Chapter 9

8 2 3
                                    

Sunshine Montablan POV

Isang sampal naman sa kaliwang pisngi ang natanggap ko mula dito sa babaeng bigla na lang sumugod sakin dito sa loob ng banyo. Kung kanina ay nagulat ako dahil sa pagtulak niya mas nagulat naman ako dahil sa biglaang pagsampal niya sakin. Agad kong hinawakan ang magkabilang balikat niya at itinulak siya papalayo sakin. Grabe, ang sakit na ng magkabilang pisngi ko dahil sa mga sampal niya!

"Teka nga Miss?! Ano bang problema mo at nananampal ka na lang bigla ha?!"

"Ha?! Ako pa talaga ang tinanong mo kung anong problema ko ha?! Well for your information, pinahiya mo lang naman yung boyfriend ko kanina!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinigit niya naman ang buhok ko at sinabunutan ako ng napakalakas. Aray ko naman. Ang sakit. Pakiramdam ko matatanggal na yung anit ko dahil sa lakas ng pagkakasabunot niya! Hinawakan ko ang dalawang braso niya na pinangsasabunot sakin at tinuhod ko siya sa sikmura. Dahil doon ay napabitaw siya sakin at namilipit sa sakit. 

Agad kong kinuha ang pagkakataong iyon para makalayo pero bigla niyang hinigit ang kanang paa ko kaya napasalampak ako sa sahig. Agad siyang umupo sa likod ko at sinabunutan ang buhok ko.

"Hayop kang babae ka! May balak ka pa talagang takasan ako!"

"Aray ko! Pede ba huwag sabunutan ang buhok ko!"

Pero imbis na bitawan niya ang buhok ko ay mas lalo niyang nilaksan ang paghihit dito. Sinubukan kong gumulong pero hindi man lang ako naka-alis sa pwesto ko dahil sa bigat niya. Grabe! Ang sakit, feeling ko mababali yung buto ko dahil sa sobrang bigat niya! Gamit ang siko ko ay pinilit kong sikuin siya ngunit dahil na rin sa sobrang likot niya ay naiwasan niya lang ito.

"Aray ko! Bitiwan mo kong babae ka! Tulong tulungan niyo ko!"

Agad akong napadaing ng bigla niyag hinigit ang buhok ko. Gamit ang isang kamay niya ay pinantakip niya iyo sa bunganga ko.

"May balak ka pa talagang humingi ng tulog ha!"

KInuha ko ang pagkakataong iyon para kagatin ng napakadiin ang kamay niya.

"Awwwwww!!!!"

Agad akong gumulong paharap sa kanya kaya medyo nawala ang balanse niya at ginamit ko ang pagkakataong iyon para itulak siya. Bumungon ako mula sa pagkakahiga at tinakbo ko na ang daan palabas ng banyo, buti na lamang ay hindi agad siya nakatayo agad kaya naunahan ko siya palabas.

"Hayop kang babae ka! BUmalik ka dito!"

Padabog kong sinara ang pinto at pinalano ko ng tumakbo ng mapansin ko ang kumpol ng estudyante nakapalibot sakin. NIlibot ko ang paningin ko sa kanila at nakita ko sa bandang gilid si Raizor na nakangiti pa sakin habang kumakaway. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likod ko kaya agad akong naglakad ng ilang hakbang pauna para makalayo.

"Hoy babae bumalik ka nga dito!"

Nang maramdaman niya ang mga tao sa paligid namin ay tinignan niya ang mga ito.

"Anong tinitingin-tingin niyo diyan ha?!"

Nakarinig ako ng pagtikhim sa likod ko kaya agad naman akong napatingin dito. Isang lalaki na may sakamin at mukhang matanda ang sumalubong sakin. 

"Ms. Sam ano na namang kaguluhan ang ginawa mo dito at dinamay mo pa itong transferee?!"

Agad akong napayuko dahil sa intensidad ng boses niya. Pasimple ko ring sinulyapan ang babaeng nagngangalang Sam at nakita ko ring nakayuko siya katulad ko. 

"Sorry po--.."

"Sorry! Sorry! Sorry! Ms. Samantha! Ilang beses ko ng narinig sa iyo mga salitang iyan ngunit wala ka pa ring pinagbago! I want to talk you! Go to my office now!" 

Nakita ko naman ang agad na pagtugon ni Samantha sa sinabi ng lalaking nasa gilid ko na ngayon.

"And you!" ,agad akong napaharap sa kanya ng sabihin niya iyon.

"Kailangan din kitang maka-usap. Five minutes from now gusto kitang makita sa loob ng office ko! Do you understand?!"

"Yes Sir!", sagot ko sa kanya habang sumasaludo pa. Narinig ko ang pagtawa ng ilang estudyante pero mas nangibabaw sa lahat ng iyon ang pagtawa ni Raizor. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko at muling yumuko. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kabaliwang nagawa ko. Tangek ka talaga Sunshine. Ang epic mo!

"At bakit kayo tumatawa?!"

Tila may dumaang isang anghel dahil sa biglaang pagsigaw niya noon. Wow ha. May powers ata itong si Sir eh? 

"Raizor come here!"

Muling napa-angat ang tingin ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ng pang-ahit na iyon. Nakita kong tumingin sa akin si Raizor at ngumit pero inirapan ko lang siya. Peste siya! Kung maka-ngiti akala mo close kami eh pinagtawanan niya nga lang ako kanina!

"Gusto kong samahan mo siya papunta sa office ko. Is that clear?"

"Yes Sir!" sagot niya habang ginaya ang ginawa ko kanina. Kita ko ang lihim na pagtawa ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Nakaka-asar! Ginigigil talaga aka ng lalaking ito! Agad ng tumalikod si Sir na hindi ko pa rin alam ang pangalan at nilisan na ang lugar. Samantalang naiwan naman kami dito. 

"Everyone go back to your rooms!"

Tila naman isang maamong pusa na sumunod ang mga estudyante sa sinabi niya dahil agad silang nagsi-alisan at nilisan na ang lugar. Nang kaming dalawa na lamang ang matira doon ay agad ko siyang sinipa sa kanang biniti niya.

"Aww. Para saan naman iyon?!"

"Well, para iyan sa pagtawa mo sakin! At ito." , isang pang sipa sa kaliwang binti niya ang binigay ko sa kanya. 

"Para naman iyan sa panggagaya mo sakin! Epal ka talagang lalaki ka! Nakaka-asar ka! Nakaka-gigil!"

Pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya ay tinulak ko naman siya at agad na akong naglakad papalayo sa kanya. Kaya kong magpunta sa office mag-isa! Magtatanong na lang ako ng direksiyon sa iba! Tutal, hindi ko naman kailangan ng tulong niya.

"Hey Sunshine! Wait for me!" 









The CheatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon