Chapter 6

13 2 0
                                    

Sunshine Montablan

Isang linggo na ang nakakalipas mula noong first part ng kompetisyon. Nasabi ko na rin kayla mama at papa ang tungkol doon, at tulad nga ng inaasahan ko tuwang tuwa sila. Kaya lang nung nalaman naman nila yung naging sagot ko, ayon binatukan nila ako. Dapat daw mas ginandahan ko yung sagot. Tapos nung sinabi ko na "Honest lang naman po ako.", isa na namang batok ang natanggap ko. Edi inamin ko na rin daw na tanga ako. Kaya nasabi ko na lang na "Oo nga noh.". Bigla ko tuloy naalala si Raizor non, sigurado akong pinagtatawanan ako non sa isip niya. 

"Friend! Excited na ako! Malalaman na kung anong result nung competition! I'm sure na isa ako sa mga nakapasok."                                                                                                                                                           "Yes right! Tayo pa ba?! Eh ang dali-dali lang naman nung tanong sa atin eh. Ni hindi nga ako nahirapang sagutin iyon eh."

Napatingin naman ako sa katabi ko dahil sa pag-uusap nila. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin kung ang lakas-lakas ng boses nila? Mukang napansin nila na nakatingin ako sa kanila kaya tinignan rin nila ako. 

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?!"                                                                                                                   

"Ah. Wala lang."  

Inirapan naman ako nito bago niya inusod yung upuan niya papalayo sa akin. 

"Hay nako, ang weird niya noh."                                                                                                                             

"Oo nga eh."

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ng isa sa kanila. Hay nako! Mga tao talaga ngayon masyadong judgemental! Kinuha ko na lang yung cellphone ko at naglaro ng Flappy Bird. 


"Good morning everyone!"

Agad namang nagsibalik sa kanya-kanyang upuan ang ilan sa mga kaklase ko, at agad ko namang tinago yung cellphone ko sa bulsa ko. 

"Good morning Sir Aeron.", bati naming lahat sa kanya. Kinumpas naman niya ang kanyang dalawang kamay pababa senyales na pinapa-upo niya na kami.

"So everyone? Excited na ba kayo?"

"Oo naman Sir!"                                                                                                                                                            

"Sir! Please sabihin niyo na po yung result."                                                                                                     

"Oo nga Sir."                                                                                                                                                            

"Grabe. Kinakabahan ako."

"Ok, ok. Since mukang excited naman kayong malaman kung ano ang resulta, sasabihin ko na. Pero bago yun sabay-sabay muna nating alamin ang gagawin niyo sa second stage ng competititon."

Dahil sa sinabi ni Sir Aeron ay nagsimula ng magbulungan ang mga kaklase ko. 

"What the?! May next na agad?"                                                                                                                             

"Oo nga. Bakit parang sobrang bilis naman ata?"                                                                                     

"Kaya nga eh. Nakakapagtaka din yun diba?"

"So everyone ready na kayo?"

"Yes Sir."

Kinuha ni Sir ang nakapatong na remote sa mesa at binuksan ang telebisyon.

"Good morning everyone."

"Hala?!"                                                                                                                                                                             

"Oh my gosh! Si Producer Kim!"

Maging ako ay nagulat sa nasasaksihan ko ngayon. Producer Kim. Producer Ann Kim is the one of the most prestigious producer in this world. Lahat ng grupong binuo niya ay naging kilala hindi lamang dito sa Pinas kung hindi na rin maging sa ibang bansa. At talaga namang ipinagmamalaki ang paaralang ito dahil madaming mga magagandang grupo ang napasikat nila sa tulong na rin ng isa sa magagaling na producer na si Producer Kim. 

"My name is Producer Ann Kim. Nakarating sa akin ang balita na may gaganaping panibagong kompetisyon sa inyong paaralan. Bilang isa sa mga suking producer ng Samaniego Art School, isa ako sa mga magha-handle at tutulong upang mabuo ang bagong grupong tatangkilikin ng bawat isa. Nandito ako para ipa-alam sa inyo kung ano nga ba ang mangyayari sa second round ng kompetisyon. Tatawagin itong  "The Chance", ang mag natalo sa unang round ay mabibigyan ng pagkakataon upang makabalik muli sa kompetisyon.  Pero, asahan niyo na rin na mas magiging mahirap ang kakaharapin niyong challenges."

"Samantalang ang mga nakapasa naman sa unang round ay wala ng ibang aalahanin kundi ang makapasa pa sa mga susunod na round. Magkakaroon rin ng konting pagbabago, dahil ang mga iniidolo niyong miyembro ng The Cheaters ay sasali rin sa kompetisyon. Katulad niyong lahat ay nagdaan rin sila sa unang round ng kompetisyon, at base sa mga judges, lahat sila ay nakapasa. So everyone goodluck and jave a good day."

Pagkatapos yun sabihin ni Producer Kim ay agad ring naging blanko ang TV, kinuha naman ni Sir Aeron ang remote at pinatay ang telebisyon. Mistulang naging bubuyog ang mga kaklse ko dahil sa bulungan na kanilang ginawa. Hay nako! Grabe pala talaga ang mga pasabog ng school na ito. Pero para sa akin maganda na rin ang kanilang desisyon tungkol sa mangyayari sa second round. At para sa akin patas na rin iyon dahil kasali ang lahat ng estudyante sa kompetisyon. 

Ang pagpalakpak ni Sir Aeron ang muling nagpabalik sa akin sa reyalidad. 

"Everyone! Handa na ba kayong malaman kung sino ang mga nakapasa sa first round?!"

"Yes Sir!"

Masigla naming sagot sa knaya. Sa tingin ko hindi lamang ako ang natuwa sa napanood namin kundi maging ang mga kaklase ko na rin. 

Kinuha ni Sir yung isang maliit na folder na nakapatong sa lamesa.

"Ang mga pangalang babanggitin ko ay ang mga nakapasok sa first round ng kompetisyon."

"Chealsey Domingo."

"Shane Manto."

"Drake Charles."

"Troy Domingo."

Nagsimula na akong makaramdam ng kaba dahil hindi pa rin nababanggit ang pangalan ko. KAhit pa sabihin nating magkakaron ng second chance ang mga natalo, mas gugustuhin ko pa ring makapasa na agad sa first round para wala na agad akong iintindihin pang iba. Muli na lamang akong nakinig kay Sir Aeron.

"Kim Lee."

"Lalaine Chua."

"Sam Castro."

"Hanny Malabanan."

"Jan Sanchez."

Gosh. Please po Papa God. Sana po nakapasa ako sa competition. Please. Please. 

"Drew Navate."

"Alex Fajardo."

"Mike Samaniego."

"And last but not the least."



"Sunshine Montablan."

The CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon