part 2

3 0 0
                                    

   ulan~~

Napaka lakas ng ulan kaya sa loob ng bahay ko na isinampay ang labahin ko. at hindi rin ako makakapunta sa bukid para magsaka kaya naman lahat ng mata sa bahay ay naghahalukipkip na nakatingin sa akin.

kasalanan ko ba kasing uulan ngayon??

pero ayos lang. masaya parin ako.. go go fight fight!!

makAlipas ang ilang sandali ay hindi parin tumitila ang ulan at mas lalo pang lumakas.. naalala ko tuloy ang kwento sakin ni tiyo na umuulan raw nong mawala si nanay, si tatay naman ay ibinilin ako kay tiyo para hanapin ang inay pero parehong hindi na sila bumalik kaya walang choice sina tiyo pero kupkupin ako kaya pasalamat nalang daw ako.

Kaya kapag umuulan ay ang mga magulang ko ang naaalala ko.

iling iling.. dapat masaya ako kasi buhay pa ako hanggang ngayon.. at alam ko na malulungkot sila kaoag nakita akong nalulungkot.

"I take, one step away and i find my self coming back to you ... my one and only one and only...... you.."

^_^

nakakagaan ng pakiramdam ang paborito kong kanta. One and only you daw iyon bg parokya ni edgar sabi ni teacher carla.. yong dayo naming guro galing sa bayan. Iyon kasi ang ringtone nya sa telepono nya..

telepono. yong laruan na maganda. tumutunog, umiilaw at punipindot na gamit daw para makapag communicate. mabibili daw ang telepono sa bayan. maganda daw sa bayan. maraming magagandang bagay na wala sa bukid. kelan kaya ako makakapunta doon??

  ~~sheena's POV

Mag isa akong kumakain dito sa McDo na katabi ng CM Corp. I need to go out sometimes. nakaka umay rin kasi ang mga pagkain na ino- order ng sekretary ko.

Nang tumingin ako sa labas ay nagsimula nang umulan.

Napangiti nalang ako. I dont know why, really pero kapag pinag mamasdan ko ang bawat patak ng ulan na nahuhulog sa langit ay napapangiti ako. Siguro dahil parang magic.  gift of God kumbaga.

"Si Ma'am Sheena, nakangiti. himala." bigla ko nalang narinig sa kabilang table.

"Baka inspired." sagot naman nong isa. wow ha? bubulong nalang, yong maririnig ko pa.

One and only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon