Celine's POV
"Alam mo Celine? Nasasayangan ako sa pinagsamahan natin. Tinapon mo lang kasi eh . Alam mo kung ano yung mga sakripisyo ko para hanapin ka? Ha? Pero pano mo ba malalaman kung ganyan ka na. Nagbago at umaastang di mo ko kilala. "
"Celine.. gusto ko lang naman sabihin sayong miss na kita. Gusto ko lang naman makapagkwentuhan uli tayo gaya ng dati.."
"Dati? Ano bang sinasabi mong dati? yung pagpatay ba ng tatay mo sa tatay ko? O yung dahilan kung bakit namatay ang nanay ko? Siguro kung may gusto akong ibalik hindi yung dating ako. . Yung buhay ng mga magulang ko na sinayang lang ng pamilya mo! Galit na galit ako Daryl! Galit na galit ako sa mga magulang mo! Sa pamilya mo! Nandidiri ako sa kanila! " habang nakatitig lang siya sakin at naaawa
"Pero hindi ko naman kasalanan kung bakit namatay ang mga magulang mo Celine."
"Stop . Wag mo ng ungkatin ang lahat . " pagsabi ko nun ay di na siya muling nakaimik pa
Akmang aalis na sana ako nang hinigit niya uli ang braso ko.
Iba ang pagkakahawak niya sa braso ko kumpara kanina. Ngayon ay mas mahigpit na parang nagagalit..
At iniharap niya ako sa kanya
Magkalapit ang mga mukha namin
Habang hawak hawak niya parin ang braso ko.Bigla niya akong hinalikan.
Isang marahang halik.
Halik na para bang sinasabi saking patawad.
Isang halik na punong puno ng sakit.
Sa halik na to . Muling bumalik sakin lahat ng pinagsamahan naming dalawa ni Daryl.
Naramdaman kong may luhang tumulo sa mga mata ko
..
..
..
.
Daryl's POVNaramdaman ko ang luha sa mga mata ni Celine. At alam ko ang ibig sabihin nito.
Humiwalay siya sa akin at tumalikod.
"Celine..." tawag ko sa kaniya habang nakatalikod mula sakin.
"Maling mali to Daryl.." sabi niya habang nakatalikod sakin.
Lumayo na siya mula sa akin at sumakay sa kotse niya...
Ako naman pumunta na rin sa kotse ko at pinaharurot na ito pauwi..
............
Nandito na ako ngayon sa Condo ko. Kasama ko si Julian , kaibigan ko para uminom dito
Hindi na muna ako dumiretso sa bahay"Naaalala ko parin ang mga sinabi ni Celine sa akin kanina sa Resto" paninimula ko habang kinuha ko ang baso ng alak at ininom .
"Ano raw ba pre ?" Tanong ni Julian sa kin
"Mahabang kwento . Pero ang nangingibabaw sa kaniya yung galit niya sa pamilya ko.. pero wala naman akong kinalaman bakit kailangan pati ako kamuhian niya? "
"Kaya ikaw ang binalikan niya? Baka sa yo maghihiganti .tss. delikado ka pre"
"Hindi ko rin alam. Hindi parin malinaw sakin lahat. Marami pa akong hindi nalalaman."
.
.
Marami pa akong dapat itanong at malaman tungkol sa mga magulang ko at sa pamilya ni Celine.Pero ang HALIK na yun ang hindi ko malimutan
.......
BINABASA MO ANG
Unwanted Revenge
Randomwhat if? she came back . but NOT THE SAME GIRL i met before.....