Ilang oras na rin ang lumipas magmula nang mahimatay siya, Nandito ako ngayon sa kanyang silid at kitang kita ko kung gaano kahimbing ang kanyang pagtulog. Hindi ko talaga alam kung bakit kakaiba talaga ang presensyang nararamdaman ko pagdating sa kanya, hindi siya tulad ng pangkaraniwang leaflets na madalas ay makasalamuha ko.
Maaring dahil isa siyang blackstone ngunit, Sa tuwing titigan ko siya ay nakikita ko ang mortal na si Agate sa kanya.Marahil ay mali ako na pag-isipan siya ng ganun, ngunit sana nga ay mali ako.
"X-Xheto.. Xheto?" mabilis na tumibok ang puso ko nang marinig ko ang totoo kong pangalan galing sa baguhan na si Henemia. Agad ko namang tiningnan kung gising na ba siya ngunit himbing parin siyang natutulog habang lumuluha? "Xheto X-xheto" muli nitong sambit. Marahan ko namang pinunasan ang tumulo niyang luha sa kanyang mapulang pisngi.
~
Kababalik ko lang sa Kkum galing sa mundo ng mga tao. Dahil hanggang ngayon ay patuloy ko paring tinutupad ang pangakong nais ng nakakatandang Dang ssu. Ang hanapin ang mortal na si Agate. Ilang taon na rin ang lumipas ngunit ni isang bakas ay wala akong matagpuan.
"Prince!" rinig kong tawag ni Niami kung kaya't agad akong napatingin rito. Napansin ko na nagsisimula na silang kumain sa salo salo dahil gitna na ng oras. Napansin ko rin ang nakatulalang baguhan na si Henemia... "Oh Prince kamusta ang iyong naging tungkulin?" magiliw na sambit ni tatang Heutsui na isang Yellowstone Assemblege. Isa siya sa pinakamatandang leaflet.Marahil ay tinutukoy niya ang naging tungkulin ko sa Reyna Almenea.
"Maayos naman po tatang Heutsui" pagngiti ko na lamang na tugon sa kanya. Naalala ko.. nalalapit na nga pala ang pagdating ng asul na buwan. Nalalapit na naman ang araw ng pag-aalay.
"Henemia! Henemia anong nangyayari sayo?" taka akong napatingin sa natatarantang si Niami
"Ate Heyamya ate Heyamya" pag-aalala ring wika ni Simon. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang kanyang ngayo'y reaksyon sa amin, sa tuwing may lumalapit sa kanyang leaflets ay lalong lumalala ang pagkatakot sa kanyang muka.. Wala naman kami sa loob ng struktura upang malaman ko kung ano nga ba ang nasa isip niya, Sandali pa ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay.
Lahat ng leaflets ay tarantang nag-alala at pumalibot sa kanya. Nakatingin lamang ako sa kanila at sa isang iglap, ay namalayan ko na lamang ang aking sarili na binubuhat siya. "Ako na po ang bahala, huwag na po kayong mag-alala" malamig kong saad
"A-ate P-Prince i-ingashan mo po si ate Heyamya ha.." paghabol at malungkot ni wika ni Simon. Kailan pa naging ate ang tawag sa akin?
Hindi ko na lamang pinansin ang iba pang mga naging saad ng ibang leaflets, sa halip ay dumeretso na ako sa aming straktura.
"X-Xheto..." Kunot- noo naman akong napatingin sa tulog na si Henemia, kasabay ng pagsasalita niya ay ang palabas din ng butil na tubig sa mata niya.
Paanong nagagawa niya ang bagay na iyon?
BINABASA MO ANG
A Place of Kkum( Please Wag Niyo Po Muna Basahin, Maraming Errors! Haha)
FantasyA Place of Kkum - Ang lugar na kung saan mabubuo ang kakaibang pag-iibigan ng isang tao at mahiwagang tao