chapter 4: back

8 1 0
                                    

°°°

First day of school. Minsan exciting. Minsan gusto mo na lang umiyak. Nakakatamad lalo ng alam mong wala rin namang gagawin sa araw na ito.

Kung iyong iba natutuwa na walang lesson sa first day, ako hindi. Feeling ko walang kwenta pang pumasok sa araw na ito. Pwede ko pang iextend ang bakasyon ko kaso mas pinili kong umattend ng "klase" today. Dahil siguro today is the day I should assess the new plot and characters of my story.

At dahil nga wala naman talagang ginagawa nor ipapagawa ang mga teachers today, pagala gala na lang ang mga students sa school grounds.

Karamihan ay nagbobonding with their squads. Iyong iba naman ay nag iikot lang mag-isa. Just like me. Siguro meron ding nabored lang sa araw na ito at naisip din ang plano ko.

Lahat ng sections ng 4th year high school ay sinabihan na kailangan umattend ng orientation next week. Kung next week pa iyon, bakit ngayon sinimulan ang klase. Kaya naisip kong next week na lang ulit pumasok, tutal iyon naman ay required para sa amin at ang mga susunod na araw sa linggong ito ay hindi.

Tanghali na ng maisipan kong magpunta sa school canteen. Lahat ng guro namin sa bawat subject ay pinapayagan kaming lumabas at mag ikot ikot pagkatapos nila magpakilala. Kaya medyo puno at masikip sa canteen ngayon. Hindi pa naman pwedeng umuwi dahil bawal lumabas ng gate ng basta basta.

Huminga na lang ako ng malalim bago pumila para bumili ng pagkain. Mabilis naman ang usad ng pila dahil karamihan sa nauna sakin ay inumin lang ang binili. Siguro kanina pa sila nag lunch.

Pagkatapos mag order ng pagkain ay naglakad ako para maghanap ng mauupuan. Nakailang ikot na ako sa canteen sa paghahanap ng may tumawag sa akin.

"Trish!! Dito!" Agad akong napalingon at nabosesan ang lalaking tumawag sa akin. Si Angelo nanaman. Bakit ba parang lagi kaming nagkikita?

Tinuturo niya ang bakanteng upuan sa table ng mga kaibigan niya. Pinilit ko namang ngumiti, wala naman akong ibang choice kung hindi lapitan sila at makiupo na din.

Ngumiti ako sa kanilang lahat at nag 'thank you' habang nilalapag sa table ang pagkain ko. Pinapakilala naman ni Angelo ang mga kaibigan niya bago ako ipinakilala sa kanila.

"Siya si Tricia Constantin. Kaklase ni Jowy last year kaya ko siya nakilala." Pakilala niya sa akin. Naalala ko iyong lalaking tinukoy niya. Isang ring makapal ang mukha. Lahat ng magaganda at natitipuhan niyang babae ipinakikilala niya sa mga kaibigan niya. Kahit hindi niya girlfriend. Siguro that was his way of being friendly. Too friendly towards people he likes only. At nagkataon noon na groupings namin at napadaan sina Angelo at pinakilala ako.

"Ah, oo. 'Yung babae na iyon. Hi Tricia." Tumatawang sabi ng kaibigan niyang pangalan ay Joe. Halatang kung ano anong pinagsasabi ng Jowy na iyon tungkol sakin. Halatang pinag usapan na nila ako. Ngumiti at nagnod na lang ako. Parang ayokong magsalita. Baka kung anong masabi ko.

Nagbalik sila sa pag uusap ng kung ano ano. Ako naman ay nagfocus sa sandwich ko. Medyo binilisan ko na din. Gusto ko na kasing umalis dito.

While I'm minding my business, naramdaman kong umalis ang katabi ko pero may bigla din namang umupo dito. Nang mapalingon akp ay nakita ko si Angelo. Ngiting ngiti. Kaya ngitian ko ng onti.

"Medyo tahimik ka ngayon ah." Sabi niya. Gusto ko sanang mag act na nagulat dahil nahalata niyang tahimik ako at hindi nag sasalita. Hay, ansarap maging sarcastic ngayon.

"Anong section mo, Trish?" Nagpunas muna ako ng bibig bago muli siyang lingonin sa tanong niya.

"Eighteen. Ikaw?" Tanong ko pabalik. Alangan namang alam niya ang sakin at hindi ko alam ang kaniya.

"Ah. Twenty seven. Magkakaklase kaming lahat ngayong taon." Tukoy niya sa mga kaibigan niya. "Si Jowy ba, kaklase mo pa din?" Sumunod niyang tanong. Andami namang tanong.

Umiling ako. Laking pasasalamat ko na lang at hindi ko na kaklase ang mokong na iyon.

"Ah, haha baka nagrepeat si gago." Gusto ko sanang matawa sa sinabi niya. Kaya lang baka magmukhang feeling close sa kanila. Hindi ko naman kilala iyong tao masyado. Hindi pa ako nakakapagsalita, nagtanong nanaman siya.

"Bumalik ka ba ng mall noon? Para kasong nakita kita sa bookstore eh." Nagulat ako. Nakita niya pala ako. Siguro hindi niya na lang ako napansin noon dahil may kasama siyang babae. Inisip ko muna ang isasagot ko. Iyong sagot ng inosente.

"Medyo. May nakalimutan kasi akong bilhing school supplies noon." Sagot ko ng may kasamang ngiti. Kung nakita niya ako. Baka nakita niya akongag attempt na magtago sa kaniya.

"Okay. Haha. Masyado siguro kitang naentertain at nakalimutan mo." At tumawa siya ng tawang assuming. Masyado talaga. Inayos ko na sa pagkakasabit ang bag ko sa balikat bago mag paalam. Baka masapak ko ito. Sayang ang itsura.

At baka maapektuhan ang istorya ko. Hindi pa dapat nagsisimula kaming maging magkaibigan, if siya nga ang susunod na protagonist.

"Aalis ka na agad? Wala pa namang ginagawa ah." Pagpipilit niya sakin na mag stay. Makipagkwentuhan daw ako sakanila pero sinabi ko na babatiin ko ang mga teachers ko last year at umalis na agad.

Sa pagmamadali ko ay may nabunggo ako sa paglabas ng canteen. Sa lakas ng pagbunggo ay nagulat ako. Narinig ko pang bumulong ng 'stupid' under his breath.

Nilingon ko ang nakabungguan ko dahil mukhang nagmamadali ata. Isang lalaking nakacap at naka jacket or long sleeves, dahil likod niya lang ang nakikita ko kaya hindi ako sure.

Naglakad na lang ako muli palabas at papuntang gate dahil malapit na mag one o'clock. Oras ng pagbukas ng gate para sa mga students na maaga ang klase. Wala na akong balak mag aksaya pa ng oras dito.

°°°

She Played With LoveWhere stories live. Discover now