil hindi pa naman natatapos ang istorya ng mga tauhan. They just went their separate ways. Just like us, me and that guy Clay. I had to create a way so I can go on to my separate direction. Siguro hindi na nakakapagtaka kung saan ko nakukuha ang mga sinusulat kong story. All of them are love stories in my real life. I met Clay online and I thought it would be a great story. A great sad story that started with strangers online. Believing love is so magical they thought  it would work with anything. Not caring if they lacked of everything essential to a relationship.

Bakasyon pa naman kaya nagkaroon ako ng oras para makasulat ng maikling istorya. Kung gaano kabilis mabasa ang story, ganun din ito kabilis nangyayari at natatapos. Hindi naman ako ganun kasadista para paglaruan ang emosyon ng ibang tao.

Ganito ako magsulat. Mas gusto ko ang realistic. Ang nakikita ko at nawiwitness ang story. Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko, paano kaya kung may nakakaalam nito? Na pinaglalaruan ko ang ibang tao para sa istorya? Iisipin kaya nilang napakasama kong tao. Siguro nga, pero kahit anong masasakit na salita ang ibato saakin wala ng mas hihigit pa sa mga salitang natamo ko noong nagmahal ako ng totoo.

Kung tutuosin, mas masama pa nga siya sa akin. Kinamumuhian ko siya. Dahil sakaniya, naging katulad ko siya. Pero sinisigurado ko na may dahilan ako. Sinusulatan ko lang ng istorya ang mga taong nagmamahal at nasasaktan at sa opinyon ko, mas mabuti na iyon kaysa sa ginawa niya sakin.

°°°

She Played With LoveWhere stories live. Discover now