Yay for chapter 2. Hahaha im so excited about this story. Just a quick FYI, I'm actually a JiMina stan. I ship Jimin and Mina but goddamn Taetae just fit my character for this story, eh. Sorry po ><
PS: A fan edit of TaeMina (ctto)
***************************************************************************************
Chapter 2
(SA GALAXY)
"V, pinapatawag ka ng pinuno sa opisina niya." sabi ni Jimin kay V.
"Bakit daw?" nagtatakang tanong ni V.
"Hindi sinabe kung bakit, eh." Paliwanag ni Jimin sa kaibigan na star.
"Sige." Habang naglalakad si V patungo sa opisina ng pinuno nakasalubong niya si Jungkook. "Uy, san ka pupunta?" tanong ni Jungkook kay V.
"Sa opisina ng pinuno."
"Magpapaalam ka na ba sa pinuno? Yung tungkol sa gusto mo?" tanong ni Jungkook.
"Pinapatawag daw ako ng pinuno, eh. Pero oo, itatanong ko na din sakanya kung papayagan niya ako sa gusto kong mangyari." Sabi ni V.
"Osige, balitaan mo ako agad ha. Goodluck." Sabi ng kaniyang kaibigan na si Jungkook. Matagal ng magkaibigan ang dalawa pero mas matanda ng ilang years si V kay Jungkook.
Nang makarating si V sa opisina ng pinuno agad na pumasok siya sa loob. "Pinapatawag niyo daw po ako."
"Ah, oo. Maupo ka V." sabi ng pinuno sakanya.
"Salamat po." Agad na naupo si V. "Ano pong dahilan? Bakit niyo po ako pinatawag?"
"Ah, ayun ba. Kasi hinahanap ko pa kanina yung folder ng wish lists this month. Hindi ko makita, eh. Nasayo ba?" tanong ng pinuno sakanya.
Ang wish list ay kung saan nakalagay ang mga kahilingan ng mga tao. Doon sila nag dedepende kung kelan sila magpapadala ng shooting star sa mundong Earth.
"Wala po. Pero ang alam ko po nakay Jin po. May mga nadagdag daw po kasi na wishes ngayong last day ng buwan." Paliwanag ni V.
"Ah, ganun ba? Sige. Pakisabe nalang kay Jin pag tapos na dalhin dito sa opisina ko." Sabi ng pinuno kay V.
"Opo."
"Sige, ayun lang naman."
Tatayo na sana si V sa kaniyang kinauupuan ng biglang maalala niya yung isa pa niyang dahilan bat siya pumunta dito...
"Pinuno."
"Oh ano yun, V?" tanong ng pinuno sakanya.
"Meron lang po sana akong gustong itanong... este hilingin po sainyo."
*********************************************************************************************
(SA EARTH)
"Goodmorning, my baby girl." Bati ng mommy ni Mina sakanya sa dining room nila.
"Goodmorning din po, mom." Naupo si Mina sa dining area para kumain ng breakfast bago pumasok sa school.
Oo, nag aaral pa si Mina. May classes siya sa umaga 8am-1pm tapos practice for the competition ng 1pm-9pm. Sobrang hectic ng kaniyang schedule.
"Yaya told me you didn't eat last night." Sambit ng kaniyang mommy. "I was just worried for my daughter, that's all."
"Pinili ko po talagang di kumain. Diet po kasi, mommy. Hindi po pwede kumain sa gabi sabi ni Ms. Jem (Mina's instructor).
"Ah, ganun ba? Okay then. Well, always listen to Jem baby, okay? Do good sa practices mo, okay? The competition is just around the corner so be prepared." Sabi ng mommy niya.
"Yes, mom." Tugon ni Mina na wala man lang emosyon.
"Well, your dad will be on a business trip these week sa Singapore. He'll be staying there for 1 week. And me, most probably after 3 days may business trip din ako sa Japan." Paliwanag ng mommy niya. "Pero we promise na we'll be there sa araw ng competition mo."
"Alright po." Matipid na sagot ni Mina.
"Okay then. Well i'll be going na sweetheart, you know naman, business calls. Take care!" sabay kiss ng kaniyang mommy sa ulo niya.
Wala nalang nasagot si Mina kundi buntung-hininga. Hindi pa nag-uumpisa yung classes and practice niya pero feeling niya pagod na pagod na siya agad.
YOU ARE READING
Lost Stars || k.th
FanficWhat if two stars would meet? What would happen? Would they outshine each other? Or shine together as one?