IV.

23 0 0
                                    

Hello hello. Another update! Sorry if natagalan. I'm so excited na mag June 13 for BTS FESTA huehue anw, enjoy.

From, 

Mrs. Jeon

***************************************************************************************

"Hey, Mina!" sigaw ng isa sa mga classmates niya.

Napaangat lang ng tingin si Mina sa kaklase. "Rinig ko malapit na daw bumagsak business niyo, ah? Kaya pala kung saan saang business trip na kumakagat daddy mo." Sabay tawanan ng mga kaklase niya.

Walang emosyon na ngumiti si Mina. Hindi nalang niya pinansin ang mga kaklase. Matagal naman na din siyang binubully nitong mga ito. Isang dahilan lang naman kung bakit... inggit.

Hindi kasi nila matanggap na si Mina ang natanggap para mag represent ng school nila sa national competition. "Siguro ilang daang libo binayad ng mommy mo para ikaw mag represent ng school natin, no?" sabi pa ni Venus.

Si Venus, isa din sa mga kilalang ballet dancer sa school. "Malaki siguro ginastos nila at binayad kay Ms. Jem para ikaw ang piliin."

Ngumiti lang ulit si Mina at tinignan si Venus. "Balita ko kasi talent ang pinagbasehan nila sa audition."

Nawala ang mga ngiti ni Venus sa muka pati na ng mga kasama niya. "Talent?! Ha! Talentess ka kaya. Puro ka lang ganda."

"Salamat." Matipid na sagot ni Mina.

Gusto sanang sabunutan ni Venus si Mina sa sobrang inis kaso di niya magawa. "Porket malakas lang mama mo sa Dean ng school natin... wag ka masyadong maging kampanteng babae ka."

Hindi na sinagot ni Mina ang kaklase. Ganito naman talaga buhay niya araw araw sa school eh. Binubully siya porket maraming connection family niya sa industriyang to.

Wala siyang friends sa school. Nagkakaroon naman pag may kailangan lang. Pero okay lang kay Mina yun. Tanggap na niya yun, matagal na.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

"Mina, hinahanap ka na ni Ms. Jem kanina pa." tawag sakanya ng isa sa mga kasabayan niyang mag practice. Si Sana. Si Sana isa din sa mga tinetrain ni Ms. Jem magkaiba nga lang sila ng competition na sasalihan. Siya ballet, si Sana gymnastic.

"Oo, pupunta na ako." Sagot ni Mina.

"Iintayin na kita. Sabay na tayo." Ngiti sakanya ni Sana. Si Sana friendly talaga ang pag-uugali niya. Sa buong school ni Mina si Sana lang nakakausap at nakakasundo niya. Nababaitan din si Mina sakanya. Hindi siya gaya ng iba na walang ibang ginawa kundi mainggit at magpalaganap ng kung anu-anong chismis.

"Sige, wait lang ah." Nag aayos pa kasi si Mina ng mga gamit niya. End of classes na kasi.

"Okay lang ano kaba, take your time." Sabi ni Sana na nag-iintay pa din sa labas. Nginitian ni Mina si Sana sa kabutihang pinapakita nito.

"Tara na." yaya ni Mina.

Habang naglalakad silang dalawa papunta sa practice room na nasa kabilang building pa naisipang tanungin ni Mina si Sana. "Sana, wala ka bang hiling sa buhay?"

"Ha? Bakit mo naman yan natanong?"

"Wala lang." matipid na ngiti ni Mina sa kasama. "Ako kasi, mababaw lang hiling ko sa buhay, magkaroon ng dahilan para ngumiti araw araw."

"Hindi pa ba ako sapat?" pagjo-joke ni Sana. Natawa tuloy si Mina sa sinabi niya.

"Baliw ka talaga." Sagot niya kay Sana.

"Alam mo marami namang talagang dahilan para maging masaya. Pero kung gusto mo talaga yung tipong ngingiti ka araw araw, eh, pwede mo namang hilingin yung sa itaas. Ibibigay niya yun sayo." Nakangiting sagot ni Sana.

Nginitian lang ni Mina si Sana sa sinabi sakanya. Sana nga bigyan siya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

(SA GALAXY)

"Jin!" sigaw ni V. Alam niyang maling move dahil nasa library sila. Lahat tuloy ng mga tao napatingin sakanya. Pero di naman siya sinaway dahil alam ng librarian na mas mataas ang posisyon sakanya ni V.

"Ay, sorry." Sabi ni V. Agad na dumerecho siya kung saan nakaupo si Jin. Napansin niyang kasama nito si Jimin at Suga.

"Pinagpaparte-partehan niyo na ba yung mga wishes?" tanong ni V sa tatlo.

"Oo. Para maayos na lahat bago pa namin ipasa sa pinuno. Para din di na magkalito-lito kung sino ang dapat na naka-assign." Paliwanag ni Jin.

"Ah, kaya." Pagsang-ayon ni V. "Ay, nga pala, Suga, pinapatawag ka ni pinuno sa opisina niya." Buti nalang naalala ni V na pinapatawag pala ng pinuno si Suga masyado kasi siyang excited pumili ng wish na tutuparin niya sa mundong Earth.

"Ha? Bakit daw?" agad na kinabahan si Suga. Hindi naman siya kasi madalas pinapatawag ng pinuno unless importante ito o pag may nagawa lang siya na masama.

"Hindi ko din alam, eh. Pero wag ka mag alala hindi naman siya mukang galit." Agad na gumaan ang loob ni Suga. "Sige, pupunta na ako." Nagpaalam na siya kila Jin at Jimin.

"Bat ka pala andito, V? Diba dapat nagte-train ka ngayon ng mga bago?" tanong ni Jimin.

Agad na napangiti si V. "Patingin naman ako ng listahan ng mga wishes, oh." Nagtataka man ang mga muka nung dalawa pero walang duda nilang inabot kay V yung wish list.

"Aish, ang dami naman." Napakamot sa ulo si V. Sa sobrang dami ng wishes na nasa list di siya makapili. Natawa nalang sila Jimin at Jin sakanya. Halata kasing di sanay si V na magbasa ng listahan ng wish list.

"Nakakatamad namang basahin pero dun nalang ako sa dulo pipili. Normally yun yung mga huling wishes ng buwan diba?" tanong ni V sa dalawa.

"Oo." Sagot ni Jimin sakanya. "Teka, V, bakit ba?" nagtatakang tanong ni Jimin.

"Inutusan ka ba ng pinuno? Na tumupad sa mga wishes na nandito?" nagtatakang tanong din ni Jin. Sasagutin na niya sana ito ng oo ng biglang dumating si Suga.

d

Lost Stars || k.thWhere stories live. Discover now