Chapter 7- Good Samaritan

6 0 0
                                    

Daryl's POV

Sunday ngayon . My day off

Our day off

At dalawang araw na din ang nakalipas pagkatapos nung pagkikita namin ni Celine na hindi man lang ako sinipot

And i am that curious about her kaya ko siya niyaya sa cafe para mag usap

Hindi ko pa kasi alam lahat ng nangyari simula nung umalis siya dito sa bansa

Gusto ko sanang alamin lahat tungkol sa kaniya

Kamusta na ba siya at sino na ang guardian niya ngayon...

Gusto kong tanungin kung naka move on na ba siya at tuluyan ng nakalimot sa lahat ng masamang nangyari dito nung mga high school pa kami

Sobrang sakit nun para sa aming dalawa nung nagkahiwalay kami

Ilang araw akong hindi lumabas ng kwarto ko nung wala akong nadatnan na Celine sa bahay nila

I feel so useless kasi hindi ko man lang natulungan si Celine sa kagagawan ng mga magulang ko

Kung pwede lang sanang palitan ang magulang ginawa ko na

Para hindi na magalit sakin si Celine

Haisst..

Bakit ba kasi sila pa.. arrrghh!

...

Medyo bored ako kaya kinuha ko yung cellphone ko

Dinial ko yung number ni Celine

...

Celine's POV

Andito ako ngayon sa condo ko
Mag isa . Walang kasama

Pero kahit ganon sanay na ko

I dont need anyone to be on my side

Because this days no one stays permanent

At ayoko ng magpapasok ng kung sinong tao sa buhay ko para iwan lang at saktan

Ayoko na...

Phone ringing ...

Huh?

Unknown number to ah?

I answered the call

Hello -other line

Whos this??- me

Brylle. -other line

How did you get my phone number huh? Stalker!- me

Oh teka lang Miss hindi ako stalker ah. Hindi ako masamang tao . At wala akong balak gawin sayong masama . Promise kahit ikamatay ko pa- Brylle

I dont care! Back off! - me

Sabay end nung call

At sinong nagsabing hindi siya stalker??

Hindi pa ba pang iistalk yung ginagawa niya??

The hell ..

Pano niya ba nakuha yung phone number ko?

Ah alam ko na.

...

Daryl's POV

Haiisst...

Busy ang kabilang line.

Sino kaya katawag nun?

Naunahan pa ko . Anyways wag na lang .sigurado naman kasi akong hindi niya yun sasagutin eh

Siya pa..
Napa ka heartless na niya ..

Cold person pa.

Ayoko ang pagbabagong naganap sa kaniya

Sobrang natapangan siya.
Maldita na rin

Naalala ko kasi nung time na nakita ko siya sa coffee shop

Papunta na sana ako ng coffee shop at nandun ako sa kabilang kanto nung time na yun

Nakita kong may tumabi sa table niyang lalaki

At nagulat ako . Sinuri ko munang mabuti kung anong mangyayari

Lalapitan ko na sana sila kaya lang

Biglang tumayo si Celine .
May sinabi siya pero hindi ko yun alam

Tsaka siya lalabas ng cafe kaya ako tumago sa likod ng kotse ko

At yun..

Sobrang maldita niya .at for sure sinungitan niya yung lalaking tumabi sakaniya

Tsk tsk.

Pano ko siya matutulungan

Kung siya mismo hindi niya matulungan ang sarili niyang makalimot sa lahat

Kayang kaya naman niyang limutin yun pero hindi niya lang alam kung paano

Naunahan siya ng galit at paghihiganti

Napuno ng galit ang puso niya

Puso niyang dati pagmamahal lang ang nalalaman..

Pusong dati ako ang NILALAMAN

...

Nandito ako ngayon sa kotse ko. Nag iisip ng pupuntahan

Ayoko munang mag stay sa condo

Nakakayamot kasi . Walang magawa

Tutal sunday naman  ngayon..

Pupunta nalang ako ng center..
Kung saan nandun yung mga batang may sakit,mga batang bilang nalang ang oras,

...

Ilang minuto lang nakarating na ako sa center na yun

Pumasok na ko at pinagmamasdan ang mga batang ito...

Mga batang sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman nananatili parin silang masaya at hindi nawawalan ng pag asa

Kahit bilang na ang mga oras ay patuloy na nagpapatuloy at parang nakalimutan ang nararanasang hirap

I wish...

Sana ganito rin si Celine

Matapang,masayahin parin sa kabila ng lahat..

Pero hindi eh.

Hindi ko alam kung pano ko siya matutulungan

Lalo na ngayon na kailangan niya ng karamay

"Kuya , kuya" sabi ng biglang lumapit sakin na bata

"Ano yun baby?" Tanong ko

"Maglaro po tayo . Sali ka po samin"

"Ah huh? Hi-hindi kasi ako marunong ng laro niyo eh"pagsabi ko ng totoo

Eh pano kasi yung nilalaro nila chinese garter

"Eh kuya tuturuan ka po namin"pangungulit niya

"Haiisst sige na nga " at lumuhod ako para maging kalevel ko lang siya 

",kung hindi ka lang cute eh"

"Yeyy!salamat po kuya,tara na po dun sa kabilang room" Excited na sabi  nung bata at tinawag niya mga kalaro niya para pumunta sa kabilang play room

...

Celine's  POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng center

Dito ko napiling pumunta ngayong sunday

Gusto ko lang ngumiti kahit sandali

At gusto kong magpangiti ng mga batang hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa paring ngumiti sa kabila ng lahat..

Hindi pa rin sila nawawalan ng pag asa..

Di tulad KO ...

Mahina parin pero pilit na nagiging matatag


...........

Unwanted RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon