chapter 3: bygone

11 1 0
                                    

°°°

Malapit na palang magstart ulit ang school. Magfofourth year na ako this coming school year. Maramirami na din akong nasusulat na plot for my stories this year. Kadalasan kasi or yung past two stories ko ay naganap sa school, last last year noong second year ako. Noong sinusulat ko ang stories at nagsisimula pa lang ako, medyo naging mahirap para sakin dahil hindi lang para makapag move on ako ay dahil nangako din ako sa sarili ko na papatunayan kong totoo at maaaring magkaroon ng love story sa totoong buhay. Pero hindi ko naman sinasabing may ending ang mga ito.

Inaayos ko na ang mga gamit ko for school dahil alam kong magiging busy ako. Mahirap din pagsabayin ang pagsulat ng stories online at ang studies. Lalo na kung most parts ng story ay isinasabuhay ko at nangyayari talaga sa totoong buhay.

Naalala ko ang unang story na sinulat ko last last year. Nahirapan ako mag move on dahil ang protagonist sa storyang iyon ay halos kapareho ni Frank. That bastard. Pero magkaiba sila. Sa kwento, ako ang nagcheat at nang iwan. Hindi si Sean. Ang first story ang naging pinakamahirap gawan ng ending para sakin dahil hindi ko talaga gawain ang manakit at manloko. Muntik na nga akong manghingi ng advice at tips noon kay Frank eh.

Sa huling istorya na sinulat ko ay iyong kay Clay. Tungkol ito sa strangers na nagmeet ng dahil sa same interest from the internet. It was kinda lame and stupid. Pero nagawan ko pa din ng magandang istorya, short nga lang. Wala kasi sa plano ko ng maisipan kong gawan ng story iyong lalaking nangungulit sakin sa fb. Minsan na nga lang kasi mag online, may nambinwisit pa. Kaya buong summer, siya ang napagtripan ko. Ilang beses din kaming nag meet ni Clay. We were never together though. It was like may thing kami for each other. Pero dahil nga kailangan ko ng ending and I need a story to post badly, I have to cut my connection with him. Make him go on to his own separate direction, alone. He doesn't need a person like me in his life and our paths were never meant to cross, or not like that. But he doesn't need to know that.

Matapos ang pag aayos ng gamit after an hour, binuklat ko na ang journal ko. I never leave without my journal. Hindi naman ito kalakihan para makapagtawag ng atensyon. Nag start akong magsulat sa panibagong page ng plot na para sa istoryang pangungunahan ng isang schoolmate, si Angelo. Pero pinag iisipan ko pa rin kung siya nga ba ang dapat na susunod na protagonist ng istorya ko. Masyado kasing mahirap manipulahin ang mga katulad niyang tao. Iyong tipo ng tao na hindi pinakikinggan ang iba kung hindi ang sarili. At masyadong bilib sa sarili.

Napabuntong hininga ako dahil mukhang mas mahihirapan ako kung magiging ganoon na nga ang sitwasyon. Kung magiging stubborn ang mga characters, kailangan kong mag adjust for the sake of a story. For the sake of convincing and proving myself.

°°°

She Played With LoveWhere stories live. Discover now