intro

7 0 0
                                    

"Uy Angelo, sabay na tayong umuwi at magdidilim na." wika ni Aling Magda na kasamahan kong magsasaka sa palayan ng tiyo ko.

nilingon ko sila saka ngumiti.

"Mauna na po kayo at tatapusin ko lang ito at makagalitan na naman po ako ni tiyo pag di ko ito natapos."

"Jusmiyo kang bata ka. Bat ka ba kasi nagpapadala sa pagmamalupit nila sayo. Naturingan pa namang kamag anak." aniya. nakita ko pang umiling ito saka sumunod na sa iba pang magsasaka na nagpati una na sa paglalakad. "oh s'ya mag iingat ka nalang." tinanguan ko lang ang babae.

Ako nga pala si Angelo DelaCruz. Bata pa naulila kaya naiwan ako sa aking tiyo at sa pamilya nito na walang ibang ginawa kundi alipinin ako. Pero ayos lang naman iyon sa akin dahil nasanay narin naman ako. Kahit hindi lingid sa kaalaman kong Pag mamay-ari ko ang lupang sinasaka ng aking tiyo.

Nakita ko kasi ang titulo ng 20 ektaryang lupa at madami pang papeles na hindi ko maintindihan na nakapangalan sa akin at may mga pangalan ko. itinago ko ang titulo ng lupa kaya hanggang ngayon ay hindi matuloy- tuloy ang pagbenta nila sa lupa kasi walang titulo. dahil di naman nila alam na nakuha ko pala iyon.

At yon nga, ako ang kanilang alipin sa bahay. Di na ako umaangal dahil wala rin naman akong ibang mapupuntahan bukod sa kanila na natitirang kamag anak ko.

hanggang grade three lang ang natapos ko dahil gusto ni tiyo na tumulong na ako sa pag sasaka.

mOoooOooH.

palahaw ng kalabaw kong si Potpot. s'ya ang bestpren ko na napagsasabihan ko ng mga sekreto ko. gusto na yatang umuwi nito e kasi madilim na ang paligid.

hanggang nga sa nadisisyunan ko na ngang umuwi.

hila-hila ko ang kalabaw na si potpot at pakanta kanta pa ng paro parong bukid habang tinatahak ang daan pauwi. Di naman gaanong malayo ang bahay nina tiyo dahil dyes minutos lang na lakaran ay mararating mo na ang gawa sa batong bahay nila.

sa baryo namin, kapansin pansin na ang pamilya ng tiyo ko ang medyo nakaka angat.

mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ko na anf mga kabahayan at ang mga ilaw na galing sa gasera at lampara ng bawat bahay

oo, wala pong kuryente. kasi di naman daw abot ang kuryente sa baryo namin sabi ng teacher ko noon na galing pa ng bayan.

Nang makarating ako ng bahay ay agad kong itinali sa puno ng mangga si potpot saka pina inom ng tubig.

"Angeloooo! ikaw na ba yan? Mag saing kanaaaa!!" bulahaw ni Tiya Minda.

^_^ ano pa nga ba?

HER POV

kring*kring*kring~

"What?" bungad n'ya sa tumawag sa desk phone nya.

(M-ma'am, kasi pinapa cancel ni Mr. Dela Vega ang appointment n'ya-)

"then cancel it. its his loss. anything else?"

(w-wala na po)

pagkasabi nito ay ibinaba ko na agad ang phone. aksaya ng oras kapag pinakinggan pa nya ang sasabihin nito.

ako si Sheena Moteverde. CEO ng CM Corporation na pagmamay ari ng dad kong si Cedric Monteverde. Isa sa pinaka malaking food corporation sa bansa.

may katandaan na kasi ang dad ko kaya ako na ang nag take over sa kumpanya. Maaga akong naulila sa ina kaya itinuon ko ang oras ko sa pag aaral ng businress dahil ako lang naman ang pwedeng asahan ni dad sa negosyo.

Workagolic raw ako at di marunong mag enjoy o kahit ngumiti man lang. masyadong subsub sa trabaho at wala man lang mga kaibigan at time para sa sarili..

sa edad na 27 ay di pa ako nagka boyfriend o nagka gusto man lang sa kahit na sinong lalaki. hindi malayong tumanda akong dalaga sa pag uugali ko, sabi ng mga employers ko. nakakatakot daw ako kaya walang nagtatangkang manligaw sakin kahit nasa akin na ang lahat.

Ok lang. takot rin naman akong masaktan tulad ng mga empleyado kong walang ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa pinagtaksilan o di kaya'y iniwan ng karelasyon nila. and besides, di ko pa nakikita yong taong gusto ko talaga. acheche.

One and only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon