Chapter 5

12 2 0
                                    

Sunshine Montablan

Tutok na tutok ako sa telebisyon habang pinapanood ang balita tungkol sa paborito kong grupo na The Stars. Dalawang babae at lalaki ang bumubuo sa grupo nila. Kakatapos lamang ng concert ng mga ito nung isang araw ngunit hindi ako nakanood dahil hindi naman kami ganong kayaman. Sapat lamang ang perang kinikita nila mama at papa para sa aming pangkain at sa aking pag-aaral. Kakabukas pa lang kasi ng aming munting kainan na pinangalanan nilang "The Sunshine".

"Oh baby ko, bakit ka naman umiiyak?"

Agad akong napahawak sa pisngi ko at doon ko lang naramdan na basa na pala ito ng luha ko. Grabe, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nilapitan ako ni mama at umupo siya sa tabi ko pagkatapos ay pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang hinlalaki. Lalo naman akong naiyak dahil sa ginawa ni mama kaya yumakap na lang ako sa leeg niya at sinubsob ang aking mukha sa kanyang balikat.

"Baby bakit ka ba umiiyak?"

Tanong sa akin ni mama habang hinahagod niya ang aking likod.

"Mama, kasi po iyong The Stars po eh. Mama!"

Hindi ko na natapos ang nais kong sabihin dahil tuluyan na akong napahagulgol. Niyakap naman ako ng mahigpit ni mama kaya ganon din ang ginawa ko sa kanya.

"Mama, iiwan na nila ko. Iiwan na nila ako!"

Sabi ko kay mama habang tuloy pa rin ang pag-iyak ko sa balikat niya.

"Baby ano ba kasing nangyari ha? Sige na sabihin mo na kay mama. Alam mo namang ayaw ni mama na makita kang umiiyak."

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay mama at ganon din ang ginawa niya sa akin. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at laking pasalamat ko na din na hindi na muli akong umiyak. 

 "Mama, sabi po kasi nila hindi na daw po muli silang kakanta at  sasayaw. Titigil na daw po sila kasi kailangan daw po nilang tutukan iyong sariling pamilya nila."

Hinawakan ni mama ang dalawang kamay ko kaya mula sa pagkakayuko ay tumingin ako sa kanya.

"So bakit naman umiiyak ang baby ko?"

"Kasi po mama, alam niyo naman po na idol ko po sila diba. Napapasaya po nila ako at pati ang iba. Pero hindi ko po kasi maintindihan eh. Bakit pa po nila kailangang magpasaya ng mga tao kung sa huli ay iiwan at sasaktan din naman po nila ang mga ito?"

"Wow my baby is growing up na talaga. Ang tali-talino mo talaga baby!"

Agad naman akong napasimangot at sinamaan ko ng tingin si mama.

"Mama! Hindi niyo naman po sinagot iyong tanong ko eh!"

Napatawa naman si mama ng bahagya bago muling magsalita.

"Alam mo kasi babay hindi naman sa lahat ng pagkakataon nasa tabi mo ang mga taong nagpapasaya sa iyo. May mga sarili din silang buhay na kailangan intindihin. Katulad natin may pamilya tayo at ganon din sila. Dapat hindi mo kakalimutan na sila ang mga unang taong nagpapasaya sa iyo at kailangan mong pasayahin. Dapat baby, uunahin mo munang isipin ang pamilya mo kesa sa iba."

"Kaya po ba hindi niyo tinupad ang pangarap niyo dahil sa akin?"

"Yes baby. Kumbaga kahit gustong mag-perform sa stage at pasayahin ang ibang tao. Mas ginusto kong pasayahin ka at ng papa mo. Dahil para sa akin mas mahalaga ang pamilya kaysa sa pangarap."

The CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon