Uyy crush dapat crush mo rin ako para fair. Share ko lang.. Ang hirap pala pag hindi ka gusto ng crush mo kasi gusto pa rin niya yung ex niya!! Ang saklap eh!!!
Sunshine Montablan POV
Mali. Mali. Mali! Paulit-ulit ko iyong sinabi sa sarili ko pagkalabas ko pa lang ng cafeteria. Pinili kong manatili na lang muna sa isa sa mga cubicle sa banyo dahil alam ko na sa paglabas ko dito ay katakot-takot na bulungan lang ang maririnig ko tungkol sa katangahang ginawa ko kanina. Ikaw naman kasi Sunshine eh. Ano bang pumasok sa isip mo at sinagot-sagot mo si Raizor ng ganon. Iyan tuloy mamomroblema ka na naman uli. Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago tuluyang lumabas sa cubicle na pinagtataguan ko.
"Girl, alam mo ba I really hate her na."
Agad akong napatakbo pabalik sa cubicle na nilabasan ko kani-kanina lang. Mabilis kong isinara ang pinto kung kayat naglikha iyon ng malakas na tunog. Hay nako, hindi pa rin pala ako safe! Akala ko pa naman wala ng papasok dito!
"Okay. What was that?"
Rinig kong sabi ng isa pang di kilalang tinig mula sa labas.
"Well siguro nagkadiarrhea siya kaya nagmamadali siyang pumasok muli don sa banyo?"
Agad naman akong napangiwi dahil sa naiisip na dahilan nung babae. Ano ba naman yan, ang pangit nung napili niyang dahilan ah.
"Oh my gosh! Ang kadiri naman non!"
Oo nga. Agree ako sa iyo girl.
"Ano ka ba girl. Iba na nga lang yung pag-usapan natin. As I was saying. Ang kapal talaga ng mukha nung babaeng yun para pagsalitaan si Raizor ng ganon! Kung maka-asta akala mo ukngi sino eh bagong salta pa lang naman siya!"
Hay nako. Buti na lang talaga at nakapasok agad ako dito. Dahil kung hindi baka pag-initan pa ako ng mga babaeng iyan.
"Well, tama ka. Nakakaaduwa nga siya. Sorry na lang for her dahil lagot talaga siya sa mga fans ni Raizor, lalong-lalo na kay Sam!"
"Oo nga eh. Adik na adik pa naman iyon kay Raizor! Tanda mo pa ba yung ginawa niyang pananakot dun sa isa sa mga transferee na lapit ng lapit kay Raizor? Hindi na nga siya nakabalik dito eh."
"Yap, naaalala ko pa iyon. Saka hindi ba ang weird nun. Ni wala tayong nakuhang balita tungkol sa kanya after non."
"Gosh girl wag na nga lang nating pag-usapan iyan! Kinikilabutan ako eh!"
Kahit ako ay nakaramdam ng kba tungkol dun sa babaeng nagngangalang Sam. Ganon ba talaga siya kaadik kay Raizor? Napapa-isip tuloy ako kung ano nga ba yung ginawa niya dun sa transferee,
"Ako nga rin eh. Ikaw naman kasi eh pina-alala mo pa. Tara na nga umalis na nga lang tayo dito at malapit na yung next class."
Kasunod noon ay wala na akong ibang narinig kundi ang tunog ng sapatos nila palabas at ang pagsara ng pinto. Agad akong lumabas ng wala na akong marinig na ibang ingay mula sa banyo.
"Hay grabe! Ang init!"
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko't pinamunas iyon sa pawis ko. Pinamaypay ko rin ito para naman kahit papaano ay mapreskuhan ako. Tinignan ko ang relo ko at nakita kong malapit ng mag time. Hay no choice na ako kung hindi lumabas dito.
Agad kong binuksan ang pinto at akmang lalabas na ng may bigla na lamang nagtulak sa akin papasok.
"So dito ka lang pala nagtatago. Mabuti naman at nakita na kita."
Raizor Samaniego POV
Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad dito sa library. Agad akong napangiti ng maalala ko ang nangyari kanina. Hay nako nakakatuwa naman. May bago na naman akong pagtitripan sa buong school year na ito. Napapa-isip tuloy ako kung aalis na ba yung babaeng iyon sa school na ito? Pero sana huwag naman, ni hindi pa nga ako masyadong nage-enjoy tapos mawawala na siya.
Kinuha ko ang isa sa mga librong nahawakan ko at binasa ang nasa likod nito. Hmm. Mukhang maganda itong story na ito ah. Sinimulan niya na uling maglakad habang bitbit ang librong napili niya. Pagka-upo pa lang niya sa isa sa mga upuan doon ay saka pa lamang niya binasa ang pamagat ng aklat. "The Fault In Our Stars by John Green". Sinimula ko ng basahin ang aklat. Well, maganda nga yung story kaya naman napagdesisyon ko na ibalik na lang ito sa shelves at bibili na lang ako ng bago mamaya sa National Bookstore. Atleast pag bumili ako akin na talaga iyon wala ng makaka-agaw. HIndi ko na kailangan pang humiram sa iba.
Agad akong naglakad papalabas sa library pero bago pa ako makalabas ay napukaw ng atensyon ko ang librarian na si Ma'am Lea habang nakasilip sa kurtina.
"Anong meron?", pagtatanong ko sa kanya.
Agad siyang napatingin sakin at bahagya niyang hinawi ang nakaharang na kurtina. Mula dito ay kita-kita ko ang mga estudyanteng nagtatakbuhan. Anong meron? May artista ba? Agad akong lumabas sa library at hinigit ang isang babae na tumatakbo.
"Ano bang meron?"
Bahagya pa itong nagulat at natulala ng makita ako, pero agad ko siyang sinamaan ng tingin kaya napayuko ito.
"Ahm. Ano po kasi eh. Si Sam daw po nandon sa loob ng cr kasama yung transferee."
Agad kong binitawan yung babae at malalaking hakbang ang ginawa ko papunta dun sa pinangyayarihan ng gulo.
This one will be a very good show to watch.
BINABASA MO ANG
The Cheaters
Teen FictionThe Cheaters, isang grupo na kinabibilangan nila: Candy Demayo, ang tinaguriang "C"ute girl na kagigiliwan Hanz Yeon, ang "H"andsome boy na hinahangaan Eliza Beth, ang "E"legant girl na malalapitan Ayzen Milan, ang "A"rrogant bo...