Pahina 15

7 1 0
                                    

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa lahat ng mga bagay na nasa harapan ko ngayon "Waaaaaaaaaaaaaaaaaah" malakas kong pagsigaw

Isang malaking salamin na cabinet na kulay pink! yung nakikita ko dati sa social media naalala ko yun e, tapos, lahat ng make ups! hahaha, Ginamit ko lang lahat ng imahinasyon ko then boom! Eto na sila WAHHH! Teddy bears, chocolates, wigs, hairbands! dress! skirts, denim clothes! bracelets! heels, waaaaah di ko kinaya. I can't breath! Lahat ng yan nasa harapan ko na! Waah!

Nakaupo ako ngayon sa malambot at pink na kama na ini-magined ko lang kagabi, haha. 

Maaga akong nagising, wala pang araw, hindi ko naman alam kung anong oras na dahil kahit anong pag-iimagined ko na magkaroon ng orasan ay hindi yun natutupad, Bakit kaya? Kaya ito na lang ang ginawa ko ang humiling ng mga bagay na di ko naranasanng makamtan kahit kailan. Akala ko nga ay walang mangyayare pero unbelibabol talaga hehe.

Dahil sa sabik kong mahawakan ang lahat ng nabuo ng aking imahinasyon ay dahan dahan akong lumapit  upang hawakan ang bagay----- "Ergkkkk"   "Ay palaka!" gulat kong wika nang bigla'y bumukas ang puting pinto ng kwarto ko.

Ano namang ginagawa niya dito?

Dahan dahan ay naglakad siya papasok sa aking kwarto at binagsak ang puting pinto.

Tulala at nakakanganga lamang akong tumingin sa kanya na ngayo'y seryosong nililibot ang tingin sa buong paligid ng kwarto ko at mula sa pagtingin niyang yun ay ngayo'y dahan dahan naman siyang tumingin sa akin at sa mga bagay na nasa harapan ko. Patay! magagalit kaya to sa akin? baka isipin neto inaabuso ko yung imahinasyon. Tch wala naman akong ginawang masama ah?

Mula sa takang pagtingin niya sa mga bagay na nasa harapan ko ay bigla naman napapunta ito sa akin. Bahagya din akong napatingin sa walang ekspresyon niyang mga titig. Bagay na pinagsisihan ko dahil sa bawat titig niyang iyon ay parang unti-unti ring nanglalambot ang buong kalamnan ko. Haru! Ilayo niyo po ang unggoy na ito huhu. 

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" biglang saad nito 

Huh? Ako? nasisiraan ng ulo?   "ako?" wika ko habang tinuro ang sarili  "Baka ikaw! papasok pasok ka dito tapos tatanungin mo  ako na nasisiraan na ako?" Lakas tama!

"Base naman sa nakikita ko sa silid mo ay wala namang bagay na magpapasigaw nang lubos sa tulad mo, bukod dito sa kakaibang bagay, WALA" malamig na wika nito

Napakunot noo na lang ako sa sinabi niya, hindi ko kase nagets. "Ang dami mong sinabi tae. Edi sana tinanong mo na lang ako ng "Bakit ka sumisigaw?" 

"TEKA!" Bwelta ko kasabay ng pagduro sa kanya. "Concerned ka sa akin no? aminin!  yieee" biro ko dito, para mainis siya. Haha. 

Pero sa ginawa kong iyon ay pawang ako ata ang nainis dahil sa kunot noo nitong sagot sa akin. Fine

"Natutuwa lang kasi ako sa mga bagay na na-imagined ko,  ito oh!" pagturo ko sa mga chocolate, makes ups at mga gamit sa kama ko. "Di ko pa kasi nararanasan to, ngayon lang  kaya napapasigaw  ako sa  tuwa, sorry" saad ko.

Kahit napakahaba ng naging eksplenasyon ko ay nanatili pa rin siyang nakatingin ng seryoso sa akin. Okay. Walang ano anu'y bigla itong lumapit at yumuko sa kama ko upang kunin ang isa sa bagay na nasa harapan ko, Waaaa! bakit yun pa!?

"Ano to?" malamig niyang pagtatanong "Huh?"

Nang-iinsulto ba to? "Akin na yan!" pagbawi ko sa bagay na hawak hawak niya ngunit wala pang dalawang segundo ay agad niya ulit itong kinuha sa akin Waaaaaa mamatay ka na!

"Ngayon lang ako nakakita ng ganito, pati na rin lahat ng bagay na nilikha  mo sa imahinasyon mo" wika na namang muli nito in an abnormal tone.

Pero dahil sa hiyang nararamdaman ko sa hawak niya ay di ko siya magawang masagot ng matino. Walang ano-anu'y bigla niyang sinuot sa ulo niya ang bagay na kinuha niya mula sa akin. Bakit ba siya ganan? Di niya pa alam na panty yun? Di ko na napigilang malukot ang muka ko sa inis. Di naman pala siya pamilyar sa ganon, bat pa kase napakapakialamero pa niya!

Di ko alam kung paano ko ipapaliwanag na panty yun? Wala ba silang panty o brief dito? P-pero Aist! ano bang iniisip mo Henemia.

Bahagya lamang akong napatingin sa seryosong muka ni Prince habang suot suot niya sa ulo ang pink na panty. Gusto kong matawa sa kanya pero mas gusto ko siyang sigawan. Kaya lang paano? e mukang di niya alam na salawal ng babae ang suot niya. HARU! Bala ka nga diyan.

***

Marahan akong nag-unat bago ko buksan ang pinto ng estraktura ng black assemblege. 

"Henemia!, Kelemya, Heyamya!"  

"Waaaaaah!" gulat kong pagsigaw  sa sabay sabay na sigaw ng tatlong nilalang sa harapan ko ngayon, di ko pa tuluyang nabubuksan ang pinto nang  bigla naman silang bumungad.  Si Niami at dalawang batang lalaki. Pero? Kailan pa naging Kelemya at Heyamya ang pangalan ko? 

Yung batang lalaki na may pulang buhok ang nakatama sa pagtawag ng pangalan ko pero si Niami? Kailan pa naging Kelemya? 

"ah eh hehe" biglang kamot ni Niami sa kanyang ulo habang pasimpleng ngumiti, Walang ano-anu'y bigla itong yumuko at  bumulong sa nakapulang buhok na bata  "Henemia ba yun? akala ko Kelemya yung pangalan niya hehe" pagtawa pa nito habang tinatakluban ang kanyang labi gamit ang kanyang kanang kamay.

"Heyamya Heyamya kayo po ba ang bagong bakstone aseembuj?" Sa gitna ng pagtitig ko kila Niami ay biglang lumapit  at kumapit sa braso ko ang mas maliit na bata sa akin na may kulay dilaw na buhok. Abot niya yung braso ko, ang liit ko kasi. Dewaw. 

"Ahhhm" Bago ako sumagot ay umupo muna ako sa harapan ng batang dilaw ang buhok upang maging pantay kami.   "Ako nga bakit? atsaka anong pangalan mo?" wika ko nang may malambing na tono

"A-ako po chi Chimun (Simon), yelo asembuj (Yellow Assemblege)  P-pede ko po ba kayong m-maging kaibijan?" wika nito ng halatang may kaba. Hindi ko mapigilang matuwa at manggigil sa cute at bulo na wika nito.

"Syempre naman! Simula ngayon kaibigan na tayo, hehe" wika ko ng nakangiti "tawagin mo na lang akong Ate Henemia okay ba?" kindat ko at pisil sa cute na pisngi ng batang leaflet. 

"Yeheyy" biglang talon ng leaflet sabay tambling pa Ow hala pano niya nagawa yun?

"Ako rin po A-ate Henemia pwede ko rin po ba kayong maging  ganap na kaibigan?, Ako nga po pala si Haxxi " biglang sulpot namang tanong nang batang may pula ang buhok "Syempre naman hehe" sagot ko habang dahan dahang tumayo at kinusot ang buhok niya.

"Ah Henemia, Bakit ate ang gusto mong itawag mo sa iyo?" biglang tanong ni Niami

"Hmm para kasi sa akin.Ang pagtawag ng ate ay isang paggalang" ngiti kong wika sa kanya

"Ahhh ganon ba yun? dapat pala tawagin ko ding ate si Prince, Ate prince, at sila nakatatandang Leonard, Ate Leonard" napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa  pinagsasabi nito habang nakapikit pa at  bwelong yumuyuko. Kahit kailan talaga 

"Ate Henemia, kailangan ko nang gawin ang aking tungkulin ngayon, tara dun sa Eden Garden " saad ni Niami

"Di mo na na ako kailangang tawaging ate, mas matanda ka naman sa akin, sila kasi mga bata palang kaya ate ang gusto kong itawag nila sa akin" pagpapaliwanag ko

"Eh? kala ko paggalang yun?" kamot ulo tanong ni Niami

"Tara na Niami ipasyal na natin si ate Heyamya sa Eden Garden!"  wika ni Simon habang hinahatak ang kamay ni  Niami. Samantala si Haxxi naman ay tahimik lang na nagiintay sa magiging sagot namin ni Niami.

"Tara na" saad ko ng nakangiti sa kanilang tatlo.

"Yehey" magiliw na sigaw ni Simon sabay tambling muli ng dalawang beses (o.O) okey.






A Place of Kkum( Please Wag Niyo Po Muna Basahin, Maraming Errors! Haha)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon