Chapter 10

6 2 1
                                    

Sunshine Montablan POV

Ramdam ko ang tingin na ipinupukaw ng dalawang babaeng dumadaan at lalo yung nakadagdag sa inis na nararamdaman ko. Nakaka-asar naman! Kung makatingin sila akala mo lagi na lang akong may ginagawang mali! 

"Sunshine, pansinin mo na ako please." 

Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Gosh! Nababadtrip talaga ako at hindi ko alam kung bakit?! 

"Sunshine! Yuhoo!"

Kinaway pa nito ang kamay niya sa harap ng mukha ko kaya agad kong tinabig iyon.

"Ouch naman. Ang sadista mo rin pala."

"Gosh! Sinaktan niya si Raizor?!"

"Oo nga eh! Grabe siya!"

Sinamaan ko ng tingin ang dalawang babaeng iyon. Tila naman natakot sila sa tingin ko kaya agad silang naglakad papalayo. Hay nako! Nakakabad vibes talaga! Nakakagigil! Gusto kong manuntok ng kahit ano!

Muntik na akong madulas at mawalan ng balanse ng biglang hinigit ni Raizor ang damit ko. Agad naman akong nagpumiglas at humarap sa kanya. 

"Ano bang problema mo?!"

"Hay nako kaya ka naman pala badtrip eh."

Magsasalita na sana uli ako ng bigla akong napatigil dahil sa ginagawa niya. Oh my gosh! Anong balak niya?! Bakit hinuhubad niya yung polo niya?! 

Sinimulan ko ng humakbang palayo sa kanya pero humakbang naman siya papalapit sa akin. 

"Hoy Raizor! Anong binabalak mo ha?! Huwag ka ngang lumapit sa akin!"

Bigla naman itong napangiti sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Panong hindi ako lalapit sa iyo eh nalayo ka?"

"Basta! Huwag mo akong lapitan at pede ba huwag ka ngang maghubad!"

Nginisian lang ako nito at nagpatuloy lamang sa pagtanggal ng butones sa polo niya.

"Pak naman oh."

Agad akong tumalikod at tumakbo palayo sa kanya.

"Shit! Sunshine! Huwag ka ngang tumakbo!"

Hindi ako nakinig sa kanya at tumakbo pa rin palayo. Rinig ko ang yabag ng sapatos niya senyales na hinahabol niya ako. Lumingon ako at nakita kong nahubad na niya ang polo niya at hawak na niya ito. Malapit lapit na rin siya sakin. Bakit ba naman kasi ang bilis nitong tumakbo at ang haba pa ng mga binti?!

"Pede ba Raizor huwag mo kong habulin!"

"Huwag mo muna akong takbuhan!"

"Ayoko nga!"

Sinubukan kong bilisan ang pagtakbo pero dahil sa pagod ay bumagal ang bilis ko. Hay malas. Bakit ba kasi ang bilis kong mapagod?!

Napatili na lang ako sa gulat nang maramdaman kong may pumulupot na braso sa bewang ko.

"Gotcha!"

Tila natuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa hininga niya na tumatama sa tenga ko at dahil sa posisyon namin ngayon. Para niya akong bina-back hug at nagugulo ang sistema ko dahil doon. Itinali niya ang sleeve ng polo niya sa bewang ko at bumulong sa tenga ko.

"Ang kulit mo Sunshine sabi ng huwag kang tumakbo eh. May tagos ka pa naman."

Oh my gosh....


"Sunshine."

Agad akong napatayo mula sa pagkaka upo sa bowl ng marinig ko ang katok at boses ni Raizor. Binuksan ko ang pinto ng cubicle at sinilip ang ulo ko.

"Andito na yung mga kailangan mo. YUng underwear, yung pants, tsaka yung napkin."

Tila ako ang nahiya dahil sa pagkakasabi niya ng napkin. Agad kong kinuha ang paper bag na hawak niya at saka nagsabi ng "Salamat." bago ko muling isara ang pinto at gawin ang dapat gawin.

Saan kaya nakuha ni Raizor ito? Pero mas mabuting pang huwag ko na lang isipin iyon. Buti nga tinulungan pa ako non. Mabuti na lang talaga at oras ng klase ngayon kaya malayang nakakalabas masok si Raizor dito sa loob ng banyo. Malas ko na lang din dahil sa lahat ng pedeng makakita ng ehem... tagos ko ay lalaki pa at ang malupet ay si Raizor pa iyon!! Grabe yung kahihiyang naramdaman ko kanina nung sinabi niyang may tagos ako. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan kong magkakaroon pala ako ngayon? Nakakahiya tuloy!

Inilagay ko yung pinagbihisan ko sa paper bag at lumabas na. 

"Done?"

Bahagya pa akong napatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ni Raizor na hanggang ngayon ay nandito pa pala sa cr ng mga babae.

"Andito ka pa?"

"Obviously yes. Bakit? May problema ba don?"

"Hmm. Wala naman. Ang weird lang kasi dahil banyo ito ng babae tapos nandito ka."

Umalis siya mula sa pagkakasandal sa dingding at naglakad siya papalapit sakin.

"Well I'm just curious kung ano bang itsura ng banyo ng babae. Tutal naman nandito na ako sa loob edi sinulit ko na."

Bahagya na lamang akong tumango sa paliwanag niya.

"Huwag mo ng isipin iyon. Ang mabuti pa umalis na tayo at ihahatid na kita. May kailangan ka pang puntahan."

This time hindi na ako umangal at sumunod na lamang sa kanya. Napakatahimik ng pasilyo at ang tanging tunog lamang na maririnig ay ang yabag namin. Napasimangot na lang ako at tinignan ang likod ng lalaking sinusundan ko. Hay nako! Kanina ang daldal, ngayon naman sobrang tahimik. Grabe! Napaka bipolar din talaga!

"Aray ko!" 

Agad ako napahakbang paatras at napahawak sa ilong ko na tumama sa likod ni Raizor. Aray ko naman. Ang sakit! Baka mapango ako! Ito pa lang naman ang malago sa akin. 

Humarap sa akin si Raizor at sumalubong sa akin ang nakakunot niyang noo. 

"Bat ka ba kasi nasa likod ha?! Dito ka nga sa tabi ko!"

Hinigit nito ang braso ko at sinabay niya ako sa kanyang paglalakad.

Kinurot ko ng bahagya ang ilong ko bago ko ito tuluyang binitawan.

"Raizor? Ano nga palang nung lalaking pupuntahan ko?"

"He's Raymond Cruz."

"Hmm.. So ano bang position niya dito sa school."

"Well, he's the Principal. Hindi mo lang siya na meet nung first day mo dahil inaasikaso niya yung about sa competition nung panahong yun. And--"

"Teka!"

Humarap naman ito sa akin at kinunutan ako ng noo.

"What?"

"Pano mo nalamang hindi ko siya nakita noon? Ikaw ah ini-stalk mo ako noh!", pangtutukso ko sa kanya habang nataas baba ang kilay ko. 

"Tss. Pede ba wag kang mangarap. Papaasahin mo lang ang sarili mo."

Hay nako ang moody talaga niya. Balik na naman siya sa pagiging masungit.

"Fix yourself. Huwag kang sumimangot. Nandito na tayo."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon