I.

45 0 0
                                    


This would be the first chapter of my new story, lost stars. And yes, the OST for this book would be the song itself "Lost Stars" covered by my husband, Jungkook.

And I just wanna introduce you guys to the STARS. 

Forgive the poor edit, bitches

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Forgive the poor edit, bitches. HAHAHAHA well para mas mukang out of this world sila kinuha ko yung mga pics nila from their song BST or them wearing contacts. But anw, enjoy!

From yours truly, 

Mrs. Jeon

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Mina anong ginagawa mo?! Ayusin mo naman!" sigaw ng instructor ni Mina. Pinapraktis ni Mina ang kaniyang piece ng halos 5 oras na. "Hindi ko akalaing nag baballet ko for 11 years yet you still tend to make mistakes like that!" dagdag pa nito.

Nakatungo lang si Mina habang sinesermonan ng kaniyang instructor. Hindi siya sumasagot rito habang sinesermonan siya dahil alam niyang may marereceive siyang parusa dito.

"Sorry po." Ani ni Mina matapos magsalita ng kaniyang instructor.

"Puro ka nalang sorry. Ayusin mo! Jusko! In 2 weeks competition na. So ano, ganiyan ang ipepresent mo sa competition day?" sarcastic na tanong ng instructor.

"Hindi po." Matipid na sagot ni Mina.

"Well then, do it right! Gosh!" sabay alis ng instructor niya sa tabi niya.

Napabuntung-hininga si Mina pagkaalis na pagkaalis ng kaniyang instructor. Naiinis siya sa sarili dahil nagkamali nanaman siya.

Totoo ang sinasabe ng instructor. In 2 weeks national ballet competition na. Si Mina ang magrerepresenta ng school nila para sa national ballet competition. Araw araw nagpapraktis si Mina ng kaniyang piece. 8 oras araw araw pero nagkakamali pa din siya.

"Hays." Sambit ng dalaga. Pagod na siya sa paulit ulit na sayaw niya pero pinilit niya ang kaniyang sarili na umulit muli sa umpisa.

"Kaya mo yan, Mina." Sabi niya sa kaniyang sarili.

*********************************************************************************************

Samantala...

(SA GALAXY)

"Wag mong gawin yun! Magpaalam ka nalang ng maayos, V." Sabi ni Jungkook sa kapwa niya star.

"Malabo yatang payagan ako ng pinuno kung magpapaalam ako ng maayos." Sabi ni V.

"Mas magagalit siya sayo kung bigla ka nalang mawawala. Mas okay pa din na magsabe ka sakanya malay mo naman payagan ka ng pinuno." Sabi pa ni Jungkook.

"Gusto ko lang naman maranasan mamuhay bilang isang tao. Kung pano ba sila mamuhay? Anong pakiramdam bilang isa sakanila?" nakasimangot na sabi ni V.

"Alam ko V kaya nga kausapin mo ang pinuno mamaya. Malay mo payagan ka niya ipa-birthday niya man lang sayo." Paliwanag ng kaibigan niyang si Jungkook.

"Sana nga. All these times naman lagi akong nasunod sa utos niya. Never ko siyang sinuway kaya sana nga... sa darating kong birthday payagan niya ako sa gusto kong mangyari."

"Yun na nga eh diba. Never kang sumuway sa mga gusto niya kaya isa ka sa mga paborito niya eh. Kaya sigurado akong papayagan ka ng pinuno pag nagpaalam ka ng maayos." Sambit ni Junkook.

Sa araw araw kasi na kasama ni V ang pinuno, lagi siyang kinekwentuhan ng pinuno tungkol sa buhay ng mga tao sa ibaba. Sa araw araw na yun, araw araw din na-curious si V kung pano ba mamuhay pag nasa ibaba. Gusto niyang maranasan bilang isang tao kahit na saglit na oras lang.

"Sige mamaya tatanungin ko siya."

*********************************************************************************************

Back to Earth...

"Ms. Mina, derecho na po ba tayo sainyo?" tanong ng driver ni Mina. Tapos na siya sa kaniyang practice ngayong araw. Bukas naman ulit.

"Opo." Matipid na sagot ni Mina sa kaniyang driver.

Mayaman sila Mina pero isa siya sa mga taong nasakanila na nga ang lahat pero hindi naman siya masaya.

Pagdating ni Mina sakanila, pagkapasok na pagkapasok palang niya sa sala naririnig niya na agad ang bangayan ng kaniyang mga magulang. Sigawan sa isat isa na walang katapusan.

Nang makita siya ng isa sa mga katulong agad siyang nilapitan nito. "Kain na po kayo, Ms. Mina. May pagkain na pong nakahain sa dining room."

Nginitian lang ni Mina ng matipid ang katulong. "Hindi po ako gutom."

Napaling nanaman ang tingin niya sa kaniyang mga magulang na di man lang napansin ang kaniyang pagdating. Napabuntung-hininga siya saglit saka umakyat na sa taas patungo sa kwarto niya.

Araw araw nalang na nag aaway ang kaniyang mga magulang. Araw araw na uuwi siya mula sa practice ganito maabutan niya. Hindi na siya magugulat kung maghihiwalay man itong dalawa pag dumating ang araw.

"Hays. Lagi nalang bang ganito?" sabi niya sa sarili.

Nahiga na siya sa kaniyang kama. "Sana po bigyan niyo ako ng dahilan para maging masaya. Mapangiti inspite sa mga problemang nararanasan ko ngayon." Hiling niya bago matulog.

Lost Stars || k.thWhere stories live. Discover now