Hi. This would be chapter 3 of my new story. Enjoy! #TaeMina
Chapter 3
*********************************************************************************************
(SA GALAXY)
"Ano yun, V?" tanong ng pinuno sakanya habang nakatingin din sakanya.
"Sa dadating ko pong ika-987653557 birthday..."
"Oh?"
"Gustokoposanangbumabasamundongmgatao." Mabilis na pagkakasabi niya.
"Ano? Ayusin mo nga, V." sabi ng pinuno.
Huminga ng malalim si V tsaka inulit ang kaniyang kahilingan. "Gusto ko po sanang bumaba sa mundo ng mga tao."
Inintay niya na mag react ang pinuno pero wala itong reaksyon. Nakatingin lang to sakanya. Hindi tuloy alam ni V kung kakabahan ba siya o ano.
"Gusto ko po sana kasing maranasan mamuhay sa mundo nila. Kasi po simula nung araw na kinwentuhan niyo ako tungkol sa buhay ng mga tao sa ibaba, na-curious na po ako." Paliwanag pa niya.
"Sige."
Nagulat si V sa narinig niya.
"Sa isang kundisyon..."
"Ano po yon?"
"Kumuha ka ng isang wish sa wish list kay Jin. Tuparin mo ang isa don. Hanapin mo yung tao at tuparin ang kaniyang kahilingan."
"Ibig sabihin po isa ako sa mga shooting star na ipapadala sa Earth?" tanong ni V. Tumango ang pinuno sakanya. Di siya makapaniwala na pinayagan siya ng pinuno na bumaba sa mundong Earth.
Kung tutuusin kasi isa si V sa parang kanang kamay ng pinuno. Isa siya sa mga nag ta-train sa ibang stars lalo na sa mga bago palang, taga ayos ng meeting, schedules, files at marami pang iba.
Iba kasi yung mga stars na pinapadala bilang shooting star. Kumbaga, masyadong mataas ang posisyon ni V para ipadala sa Earth.
"Sige po, pinuno." Pagpayag ni V. Tatanggi pa ba siya eh pinayagan na nga siyang bumaba sa mundong Earth.
"Sabihin mo na din kay J-Hope na delay muna ang schedule niya. Standby mode na kamo muna siya kasi dapat siya ang pinakaunang shooting star sa darating na bagong buwan." Sabi ng pinuno.
"Osige po."
"Pagtapos mo palang makapili ng isang wish doon. Bumalik ka sa akin dito at ipaalam sakin bago ka umalis." Pahabol pa ng pinuno. "Tapos pakitawag na din si Suga sabihin mo pumunta sa opisina ko."
"Sige po, aalis na po ako pinuno."
"Sige."
Nagmamadaling lumabas si V ng opisina ng pinuno. Tuwang tuwa siya dahil pumayag ang pinuno sa hiniling niya kahit ba na may kapalit okay pa din siya don. Nanakbo si V sa hallway ng makabangga niya si Jungkook.
"Oh, V? San ka pupunta bakit parang nagmamadali ka?" tanong ni Jungkook.
"JUNGKOOK!!!!" sigaw ni V ng malakas na ikinagulat ni Jungkook.
"Bakit?"
"Pumayag ang pinuno sa gusto ko." Nakangiting sabi ni V sa kaibigan niya.
Napangiti din si Jungkook sa sinabi niya. Mukang baliw ngayon ang dalawa dahil nakangiti lang sila sa isat isa. "Hala! Buti naman! Pumayag ang pinuno pa birthday niya sayo!"
Ngayon naman nagtatatalon na yung dalawa sa hallway. Napapatingin yung mga ibang stars na napapadaan sakanila. Nagtataka bakit ganon ang reaksyon at ginagawa nung dalawa.
"Sobrang saya ko talaga para sayo, V!" ani ni Jungkook. "Magpaalam ka sakin bago ka umalis, ah." Paalala niya pa sa kaibigan.
"Oo naman hindi naman ako pwedeng umalis ng hindi nagpapaalam sayo." Sabi ni V sa kaibigan habang nakangiti pa din.
"Sige na, hahanapin ko pa si Jin. May kapalit kasi ang hiniling ko sa pinuno, eh." Paliwanag ni V.
"Okay sige. Mamaya mo nalang saakin ikwento kung ano yung kapalit."
"Osige, alam mo ba kung nasaan si Jin?" tanong ni V sa kaibigan.
"Ah, oo nakita ko sila ni Jimin kanina sa library. Magkasama sila. Pinagpaparte-parte yata nila yung mga wishes. Kung sino mga i-assign dito." Paliwanag ni Jungkook.
"Ah, sige salamat. Puntahan ko na si Jin sa library. Puntahan kita mamaya Jungkook." Paalam ni V habang nanakbo na palayo sa kaibigan.
Sana may maabutan pa akong wish. Jin, wag niyo munang pagparte-partehin.
YOU ARE READING
Lost Stars || k.th
FanfictionWhat if two stars would meet? What would happen? Would they outshine each other? Or shine together as one?