Pahina 18

8 1 0
                                    

"Habang nandito siya ay kapahamakan ang maaring makamtan niya,  Nanganganib lamang ang buhay niya" mariin kong bulong sa aking sarili habang pinagmamasdan  ang marahang pagbuhat sa kanya ng leaflet na si Xheto.

Alam kong tao siya, Alam kong tao si Henemia..

============

Henemia

Bahagya akong mahinang napaungol bago tuluyang minulat ang aking mga mata.Nilibot ko ang aking paningin sa lugar na kinaroroonan ko at alam kong ito ang silid ko sa straktura ng blackstone. Halos kasi pink ang kulay na bumubuo rito.Matapos kong magmuni-muni ay agad akong tumayo at sumilip palabas sa bintanana.

Sa bintanang ito ay makikita ang kabuuan ng Kkum, tulad din ng senaryong maaring makita sa Terrace ng straktura na ito. 

Naalala ko ang senaryo nang kami ay nagsalo-salo, at bahagya akong napangiti, dahil isa yoon sa pinakamasayang salo-salo. Ngunit bahagya  rin  akong napabuntong hininga ng maalala ko ang huling pangyayari. Siguro  guni-guni ko lamang ang bagay na iyon dahil kitang kita ko ngayon sa aking mga mata na maayos nang muli ang kanilang mga itsura, hindi tulad kanina na naglalagas at puno ng dugo ang kanilang muka at kasuotan.

Kitang kita ang yellow green na kulay ng isang maliit na palayan sa gitna ng malawak na damuhan  ng Kkum. Sa pagkakatanda ko ay Riceland ang tawag doon. Marahan pa itong gumagalaw at nagliliwanag at sa tuktok nito ay ang mga dilaw at  pilak na bagay na lumulutang at kumikinang.

Naalala ko ang ang sinabi ni Niami, na.. ang maliit na rice land na iyon ay ang nagbibigay buhay sa lugar na ito. Doon raw pumupunta ang mga ideya at imahinasyon ng tao na nagbibigay kulay sa mundo ng Kkum. At ang mga ideya at imahinasyong iyon ay galing sa panaginip ng tao..

Mula sa Rriceland ay kitang kita ko ang lahat ng bata at matatandang leaflets sa kanilang sari-sariling ginagawa. Ang iba ay pawang nagtatanim sa Riceland, ang iba ay pawang nag-aani, Ang iba naman ay pawang nagkukumpuni, nagbubuhat ng maibigat na materyales na pawang may bagong  struktura o anumang bagay na bubuuin. Samantala, ang mga redstone naman ay nagsisiliparan sa kahanginan, tumutulong rin sila sa yellowstone sa pamamagitan ng  pagbuhat ng ibang mabibigat na materyales.. 

Sobrang gaan nilang panoorin dahil lahat sila ay nagtutulungan suot ang napakasayang mga ngiti sa kanilang mgab labi. Sa pilit kong pagdungaw pakaliwa ay natanaw ko nga ang maliit na gate ng Eden Garden, naalala ko dun ang mga kakaibang bulaklak.. Teka! maalala ko nasa cabinet ko nga pala yun, pati na rin ang nilikha kong mga damit at make ups.. Alam ko na! papatikimin ko ng chocolates yung mga ibang leaflets sigurado ako di pa sila nakakatikim ng ganun. Napangiti na lang ako nang bahagya sa naisip ko.

Agad ko nga itong hinanap sa aking pink na cabinet, nakita ko nga ang pink na body bag ko kung saan ay nakalagay ang iba't ibang uri ng bulaklak. Teka.. taka kong pag-iisip, Dahil may mga Dandelion na bulaklak sa loob ng aking bodybag. Naalala ko na pumitas ako ng isa ngunit ng lima pa? ay hindi ko maalala.. Aisst, Baka napasama lang siguro.

Agad ko ring nakita ang mga chocolates, teddy bears, kasuotan, make ups at iba pang bagay sa aking cabinet. "Grabe nawala na talaga yung mga pimples ko grabe!" tuwa kong reaksyon habang nakaupo at nakatingin sa salamin ng aking cabinet.  

"BB cream" nakangiti kong sambit

 "Agghh!"  hindi ko pa man nabubuksan ang BB cream na hawak ko ay bigla na lang sumakit ang ulo ko. "AHHH!" sobrang kirot na animo'y hinihiwa ng lagari. Ano ba to huhuhu


~

naalala ko na...

Sa school ko ay madalas na hindi ako kumakain ng recess, pamasahe at baong pangkain ko lamang kasi ang aking pera, kung kaya't kailangan kong magtipid upang makabili ng mga nais kong bagay.

A Place of Kkum( Please Wag Niyo Po Muna Basahin, Maraming Errors! Haha)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon