Pahina 7

16 3 0
                                    


"Welcome new leaflets, Welcome to the Place of Kkum!"

Mula sa kaninang paglalakad ko at pagsunod sa makikinang na bagay sa kahanginan, sa gitna ng  mapunong kagubatan ay ngayo'y natatanaw ko na ang di mabilang na mga tao sa harap ng malaking gate na may  berde at gintong kulay.

"Welcome to the Place of Kkum new leaflets, Welcome " wika ng isang lalaking labis ang pagkatangkad at pagkapayat, Agaw pansin rin dito ang mahaba at pacurly nitong bigote.

Sobrang tangkad niya kalahati niya lang yata ako  

Habang unti-unti akong naglalakad papalapit sa mga nagkukumpulang tao ay mas naaninag ko ang itsura ng lalaking magiliw na nagsasalita na nakasombrero ng brown, Nakapolo ng may hating kulay ng violet at puti. At sa pang-ibaba naman nito ay ang itim na pantalon at berdeng pangdwendeng sapatos. Sa dulo ng sapatos niya ay katulad din ng bigote niyang pacurly.

Napansin ko rin ang mga taong ngayo'y nagsisimulang gumawa ng maayos na pila, may matanda,bata at may kasing edad ko rin, at halos katulad ko  ang kasuotang suot nila, yung tipong dress at polo ang bida.

Naku! Naiwan tuloy akong mag-isang nakatunganga.
Agad din naman akong pumila sa pinakang dulo.

Mahabang dress na may tapik ng kulay ng kaulapan ang suot ko ngayon, At hindi ko alam kung bakit ganto at san nanggaling ito.  Basta nagising na lang ako sa kagubatan na ganto  ang itsura.

Na-aalala ko pa ang lahat. Ang lahat ng pananakit at galit na ginawa sa akin ng magulang ko. Tanging yun lang ang ala-alang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit sila nagagalit sa akin? Pero hindi ko rin alam kung bakit ganon?Hays  Yun lang  ang tanging naaalala ko, dahil dun ay  pinangako ko sa aking sarili na kailanman ay di na ako babalik muli sa kanila!

Pero mas hindi ko alam e kung bakit ako nandito?, basta't ang tanging nasa isip ko lamang ay ang  sumunod din sa mga taong papasok dun sa kulay berde at gintong pintuan na gate.

Sa pagkakarinig ko dun sa payat at matangkad na lalaki 'Welcome to the Place of Kkum' daw, baka Kum ang tawag sa loob nun. Aist di ko alam (-__-)

"Welcome last new leaflet,  Welcome to the place of Kkum, Maari ka nang pumasok, Kanina ka pa nakatunganga diyan haha, Ang  ibang leaflets  marahil ay kasama na ang kanilang mga kanya-kanyang Leaf Guide, Pumasok ka na "magiliw nitong wika

Kakaisip ay hindi ko namalayang nakapasok na pala ang lahat ng tao at ako na lang pala ang natitira. "Bakit leaflets ang tawag mo sa amin?" Wala sa sariling tanong ko sa lalaki. Haist! Sobrang tangkad niya nakakangalay tumingala! 

"Dahil... Yun ang itinalagang itawag sa inyo hahaha" wika nito sunod ang weirdong tawa.

"Mabuti pa ay pumasok ka na"

"Sa pagpasok mo dito sa lugar ng Kkum ay may naghihitay na Leaf Guide sa iyo. Siya ang magtuturo at ang gagabay sa iyo, Lahat ng gusto mong tanungin ay siya rin ang sasagot, Ano? handa ka na bang pumasok hahaha" wika na naman niya ng may weirdong halakhak.

Pagkatapos ng usapang iyon ay pumasok na nga ako sa malaking gate na iyon.

Isang malawak na damuhan.

Yun lang ang tanging nakikita ko. Wala akong makitang tao o bahay man lang. San naman ako pupunta?.Tumingin ako ng patalikod sa lalaking kanina'y kausap ko bago nagsimulang naglakad sa damuhan.

"Buzzzzzzziing!" 

P-panong--

Ngayon ay ibang lugar na ang nakikita ko, Isang malawak na yellow green na palayan ang ngayo'y bumabalot sa aking paningin. Ang pinagkaiba lang, ay ngayo'y nakikita ko na ang kaninang mga tao na kasama ko sa pila pero may kanya kanya silang kasama na nakasuot ng pula, at dilaw na kasuotan. Di ko sila nakita kanina sa pila ah.

"Buzing!" Paulit ko na namang ibinalik ang ulo pabalik at.. Muli ko na namang nakita ang lalaki sa gate na nakangiti sa akin.

Pawang putol na ulo ko ang  sa tingin koy nakikita ng lalaki sa gate.

Ang galing.. (*___*)

Isang pawang  transparent na  pader ang nakaharang mula sa pagpasok mo sa kkum. Pawang isang dimensional door

Kapag pumasok ka sa may berde at gintong kulay na gate ay tanging malawak na damuhan lamang ang makikita mo, ngunit mula doon sa  gate, tatlong hakbang na layo ay may pawang isang transparent na lagusan. Na kapag humakbang ka rito ay mapupunta ka sa ibang malawak na palayan na ngayo'y kinalalagyan ko.     Wow

Nanatili lamang na nakalabas ang ulo ko sa lugar kung saan nakikita ko ang  lalaki sa gate, Samantala'y ang katawan ko nama'y nasa kabilang lugar na may malawak na palayan.

Bahagya akong napatingin sa muka ng lalaki na ngayo'y ngiting-ngiti sa akin. Parang nakita ko na siya?

Dahan-dahan namang napatagilid ang ulo ko sa pagsipat sa muka niya.at. S-siya!

Siya yung baklang instructor Sa panaginip ko. Panaginip? Napanaginipan ko siya? Oo! teka.. Oo nga!  Y-yung naging zombie ang  itsura? Siya yun diba? Ewan ko kung baliw na ba akong matuturing sa pagkausap ko sa sarili ko. Bigla na lang kasing may pumasok na ala-ala sa utak ko sa oras lamang na ito. Alaalang di ko naman naalala kanina. Parang ala-alang ngayon lang itinakdang makita. 

Baka maging zombie na naman siya! Hala.

Labis na pagkatakot ang naramdaman ko ng ma-alala ko ang panaginip kong yun, Kung saan ay nagpalit ang anyo niya kasabay ng mga kandidata, Naging anyong nakakatakot.

"Bakit?" wika nito ng nakangiting nagtatanong sa akin

"W-wala sige" Agad ko namang ibinalik ang parte ng ulo ko sa kabilang lugar.  Mabilis din namang tumagos ito sa transparent na pader.

"Buzing!"

'Kuwit'

May nanguwit s-sa akin..  WAAAAHH!

 S-sino n-naman yun?  Huwag mong sabihing naging zombie na nga yung mga kasamang kandidata nung lalaki sa gate. Baka yung kaninang mga tao? Baka sila yung mga kandidata sa panaginip ko! "Waaaaaaaaah!" Pagsigaw ko at pagtakbo ng hindi nililingon  kung sino mang kumuwit sa likod ko.

Waaaaa kailangan kong maka-alis dito! P-pero yung.. Lalaki sa gate, nandun siya... Hindi ako pwedeng bumalik dun huwaaa! Kailangan kong magtago. tama! tama! eto yung nasa panaginip ko! naalala ko waaaaah!

"Hoy bumalik ka dito!" Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko papunta sa mga palayan nang marinig ko ang boses nang humahabol sa akin.

"Woi! Sandali! Leaflet hintayin mo naman ako!"

"Waaaaaaaaaa huhuhuhu, Lumayo ka!" mangiyak-ngiyak na napasigaw  ako nang bigla'y lumutang ako sa ere.Pilit akong gumalaw ngunit hindi ako makagalaw. Kakainin na niya ba ako?

"Haist!  Sorry leaflet ha! Ang bilis mo kasing tumakbo e,nagamitan tuloy kita ng mahika" wika ng isang maganda at maputing babae habang unti-unti, pababa niya akong nilalapit patungo sa pwesto niya, gamit ang mga kamay niya. 

Waahh!  katapusan ko na!


A Place of Kkum( Please Wag Niyo Po Muna Basahin, Maraming Errors! Haha)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon