Haaa. I love the title itself of this chapter. Lol, corny ko talaga. Enjoy.
***************************************************************************************
(SA GALAXY)
"V!" sigaw ni Suga habang nanakbo papunta kung saan nakapwesto sila V, Jin at Jimin. Hingal na hingal si Suga ng makarating siya sa table nung tatlo.
"Oh, Suga, anyare sayo?" tanong ni Jimin.
"Akala ko ba hindi galit ang pinuno, V? Eh bakit ganito nalang itsura nito ni Suga?" tanong ni Jin kay V.
"Hin..hindi. Nagkakamali k-kayo..." huminto muna saglit si Suga saka hinabol ang hininga niya. "Ganito kasi yan... ako na daw muna sa ngayon ang magte-train sa mga bago."
Nanlaki ang mga mata pareho nila Jin at Jimin sabay na napatingin kay V. "Uy, V anong ibig sabihin nito?" tanong ni Jimin sakanya.
"Anong nangyayare, Suga?" tanong ni Jin.
"Hindi ko nga din alam, eh. Basta ang sabi lang ng pinuno, tanungin ko nalang daw si V." matapos sabihin ni Suga yun napatingin siya kay V. "Tatanggalin ka na ba ng pinuno, V?" tanong ni Suga.
"Hindi, ah. Ano ka ba." Sabi ni V.
"Eh, ano ba nga kasing nangyayare? Bakit si Suga na ang bagong mag te-train sa ngayon? Bakit, aalis ka ba V?" tanong ni Jin.
"Ang talino mo don." Sabi ni V kay Jin. "Oo, aalis ako."
"Gano katagal?" tanong ni Jimin.
"Hanggang kailan?" tanong ni Jin.
"Bakit naman?" tanong ni Suga.
"Teka, teka, ako muna tsaka isa isa lang." sabay sabay na tumahimik yung tatlo at nakinig sa sasabihin niya. "Pinayagan kasi ako ng pinuno na bumaba sa Earth..."
"WATDA..."
"Teka lang, Jimin, sabing ako muna eh." Naaasar na sabi ni V.
"Ganito kasi yan. Ni-request ko talaga na pababain niya ako sa Earth kasi gusto kong maranasan kung pano mamuhay ang mga tao sa baba. Since lagi akong kinekwentuhan ng pinuno tungkol sa buhay ng mga tao sa baba na-curious na ako..."
"Kaya naman sa darating na birthday ko ayun ang ni-request ko sa pinuno. Pumayag naman siya kaso..."
"Kaso ano?" tanong ni Jin.
"Kaso kailangan pumili daw ako ng isa sa mga wishes diyan sa wish list. Kailangan ko daw tuparin yun pagbaba ko." Paliwanag niya.
"Ah, kaya pala naniningin ka kanina sa wish list." Sabi ni Jimin.
"Oh my god... so... so, kaya ba ako muna ang inassign ng pinuno na mag te-train sa mga bago sa ngayon?" tanong ni Suga.
"Oo. Since mawawala ako, ikaw muna ang papalit."
"Bakit hindi nalang si Jungkook, o kaya si Rapmon?" tanong ni Suga.
"Masyado na kasing maraming trabaho naka assign sa kanilang dalawa. Lalo na si Jungkook na pumupunta sa iba't ibang lugar para asikasuhin ang mga meeting ng pinuno sa ibang planeta." Paliwanag ni V.
"Sabagay may point naman si V don." Pagsang-ayon ni Jin.
"Pero grabe, hindi ako makapaniwala na pinayagan ka ng pinuno. Lalo kana, knowing na isa ka sa mga kanang kamay niya. Hindi ba siya mahihirapan?" tanong ni Jimin.
"Mahihirapan, malamang." Sagot ni V. "Pero anjan naman kayong anim, eh."
"Grabe talaga." Hindi pa din makapaniwala na sagot ni Suga.
"Oh, eh ano na? Pipili ka na ba ngayon ng wish? Ano na ba gagawin mo?" tanong ni Jin kay V.
"Oo tapos babalik pa ako sa pinuno. Sasabihin ko sakanya kung ano yung wish na napili ko." Sagot ni V.
"Edi pumili ka na ngayon." Sabi ni Suga sabay abot kay V nung files ng wishes. "Masyado nga lang marami mahihirapan kang pumili. Lalo na di ka naman sanay sa ganitong trabaho." Dugtong pa niya.
"Actually, para mediyo madali, sa dulo ng buwan nalang ako kukuha. Yung mga humabol nalang sa last day ng buwan." Ani ni V.
"Sige." Sabi ni Jin.
Nagsimula ng mamili si V sa mga wishes na nandoon...
Sana manalo ako sa lotto.
Sana makanood ako sa concert ni Ariana Grande.
Sana po makapasa ako sa darating na exam namin.
Sana magkabalikan pa yung mga parents ko.
Sana maging asawa ko si Harry Styles.
"Parang masyadong komplikado yung mga wishes sa dulo." Reklamo ni V. Natawa naman si Jin sa sinabe niya. "Sinabe mo pa." pailing-iling na sagot ni Jin sakanya.
Sana po bigyan niyo ako ng dahilan para maging masaya. Mapangiti inspite sa mga problemang nararanasan ko ngayon.
"Ah, eto! May napili na ako. Madali lang hindi mahirap gaya ng iba." Nakangiting turo ni V sa mga kasama.
"Wag yan! Sakin yan eh!" sigaw ni Jimin.
"Hayaan mo na Jimin. Pagbigyan mo na si V. Ngayon lang yan kukuha ng wish oh." Sagot ni Jin.
"Hays. Eh minamatahan ko na yang hiling na yan simula ng ma-log yan sa wish list eh. Masyadong problemado yung babae diyan kaya siguraduhin mo V na mapapasaya mo talaga yan, ah." Dugtong pa ni Jimin.
Bago kasi nila minsan tuparin ang mga hiling, nire-review muna nila yung background ng isang tao. Oo, masyadong matrabaho pero ganun talaga, eh.
"Akong bahala." Sambit ni V.
"Sige." Nakasimangot na sagot ni Jimin. Sa huli hinayaan nalang din niya si V. Totoo din naman kasi ang sinabe ni Jin. Ngayon lang naman gagawa ng ganitong task si V kaya pinagbigyan niya nalang ito.
"Salamat." Ngiti ni V kay Jimin. "Pupunta na ako kay pinuno para sabihin sakanya kung ano yung napili ko."
����
YOU ARE READING
Lost Stars || k.th
Hayran KurguWhat if two stars would meet? What would happen? Would they outshine each other? Or shine together as one?