~ang lalaking Cinderella.~
"Angeloooo!!" nagulantang ako sa sigaw ni kiko, ang pinsan kong pahirap sa buhay ko. agad akong bumangon sa higaan saka lumabas ng kwarto kahit medyo naniningkit pa ang mga mata dahil kagigising ko lang.
"Bakit di mo nilabhan yong short ko? diba inutusan kitang labhan iyon kahapon kasi may lakad ako ngayon??" anito na masama ang tingin sa akin.
yumuko ako para hindi makita ang galit nysng ekspresyon. di pa ako nakakapag salita ay lumitaw na na naman ang galit na si Momoy na parang galit rin.
"Angelo, nawawala ang bente ko sa kwarto. ikaw ang kumuha ano?" sabi pa nito at bahagya akong tinulak. "ibalik mo na uy."
"hindi ako ang-"
"wag kanang magsinungaling. Makakarating ito kay tatay para maibawas sa sahod mo."
"naku angelo ha, labhan mo tong shorts, pag di yan natuyo pag dating ng alas dyes, isusumbong kita kay nanay, malalagot ka doon." anito nang naka ngisi.
"Angelo, paki sama nalang rin yong mga jersey ko doon sa basket at gagamitin ko iyon mamayang hapon." si kiko sabay ngisi at nag walk out na.
(-_-) hahay. nakaka pagod talaga.
"Angelo, uy, ano pang tinutunganga mo riyan? mag luto kana ng almusal at ng maka punta kana sa bukid. ano ba yan, tanghali na." mula kung saan ay biglang sumulpot si tiya.
halah?? paano ko hahatiin ang aking sarili para magawa ang mga utos nila?? T__T
Hindi ko alam kung ano ang unang gawin pero nagluto na muna ako bago nilabhan ang sandamakmak na labahin ng mga pinsan ko.
magsasampay na sana ako ng biglang...
t_t
UMULAN!!
paano ito matutuyo ngayong alas dyes ng umaga?? huhu..
BINABASA MO ANG
One and only You
HumorWHEN HE MEETS THE BIG CITY HE NEVER THOUGHT HE COULD SEE.. AND WHEN HE FINDS HER THAT HE NEVER THOUGHT HE WOULD HAVE.. MEET ANGELO DELA CRUZ <3